Masasabi kong isa ito sa pinaka-magandang movie na napanood ko. Madadala ka talaga ng main character sa flow ng istorya. Para kang mabibigyan ng bagong pag-asa at lakas ng loob. Sa tingin ko ang istoryang ito ay magandang maging halimbawa sa Pilipinas at sa kalagayan natin ngayon.
Ang istoryang ito ay naganap sa South Africa sa taong kung kelang pinayagan ng bumuto ang mga South African's para sa kanilang Democratic Election. Ito rin ang panahon na si Nelson Mandela (Morgan Freeman) ay kakalaya lamang sa kulungan at nahalal bilang presidente ng South Africa. Dala niya ang pag-asa ng pagbabago mula sa pang-aapi sa kanila ng mga dating namumuno sa kanila.
Sa kagustuhan niyang pagkaisahin at baguhin ang bansa nila ay natuon ang kanyang pansin sa Rugby National Team ng South Africa. Ang rugby ay isang popular na laro sa Europa at iba pang mga first world countries. Ang kupunang ito ay naging simbolo ng mga dating nanakop sa kanila at sa kasalukuyang nanganganib na matanggal para sa darating na World Cup. Ginamit ni Nelson Mandela ang kuponang ito upang pag-isahin ang kanilang bayan at ibalik ang pag-asa sa bawat mamayan na nahahati dahil sa kanilang lahi.
Sa palagay ko ay kailangan ng ating bansa ng isang tulad ni Nelson Mandela upang pag-kaisahing muli ang ating bayan ay wag ng intindihan pa ang pulitika at sariling kapakanan. Sana sa darating na halalan ngayong Mayo 2010, ay magkaron din tayo ng tamang desisyon kung sinu ang ating ihahalal upang baguhin ang lahat. Naisip ko tuloy nung una, na maaring si Pacquiao ang maging simbolo o gamiting instrumento, subalit maraming paraan upang gawin ito.
Magandang pagninilay ang palabas na ito upang mapag-isipan talaga natin kung gusto na ba natin ng pagbabago sa ating bayan o susunod pa rin tayo sa agos nakaraan. Haharap ba tayo sa kinabukasan o maiiwan na lamang.
Sana mapanood ninyo itong palabas na ito.
Isang magandang tula din ang naging inspirasyon para sa pelikulang ito:
Out of the night that covers me,
Black as the pit from pole to pole,
I thank whatever may gods be
For my unconquerable soul.
In the fell clutch of circumstance
I have not winced nor cried aloud.
Under the bludgeonings of chance
My head is bloody, but unbowed.
Beyond this place of wrath and tears
Looms but the horror of the shade,
And yet the menace of the years
Finds and shall find me unafraid.
It matters not how strait the gate,
How charged with punishments the scroll,
I am the master of my fate:
I am the captain of my soul.
by: William Ernest Henley
Black as the pit from pole to pole,
I thank whatever may gods be
For my unconquerable soul.
In the fell clutch of circumstance
I have not winced nor cried aloud.
Under the bludgeonings of chance
My head is bloody, but unbowed.
Beyond this place of wrath and tears
Looms but the horror of the shade,
And yet the menace of the years
Finds and shall find me unafraid.
It matters not how strait the gate,
How charged with punishments the scroll,
I am the master of my fate:
I am the captain of my soul.
by: William Ernest Henley
11 comments:
Good reviews tong Invictus. Yan ba yung kay Morgan Freeman?
@ Andy >> yup, si Morgan Freeman nga toh... A very nice and inspiring movie, as a nation with alot of political problems I think we can relate to this as well...
Ahhh yes... invictus.
i knew it magsasalita ka tungkol dito haha. very axel ang amoy. :)
okay ka pala gumawa ng blog ngayon ko lng napagtanto pre..; )
@Traveliztera >> ahahaha, panung amoy?? and what are you expecting??
@Edgar E >> lam ko ikaw yan, lolz!!
yabang mo naman, lam ko mas magaling kang magsulat sakin...
di pa nga ko nagsusulat ng comment, me reply ka na kagad. advanced ka din no! hehe
di ko pa napapanood ang pelikulang ito. kung ganun nga ka-inspiring ang palabas na to, maganda nga sana kung maisapuso ng lahat ng boboto ang mga mapupulot nilang aral dito.
yun nga lang, mahal sine. kaya ang bagsak, support piracy na lang. nyay.
dapat panunuorin ko toh kahapon, pero.... dahil sa nagbrownout samen, nawalan ng tubig, hindi ako nakaligo... kaya hindi ako nakaalis ng bahay para sumama sa mga friensdhip para manuod...kaya hindi ko nga napanuod.. pero dahil sa movie review mong to, cge na nga mag eeffort akong mangharbat ng makakasama mamayang gabi para mapanuod toh..
yun lng..
bye... napadaan lang eh.. :D
@Ed E >> hehehe, churi namana kala ko kasi ikaw yun eh... mali, mali... toinks!!
@Raizel >> oo, ikaw pala yun... lolz...
@Yanah >> ahahaha, nang dahil sa brownout hindi nakapanood... lolz
Sige nood ka po, maganda talaga siya... buti naman napapadaan ka pa sa blog ko... =p
mukhang maganda yan ah hmmm... ichecheck ko yan... hi axel (evilsmirk)
hahaha
di ko pa rin napanuod kase wala ako naharbat... baka mamaya ulit.. manghaharang ako sa kanto hahaha..
honga eh .. napadaan ako ulit dito..
napadaan din kasi ako ulit sa blog ko.. =))
ingats Godbless
@Anonymous >> hala, sinu ka naman?? magpakilala nga kayo... lolz
@Yanah >> ahahaha, sige mangharang ka lang dyan... tutukan mo kung kinakailangan...
Post a Comment