Nung mga bata pa tayo kapag may mga flag ceremony lagi tayong pinapapila ng ating mga guro ng maayos para maganda daw tignan. Kapag hindi maayos ang pila ang sasabihin ng guro natin, "Ayusin nyo yung pila", "Ideretso ang pila", minsan pa nga "Arms forward, raise" para daw maidercho yung pila natin.
Itinuro siguro satin ito nung bata pa tayo para matuto tayong pumila ng maayos sa mga tamang pilahan pagtanda natin. Sa panahon ngayon mukhang hindi talaga tayo natuto sa itinuro sa atin ng ating mga guro.
Gaya na lamang ng pilang ito sa hintayan ng bus sa Bonifacio Global City. Nagulat talaga ako ng makita ko ang pila na to. Sabi ko nga, teka, saan ba talaga ang pila?!?!
Sa tingin nyo saan kaya talaga papunta ang pila na to? May pahalang, may paderetso na pila. Saan kaya ang ang dulo at saan ang umpisa?
Hindi ba't kay ganda kung kagaya pa rin nung mga bata tayo? Yung mga pila na pinapagawa sa atin ng mga guro natin.
Ngayon ko lang din talaga nakita ang kahalagahan talaga yung mga itinuro sa atin dati nung mga bata pa tayo. Hindi ba't ang ayos tignan at gandang tignan? Sana matutunan natin ito uli kahit na medyo matatanda na tayo.
after 2 years...
11 years ago
5 comments:
Yan ba pila ns shuttle? Wow taga global City ka pala. Jan Pyrolympics dba? Traffic kaya mamya?
Update me ha..
I graduated from UP (aka University of Pila), so mejo sanay na ko sa pila-pila. Naiinis nga ko sa mga taong hindi marunong pumila; yung mga tipong singit nang singit. Hehe.
For some reason, in general people are allergic to lines and I don't know why. Though if someone reminds a group of people to fall in line, they follow naman :)
hahaha. bakit kaya yung mga simpleng bagay at madali namang gawin eh dun pa hirap na hirap ang mga pinoy ano? ano ba naman yung pumila ng maayos. yung iba nakapila pero kapag may sasakyan na ayan na nangunguna naman sa pila? ano pa ang sense ng pagpila? haaaay nga naman.
naalala ko nung isang beses dun sa may trinoma na pila ng FX, sinabihan ko yung magsyotang tibo, aba nauna ako sa pila tas sila pa yung nauna dun sa pagsakay sa akin? tama ba naman yun? inis na inis talaga ako. at isa pa, inis ako kasi ang ganda nung syota nung tibo LOOOOOOOOLZ
eto lang masasabi ko... mas madaling turuan ang mga bata... mas matigas ang ulo ng mga matatanda :P
Post a Comment