Taon taon sa tuwing sasapit ang Nov. 1 (which is All Saints Day and not All Souls Day), lahat ng mga tao ay dumadagsa sa sementeryo maging nasa probinsya man eto o sa Metro Manila... Sa mga Pilipino eto ay naging tradisyon na satin upang dalawin ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na... Para sa ibang bansa naman, kung saan Halloween ang tawag nila ay ginugunita nila sa pamamagitan ng mga pagsasaya at "trick or treat" na mga kabataan.
Ngunit sa bawat taong lumilipas, napapansin ko ata na paunti-unti na lang ata ang mga dumadalaw sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay... Eto ba ay dahil sa hirap ng buhay, dahil ba masyadong nakakapagod bumiyahe, o sa ibang araw na lang sila dumadalaw??
Napapansin ko rin na ang mga taong dumadalaw ay para na lamang namamasyal sa parke o para lang silang nagpipicnic...
Pero iisa lang ang napapansin kong hindi nagbabago... Eto ang mga taong naghahanap buhay sa araw na toh... Ang mga bulaklak nagtaas ang presyo, Php 100 na parking fee, ang mga nagtitinda ng mga pagkain at kung anu-ano pa man... Ang araw na ito ay nagiging pagkakataon na lamang sa mga tao upang makapaghanap-buhay...
Anu na nga ba ang kahulugan ng Araw ng mga Patay sa atin ngayon o eto na lang ba ay naging araw ng mga buhay???
17 comments:
dapat pinapalitan na yan ng pangalan eh..Sementerio's Feast!
hahaha para lang silang nasa bakuran nila ano..yung iba talagang don pa nagiinuman at nagkakainan eh..only in the philippines talaga!
epekto ng kapitalismo... last year nga nag block party sa davao memorial park.... tsk tsk tsk...
nakakalungkot lang na yung iba tuwing undas na lang nila naalala ang kanilang yumao sa buhay at yung iba nagpupunta nga ng sementeryo pero iba ang intensyon.. buti hindi sila minumulto.. awooooh
axel. napakakorni naman siguro kung magiiiyak ka pa rin dun sa puntod ng kamaganak na namayapa di ba? mas okey na siguro yung magpicnic, at magdasal. alalahanin ang naging buhay ng yumao. :)
ayos bago pala header mo :)
we kinda treat nov. 1 as a reunion of sorts. kse dito umuuwi yung ibang kamag-anak namin. so naging tradition na na yung dinner after going to the cemetery eh dun sa bahay namin ginaganap.
i agree with popoy. after saying a few prayers, lighting some candles and offering flowers, okei lang naman siguro mag-enjoy sa sementeryo. as long as you're not too loud and you bring your trash home with you. kahapon nagpunta ang kuya ko somewhere in cavite to visit an uncle's grave. grabe, parang one big pile of basura daw yung sementeryo dun.
@pokw4ng >> oo nga eh, ginawang picnic... Hindi mo nga alam kung nagdadasal pa sila kapag nagdalaw sa sementeryo eh...
@urban princess >> ganun ba, anu naman ginawa nila nun??
@ferbert >> tama ka dun, tuwing undas na lang nila naalala... Kaya next time sila naman dapat maalala nung mga namatay... hehehe...
@popoy >> hindi naman, kailangan umiyak ka... Hindi nga natin alam kung nagdadasal pa sila eh... Kasi yung iba, nagbabaraha lang, nagpapalipad ng saranggola at kung anu-ano pa...
Hehehe, oo bago na... Slight improvement, hindi pa nga tapos yan eh... Ok ba??
@antuken >> hay naku, lagi namang parang basurahan sa sementeryo kapag undas eh... Dahil nga yan sa mga nagkalat na nagtitinda ng kung anu-ano at mga nagpapalipad ng saranggola (parang ako hindi ganun dati..hehehe)...
Sana nga lang nakakapagdasal nga sila kapag andun sila...
May mga tao pa kayang nagpapanggap na Pare nung nagpunta kami eh... Nalaman naming peke nung tinanong ng mommy ko kung saang simbahan galing nung sinabi ayun buking sila kasi walang ganung simbahan dun sa lugar na yun eh... hehehe...
Tao nga naman...
ah okey nga axel eh. cge hintayin namin matapos at ng makita ang changes sa layout mo dito sa blog mo.
guilty! ako din nde nakadalaw...
tagal mo ulit nakapgpost ng entry ha.. busy to blog?
Nagulat ako nung dumating kami sa bukana ng sementeryo nung sabado, parang sale sa SM o Robinsons lang. Napakalakas ng sounds. Tsk tsk.
Agree din ako kay antuken, samin parang reunion na rin ung Nov 1. Kasi un lang ung time na kumpleto kami sa sementeryo.
iba na tlga un panahon
samen parang fiesta pg araw ng patay
araw na din ng puso un tawag smen
kakaloka dame nagdadate sa sementeryo gnawa pang ala luneta.
huwaw! may seryoso mode ka din pala? nakakapanibago. =D
@ Popoy >> ahehehe, sana nga maayos ko na...
@ Chyng >> hahaha, don worry dadalawin ka naman nila eh... hehehe...
Oo medyo naging busy ako eh, tsaka nagkasakit kaya hindi ako nakapag-update... New post coming-up...
@ Pampoy >> ahahaha, yun nga eh... Sana konting konsiderasyon sa iba nasa sementeryo kayo at walasa party...
Bweno kami rin reunion para samin pero ngayon, hindi na nagkakasabay-sabay eh... Ibat ibang araw na sila nadalaw or yung iba maaga na nauwi... Kakalungkot din minsan...
@ Toyz >> ahahaha, ganun ba... Kasabay nilang magdate yung mga patay... lolz...
@ Princesscha-mporado >> ahahaha, syempre naman meron din akong serious mode... Basahin mo yung mga nauna kong post... hehehe...
New post coming soon...
teka, kung araw ng mga patay yun,
bakit sa gabi maraming tao???
@ lethalverses >> teka anung konek nung gabi sa dami ng tao sa araw ng mga patay???
Dapat ba puro patay yung marami??? lolz...
anoberr gurl na gerger!!
ibig kong sabihin - kung ARAW ng mga patay yun, bakit hanggang GABI may nagcecelebrate sa sementeryo? and minsan mas marami pa ngang tao pag gabi.
nakakalungkot na nawawalan n ng meaning ang araw ng patay... dito kasi kahit panu, naalala padin nila ang yumao (i.e nagsisindi sila ng isenso at nagsusunog ng alay almost every week).. tpos month-long ang undas (hungry ghost festival)
Wow, mukhang masaya naman dyan...
Dito satin sa Pinas parang hindi mo na feel ang essense ng undas eh...
Post a Comment