Friday, July 3, 2009

Kapatid: Chapter 1

Tatlong taon na ang nakakaraan pero simula noon ay parang wala pa rin pagbabago ang nagaganap. Pilit sinusubaybayan ang mga pagbabago na maaring maganap subalit ako'y bigo pa rin.

Mga pangyayari sa loob ng isang sistema, sa loob ng isang maliit na komunidad at sa loob ng isang samahan na wala namang direktang relasyon sa isa't isa: Buhay Trabaho.

Magkakaron ng isang malaking pagbabago sa loob ng isang sistema na hindi pa talaga naisasaayos kung ikukumpara sa mundong ginagalawan. Naatasang maging miyembro ng mga hurado upang siguraduhing maging maayos ang lahat kahit na ikaw ay isa lamang sa maliliit na mga tauhan. Sa akalang suportado ka ng taong sumasaklaw sayo subalit bigo.

Ang proseso na ginagawan ng tamang direksyon ay hindi naman talaga dapat sa'yo at wala kang sapat na kaalaman para dito na ang higit na nakaalam ay ang taong sumasaklaw sa inyong maliit na samahan. Kinausap isang linggo bago ang konsultasyon para mapag-aralan ang iyong nilikha subalit hindi pa rin nagawang pag-aralan. Dumating ang takdang araw, dumating na lang at napansing andyan na ang mga taga subaybay at ikay tinawag, akala mo ay may sagot ng hain sayo subalit bigo pa rin. Inatasan na makipag-usap sa kasamahang pantay lamang ang kaalaman sa sistemang kinagisnan.

Nauwi na lamang sa pagkukusang loob na sumangguni sa mga taga subaybay at hingin ang kanilang payo. Kalahating araw na pagsasaayos at sa awa naman ay natapos din ang isang magulong sistema.

Kapag naisaayos na ang lahat ng ito, ay siyang magiging batayan ng buong sistema at dapat na sundin. Kung sakaling masulyapan ang kamalian sa sistema, ang gumawa ang siyang tatanungin. Subalit bakit naman ang taga-gawa ang masasalang sa interogasyon na ito kung siya ay napag-utusan lamang taong nararapat na may akda ng sistemang kanyang ginagalawan. Kung dumating man ang araw na iyon, walang atubiling ibabaling ang lahat sa taong nararapat na may nag-aari nito.

Kung akala mo ay laro lang ang lahat ng ito at hindi mo gagawin ang iyong parte, ay magisip-isip dahil sa araw na iyon walang ligtas ang sinu man. Kung ang dahilan mo ay marami kang gawain, isang kang baliw! Dahil hindi nauubos ang ating gawain sa araw-araw, ito'y mauubos na lamang sa araw na tayoy wala na sistemang ito. Pagsasaayos ng iyong oras at pagtugon sa may importansya ang kailangan, isa ka pa namang namumuno pero hindi ka makapagbigay ng tamang halimbawa sa mga nasasakupan mo. Isa ka talagang malaking kamalian sa sistemang ito.

Sunday, June 21, 2009

Just the TWO OF US

Dahil sa espesyal itong araw na ito sa nag-iisang haligi ng tahanan, gusto kong ibahagi itong kantang ito sa lahat ng TATAY sa buong mundo at lalo na sa aking tatay...

Bukod sa ating mga nanay, ang ating mga Tatay ang isa sa malaking impluwensya sa buhay natin habang lumalaki tayo.. Meron nga lang satin na hindi naging maganda ang karanasan sa kanilang mga Tatay habang lumalaki.. May iba't ibang paraan din ng pagpapalaki satin ang sarili nating mga Tatay at sariling interpretasyon natin kung anu ibig sabihin nito.. Pero isa lang masasabi ko sinubukan pa rin nilang gampanan ang kanilang pagiging AMA sa atin..

Para sa Tatay ko.. Kamusta ka na dyan?? Happy Fathers Day nga pala.. Panu ba ang celebration nyo dyan sa itaas??

Isa ito sa mga paborito kong kanta lalo na kapag gusto ko medyo emo-mode ako.. Minsan napapaiyak din ako nito..

Isang magandang kanta tungkol sa relasyon ng Ama sa kanyang anak.. Saludo ako sa inyo dahil natiis nyo kaming mga anak nyo kahit makukulit kami..


video

"Just The Two of Us"
by: Will Smith

Now dad this is a very sensitive subject

From the first time the doctor placed you in my arms
I knew Id meet death before Id let you meet harm
Although questions arose in my mind would I be man enough
Against wrong choose right and be standin up
From the hospital that first night
Took a hour just ta get the carseat in right
People drivin all fast got me kinda upset
Got you home safe placed you in your basonette
That night I dont think one wink I slept
As I slipped out my bed to your crib I crept
Touched your head gently felt my heart melt
Cause I know I loved you more than life itself
Then to my knees and I begged the lord please
Let me be a good daddy all he needs
Love knowledge discipline too
I pledge my life to you

Chorus

Just the two of us we can make it if we try
Just the two of us just the two of us
Just the two of us building castles in the sky
Just the two of us you and i

Verse 2

Five years old bringin comedy
Everytime I look at you I think man a little me
Just like me
Wait an see gonna be tall
Makes me laugh cause you got your dads ears an all
Sometimes I wonder what you gonna be
A general a doctor maybe a mc
Haha I wanna kiss you all the time
But I will test that butt when you cut outta line trudat
Uh uh uh why you do dat
I try to be a tough dad but you be makin me laugh
Crazy joy when I see the eyes of my baby boy
I pledge to you I will always do
Everything I can
Show you how to be a man
Dignity integrity honor an
An I dont mind if you lose long as you came with it
An you can cry aint no shame it it
It didnt work out with me an your mom
But yo push come to shove
You was conceived in love
So if the world attacks and you slide off track
Remember one fact I got your back

Chorus

Verse 3

Its a full time job to be a good dad
You got so much more stuff than I had
I gotta study just to keep with the changin times
101 dalmations on your cd rom
See me im
Tryin to pretend I know
On my pc where that cd go
But yo aint nuthin promised one day Ill be gone
Feel the strife but trust life does go wrong
But just in case
Its my place
To impart
One day some girls gonna break your heart
And ooh aint no pain like from the opposite sex
Gonna hurt bad but dont take it out on the next son
Throughout life people will make you mad
Disrespect you and treat you bad
Let God deal with the things they do
Cause hate in your heart will consume you too
Always tell the truth say your prayers
Hold doors pull out chairs easy on the swears
Youre living proof that dreams do come true
I love you and Im here for you

Chorus to fade
This is a good song dad how much am I gettin paid for this

Wednesday, June 17, 2009

Kainan sa Dalampasigan

Matapos ang isang nakakapagod na bakasyon namin sa Matabungkay Beach Resort kasama ko sila Ayz, Greenpinoy, Lethalverses, Chroneicon, Kidlat at Damdam kami ay naghanap ng makakainan ng aming tanghalian dahil gutom na gutom na kaming lahat.. At sa dami ng tinuro naming mga kainan ay napadpad naman kami sa Nasugbu Batangas..

Ang galing ng mata ni Lethalverses at nakita niya ang karatulang nakalagay na "Kainan sa Dalampasigan"

Dahil sa tunog pa lang ng pangalan ay masarap na, dinayo na namin ito upang masubukan..

Eto nga pala ang itsura sa loob..



Isang maliit na chapel sa loob na mukhang peaceful naman at tahimik..



Malaki ang looban nito at mukhang medyo may kalumaan na rin at dahil nga naman sa luma na talaga siya.. Ito ang klase ng restaurant na talagang dadayuhin mo at ang kapaligiran ay napapalibutan ng iba't ibang mga puno, halaman at mga bulaklak.. Tahimik na lugar at masarap mag-relax habang kumakain..

Ang pinaka-magandang tanung ay, kung masarap ba naman ang pagkain nila??

Isang Malaking CHECK!!! at sila Ateh ba naman MAGPAPAKABOG sa kanilang mga luto..

Eto nga pala ang mga inorder namin, kung tama pa pagkakaalala ko:

> Ginataang Tilapia - panalo ang lasa, lalo na ng gata nya...
> Nilagang Bulalo - kinumpara ko sa mga natikman ko sa Tagaytay, wala sinabi sa bulalo nila... approve!!
> Lechong Kawali - ayus din ang lasa..
> Bilao (Pritong Bangus, Liempo, Mangga at Talong) - nagustuhan ko dito yung tilapia, yung naghahalo yung alat at asim ng suka..
> Ice Tea (home made) - masarap din siya, kakaiba ang lasa kumpara mo sa mga branded
> Gulaman - panalo din ang lasa...
> Halo-halo - hindi ko natikman pero base sa mga nakatikim panalong panalo ang lasa nito

Ang resulta ng pagkain namain, bochog kaming lahat at hirap huminga na halos sing-tigas ng ulo ang mga sikmura..
Mukhang marami pang ulam na masarap tikman sa Menu nila pero sa uulitin na lang siguro.. Kung magawi man kami sa Tagaytay baka isama namin ito sa pupuntahan namin upang dayuhin..

Mairerekumenda ko talaga ang kainan na ito kung magawi man kayo sa Tagaytay, Nasugbu, Lian o Calatagan, dayuhin at para mapanuyan nyo..

Ilang beses na nga pala na-feature ang restaurant na ito sa mga dyaryo at magazines dahil sa ganda ng lugar at sarap ng luto nila.. Hindi siya bago at sobrang tagal na niya, tingin ko word of mouth lang ang maitutulong ko para maibahagi sa inyo ang sarap na kanilang luto..

Wednesday, May 20, 2009

Who are the Angels and Demons??


Sa tingin ko naman ay halos lahat tayo ay naging familiar na sa librong ito ni Dan Brown... Kung hindi ay "shomod" ka na lang dyan... Anyway! Naging controbersyal din ang libro na ito dahil sa parang may mga mali daw na mensaheng pinaparating ang aklat na ito sa mga Katoliko... Kung kaya naman ay ang daming batikos ang inabot ng aklat na ito mula sa Simabahang Katoliko gaya ng isa pa nyang aklat na "The Da Vinci Code"...

Hindi nagustuhan umano ng Simabahang Katoliko ang ibang mga nilalaman ng aklat tungkol sa mga Conspiracy Theories at kung anu-ano pa...


Gaya ng Da Vinci Code na nagkaron ng Movie adaptation ay meron na ring Movie ang Angels and Demons na mas naunang aklat... Noong Linggo lang ay pinalad akong mapanood ang movie na ito dahil sa pangungunsensya sakin nila Chroneicon, Lethalverses at Damdam... Yung 10:30pm movie sana ang mapapanood namin at dahil may pasok ako kinabukasan ay medyo nahiya naman sila sakin, pero panay ang parinig sakin... Tae Kayo!!! Pero dahil gusto ko rin mapanood ito ay napalitan akong panoorin namin ang last full show na 11:30pm...


Yung mga nakapanood ng Da Vinci Code ay hindi daw nagandahan sa movie nito kumpara sa aklat, pero gaya ng ibang book to movies, mahirap nga namang iparehas talaga lahat... Kung kayat hindi ako sigurado kung maganda ang kalalabasan ng movie ng Angels and Demons... At dahil sa noon pa ay sinubukan kong basahin ang aklat na ito, may tatlong taon na ang nakakaraan ay sa kasipagan ko ay nasa Chapter 50 pa rin ako... Lolz!

Pero sa bahagi ng nabasa ko sa ipinalabas sa movie masasabi kong may mga konting changes lang sa story pero kung pagbabasihan ko ang pagkakagawa sa movie ay maganda siya... Walang boring na scenes sa kanya... Dahil sa mahilig ako sa mga mysteries ay nagustuhan ko kung pano ka papaisipin... Ang mga exciting scenes nito gaya ng mga habulan at pag-solve ng mga riddles "Path to Illumination" ayon kay Galileo nung sinaunang panahon... At ang pinaka mahirap na part sa lahat para sa akin ay hulaan kung sinu ang master mind ng lahat ng iyon...

Kung kaya't ang masasabi ko lang ay maganda talaga ang movie na ito at highly recommended ko na panoorin nyo... Kung Dan Brown fan ka man, wag mo na lang muna isipin kung paano siya naiba sa aklat, gamitin mo na lang ang imahinasyon mo kung pano binigyang buhay ni Director Ron Howard ang aklat sa kanyang pelikula...

Sa ibang aspeto naman ng istorya, masasabi kong mas naapreciate ko ang pagiging Kristiyano ko lalo ng mapanood ko ito... Dahil, mapapatunayan mo talaga na tao lang tayong lahat, may nagkakasala at mga nagkakamali maging anu man ang estado natin sa buhay o anuman ang ginagampanan natin sa ating mundo... Ang dapat ay tanggapin natin ang ating mga pagkakamali at matuto sa mga ito at simulang baguhin ang ating mga sarili...

Isa ko pang nagustuhan ay kahit na pinigilan ng Vatican na mag-film si Ron Howard sa Vatican ay naipakita niya ang kagandahan ng Vatican Rome... Remake lang ang set na ginawa nya upang maituloy lamang ang movie... Ngayon ay parang gusto kong isama sa listahan ng mga bansang pupuntahan ang Vatican Rome...

Sa movie lang na yun nakita kung gaano kaganda ang Vatican... Pagkakataon ko rin ito upang mas maramdaman ang aking pagiging Katoliko....

Friday, May 15, 2009

Brothers Hotshot Burgers


Pauwi na kami ng kapatid ko galing work at kasusundo lang namin sa kanyang GF habang tinatahak namin ang Thomas Morato ay ginutom ang aking kapatid... Nag-ayang kumain... Nagpunta kami sa Brothers Burger at nang dumating kami ay Closed na pala sila dahil SOLD OUT na sila dahil sa kanila 50% OFF... Kaasar naman!!! Gustong gusto ko pa naman kumain sana ng burger nila... Maiinggit na lang kami sa mga kumakain doon...






Kami ngayon ay napilitang maghanap ng ibang kakainan... Sa JT na sana kami pupunta kaso puno at walang mapaparadahan ng sasakyan...

Huling hirit na namin sa Hotshots Burger...

Umorder ng burger ang kapatid ko at ang kanyang GF pero ako ay ang kanilang Fish & Chips with Hot Choco... Arte ko Hot Choco pa talaga... La lang trip ko lang eh...hehehe...

Hindi na rin masama ang lasa kaso medyo maliit lang ang Fish nito at hindi ko rin alam kung anung klaseng isda ang ginamit nila... Nagkakahalaga ng Php 195.00 ang Fish & Chips at ang Hot Choco ko naman ay Php 40.00

Panay nga ang reklamo namin kanina dahil ang mahal pala ng food, hindi siya reasonable price... Mas mahal pa siya sa Brothers Burger at mas gusto namin ang lasa ng Brothers Burger kumapara dito. Kung anu-ano tuloy ang iniisip namin na sana kumain na kami sa ganito, sa ganyan o sana dito na lang... ahahaha... Mga reklamador talaga...
In other words kuripot lang kaming lahat... hehehe...

At para makabawi sa presyo ng kanilang food, pinagdiskitahan ng kapatid ko yung Heinz Ketchup nila... Naubos ata namin yung isang maliit na bote nila... Ahahaha, makabawi man lang sa presyo... hehehe...



Sunday, April 19, 2009

Faith and Respect

Last March we had a Photo Contest about the Core Values of our Company "Brother International Philippines Corporation". There are 8 Groups in all which was given a Core Value that they will portray. The Core Values are:
  • Customer First
  • Faith and Respect to Others
  • Concern for Environment & Society
  • Quality Oriented/Results Driven
  • Innovativeness
  • Openness
  • Flexibility
  • Integrity
The Core Value that was given to us was "Faith and Respect"

In our group which was composed of 5 members including our General Manager, I volunteered to be the photographer since we weren't able to get any one to do it for us. I also picked on how we will do the photoshoot and this is our entry for the photo contest.



On the day that the winner will be picked, to our surprise our group is the First 1st Placer for the contest. To me as the one who conceptualized and took the picture for our group, I was so happy due to this achievement. I know some of you might not agree that my photo is not that great to have won, but for me winning this contest is my own achievement.

Special thanks to my groupmates, Isayama-san (General Manager), Glenn, Elen, Lheng and Carlo.

By the way this contest was judged by a third party, forgot his name but he is a graduate of UP Diliman, Cum Laude (BA Broadcasting Communication). He is a segment host/writer (Slipstream), Contirnuting Writer/Photographer (Manual Magazine), Talent & Business Manager (Gaby dela Merced), Special Events Coordinator (Honda Club of the Philippines) and Makerting Manager (Nissan Motors Phils. Inc.), now runs his own photography and events management business.

Just to share his comments about our shoot:

"This photo garnered and almost perfect score in all categories except for clarity of message and general aesthetic quality. It is apparent though that the subjects in the photo demonstrate "trust" and "respect" with each other. It is the most creative among the photos and it strikes the viewer as an impactful composition which even when blown up to poster size and imputted with words would still best represent your company's core values."

And we scored 95pts. for winning in this photo contest.

It's such a great feeling winning contests like this, I don't know if I would do photography more as a hobby or not.

Friday, February 27, 2009

Sampung Kwento

Ayos meron na akong maisusulat na bago sa blog ko dahil sa tag ni lethalverses. Dahil interesting ang rules nitong tag na ito syempre ako din. Sa sampung (10) kwento, siyam (9) lang ang totoo dito, ang ibig sabihin nun ay hindi totoo ang isa (1) dito. Tama ba ko??
Sige na nga, eto umpisahan na natin…

1. Dahil sa nanggaling ako sa all-boys school nung high school ako (meron namang babae, mga 15 out-of 200 boys), hindi ako nasanay makipag-interact masyado sa mga kababaihan. At sa kadahilanang ito ay nung pagpasok ng college ay dumami na ang mga kaibigan kong babae. Simula noon ay nabansagan akong babaero, dahil dito ang kasalukuyang Girlfriend ko ay ang kauna-unahan kong Girlfriend sa tanang buhay ko.

2. Dahil na rin sa karamihan ng mga CR ngayon ay may bayad na (link). Naglalakbay kami noon ng aking ama at ilang mga kaibigan niya papuntang Batangas ng makaramdam ako ng hindi magandang pakiramdam. Tinanong ko ang aking amain.

Ako: “Malapit na po ba tayo?”
Ama: “Oo, malapit na tayo”
Dahil nga sa hirap ng aking nararamdaman ako ay muling nagtanong,
Ako: “Malapit na po ba tayo?”
Ama: “Malapit na tayo, bakit?”
Ako: “Natatae na po kasi ako eh”
Ama: “Tiisin mo na lang muna, malapit na tayo”

Makalipas ang ilang minuto, napansin ng kaibigan ng aking ama na ako’y namumutla na.
Kaibigan ng

Ama: “Oh! Lex, bakit parang namumutla ka ata. Ayos ka lang ba?”
Ako: “Natatae na po ko eh, hindi ko na mabigilan”

Dahil sa walang malapit na estabisimento sa lugar at puro bukirin at mga talahiban, napilitan akong tumae na lamang sa likod ng isang talahib (insert song, *sa bukid walang papel*).

3. Minsan na akong lumabas sa TV (nakita sa TV), sa isang hindi naman kilalang palabas. Naglalakad lamang kami ng mga tropa ko nung college sa loob ng university, nagshoot pala sila Richard Gutierrez, Chyna Hortaleza at Glyza de Castro. Nakita kami ng mga staff nila at inanyayaan kaming maging extra para sa shoot nila.

4. Relihiyoso ang aming pamilya, kung kaya’t may kaalaman din ako sa maraming mga dasal, novena at mga kaugalian sa aming relihiyon. Dahil sa may chapel sa seminaryo sa may likuran ng aming bahay, ay doon na rin kami nagsisimba tuwing linggo. Naging kaibigan namin ang mga pare doon at mga seminarista kung kaya’t ay inanyayahan nila ako kasama ng ilang mga kaibigan upang maglingkot sa panginoon. Simula noon, tuwing linggo kami na ng mga kaibigan ko ang naging mga Sakristan sa chapel na iyon.

5. Noong highschool pa lamang kami ay usong-uso pa noon ang Eraserheads, Parokya ni Edgar at Oasis. Dahil dito ay ang daming nagsulputang mga banda sa school namin, nagbuo sila ng kani-kanilang mga banda. Papalapit na ang pasko noon ng magkaron kami ng event sa school, “Battle of the bands”. Dahil nakahiligan ko na rin ang musika ay sinubukan namin ng mga kaibigan kong bumuo na rin banda. Sumali kami sa Battle of the Bands na yun at kahit hindi man kami nanalo ng First Place ay naging Third Placer naman kami.

6. May pupuntahang party ang aking ama noon, at dahil sa gabi na nagpasama sakin ang aking ama (in other words driver ako). Dahil sa puro mga kumpare nya yung mga andun at wala naman akong kakilala dun ay napag-isipan ko na lang na magpaiwan sa sasakyan para magsound trip na lang ako. Ako ay nakaramdam ng pagtawag ng inang kalikasan at dahil nahihiya akong pumasok sa loob ng bahay dun sa party ay naghanap na lamang ako ng medyo madilim na lugar upang ilabas ang aking nararamdaman. May nakita akong madilim na sulok at dun ako nagtungo ng palapit na ako sa sulok ay biglang lumusot ang kanang paa ko. May butas pala dun ng kanal at nabasa ang aking pantaloon hanggang tuhod. Umuwi tuloy akong nangangamoy sa sasakyan.

7. Noong bata pa ko ay meron din naman akong kakulitan sa katawan ko. Nasa edad na 5 hanggang 7 siguro ako nun, may hinahanap akong gamit sa kwarto ko (na hindi ko na maalala kung ano) ngunit hindi ko makita. Naisip ko ng baka naiwan ko sa sasakyan namin nung sumakay ako, kung kayat ay naghalungkat ako sa loob ng sasakyan namin, ngunit hindi ko pa rin nakita. Subalit meron akong ibang nakita noon, isang MAC-10 (Ingram or USI) na baril. Dahil sa bata pa ko at hindi ko alam kung laruan ito o hindi ay kinuha ko to. Paglabas ko ng sasakyan nakita ko ang boy namin at tinutok ang baril sa kanya, hindi siya nakakilos at namutla sa takot.

8. Ang best way pala para matutong lumangoy ay ang malunod ka. Nalaman ko ito nung mga 8 years old pa lang ako at pinasok kami ng aking mga kapatid sa isang school para matutong lumangoy. Sa simula tinuruan kami ng iba’t ibang strokes sa mababaw at ng nakita ng instructor naming na marunong na ang lahat ay sisimulan na bagong level ng swimming lessons namin. Lumipat na kami sa malalim na pool, nasa 10 talampakan ang lalim ng pool at syempre siguradong lulubog ako. Kailangan lang naming lumangoy papunta sa kabilang side ng pool. Medyo safe naman kasi sa gilid lang naman kami pinalalangoy at may nakahandang parang kalawit kung sakaling hindi naming kayanin ang makatawid. Ang mga kasamahan naming at ang dalawa kong kapatid na lalake ay nakatawid na at ako na lang ang hindi pa. Dahil sa takot ko sa lalim ng tubig ay hindi ako tumawid hanggang sa pilitin nila ako ngunit ako ay kumakapit sa fence ng pool area at umiiyak dahil ayokong tumalon sa pool na iyon. Ang aming instructor ay lumapit at sinabing, “kung natatakot ka, ok lang yun. Gusto mo ba sabay na lang tayong tatalon sa tubig?” “Sige, kapit tayo ng kamay at pagbilang ko ng tatlo sabay tayong lulundag ah.” Pagbilang nya ng tatlo ay tumalon na ako, ngunit ng pagtalon ko ay bumitaw siya at hindi sumabay sa pagtalon ko. Nakarating na ko sa ilalim ng pool at instinct na lang na lumangoy ako pataas upang hindi malunod. Paglitaw ko sa ibabaw ng tubig ako ay natuwa dahil nagawa kong makalangoy at kinaya kong harapin ang takot ko noon.

9. Naglalaro kami noon ng mga kapatid ko sa bakuran ng aming biskleta na may sidecar. Ako at ang Diko ko ang nakasakay sa biskleta, siya ang nagmamaneho habang ako ang pasahero. Nakita kami ng Kuya naming at dahil gusto nya din sumakay ay pinapara nya kami noon. Dahil sa may paikot sa bakuran namin ay dinadaan-daanan lang namin siya at nilolokong hindi naming siya papasakayin. Habang umiikot ay bumibilis ang takbo namin kahit na paliko kami. Hanggang sa pagliko namin uli, sa bilis nito ay tumaob ay bisikleta namin. Humagis kaming dalawa ng kapatid ko. Ako ay lumipad ng parang si Superman paharap at naglanding face first sa semento at nagkaron ng malaking gasgas ang mukha ko, habang ang Diko ko ay konting gasgas lang ang tinamo dahil lumanding siya sa may batuhan.

10. Noong nasa 1st year college pa lang ako sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) ay nagkaron ng bagyo. Subalit hindi pa rin kinakansela ng Gobyerno natin ang pasok ng mga estudyante, maliban na lamang sa Elementary at Highschool. Ang huling klase namin nung araw na yun ay hanggang 9PM inabot na kami ng gabi sa eskwelahan. Dahil na rin sa sobrang gabi na at umuulan pa, hirap na hirap kami ng mga ka-block ko na makasakay at wala pang payong ang karamihan sa amin. Dahil basa na rin kami at walang masakyan, naglakad kami mula sa school papuntang Lawton baka sakaling may masakyan kami. Baha ang daan papunta doon, sa harap ng National Museum hanggang sa harap ng City Hall. Nang wala pa rin kaming masakyan at lumalalim na masyado ang gabi ay napag-isipan na lang naming maglakad pa-uwi dahil nakita namin marami kaming makakasabay. Ang bahay naming lahat ay papunta north kaya habang papalapit na sa Monumento sa Caloocan ay pakonti na ng pakonti kami hanggang sa ako na lang mag-isa ang naglalakad pagkalagpas naming ng Batangas St. sa may Blumentrit. Nakasakay na ko sa may Abad Santos ng jeep kaso hanggang Monumento lang yun. Pagdating ko ng Monumento ay wala nanamang jeep, nilakad ko papuntang Tulay ng Tulyahan at nakita ko daming sasakyan ang hindi gumagalaw. Pagdating ko sa may tulay ay akalain mong sobrang taas ng tubig at lubog na ang tao pati ang mga bus hindi makatawid. Naisipan kong bumalik at maglakad uli pabalik sa kabilang daan na sobrang layo. Sa bwenas ko may nakita akong mga tao na sumakay sa likod ng Elf na Truck papunta daw siyang Sangandaan Caloocan at malapit na yun sa may amin. Hanggang umabot na pala siya mismo sa lugar namin. Nakarating na ko sa bahay namin noon ng bandang 1AM. Akalain mo nalakad ko ang ¾ ng way mula sa Intramuros hanggang Valenzuela.

Ayan, hulaan nyo na lang kung alin dyan ang totoo at hindi. Tignan ko nga kung sinu makakakuha ng tamang sagot. Hehehe.