Dahil sa pangarap ko talagang makapaglibot sa maraming lugar sa Pilipinas hanggat buhay pa ako, ginawa kong panata ang makalibot sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ng magsimula ang 2010. At nang magsimula nga ang taong ito ay puro gala na ako sa iba’t ibang lugar, may mga pamilyar na lugar subalit may mga lugar pa rin na hindi pa napupuntahan.
Para sa taong ito, kakaibang bakasyon ang aking pinatulan. Ang pag-akyat ng bundok. Hindi gaya ng tipikal na pagpunta sa mga sikat ng dalampasigan upang maligo. Eto ang mas maituturing ko na bakasyon.
Sa totoo lang ay sabit ako sa lakad na ito, ng ayain ako ng isang kaibigan, itago na lang natin siya sa pangalang “C”. Ako’y nagpapasalamat at naaya niya ako ditto.
Ang nag-ayos ng lakad na ito para sa amin ay ang Travel Factor, nagsimula ang kalbaryo ng ika-2 ng umaga dahil aabutin ng tatlong oras mula Maynila hanggang Capas Tarlac kung saan kami ibababa sakay ng Van. Nang dumating kami sa Capas Tarlac ay nagparehistro na kami sa Tourism Office at kinuha ang aming mga ID.
Eto nga pala ang aking ID. Astig noh?
Mula sa Toursim Office ay sumakay na kami sa 4x4 jeep papunta sa trekking path.
Simula na ng biyahe sakay ng 4x4 Jeep
At syempre ang masukal na daanan ay hindi mawawala.
Inabot ng mahigit isang oras ang biyahe mula sa Capas Tarlac patungong trekking path. Pero eto naman ang magagandang tanawin an gaming nakita. Kung pupunta kayo dito siguraduhing may shades, sombrero at sun block kayo ah.
At akalain mo naligaw si Pia Cayetano sa Aeta Village na ito. Binoto kaya nila si Pia?
Tanawin sa tapat ng Aete Village.
At sa wakas ay narating din namin ang trekking path. Dito muna kami hihintayin ng aming 4x4 habang inaakyat namin ang Mt. Pinatubo. May Kubo dito at palikuran para sa mga gustong magbanyo.
At eto na ang simula ng aming paglalakad. Hmmm, Young Age 15mins, Middle Age 18 mins at Senior Citizen daw ay 20mins ang lakad patungong bunganga ng Pinatubo. Kaso ibaot ata kami ng 30mins ng mga kasama kong nagpahuli sa grupo namin, anu kaya tawag samin? Imbalido na ata yun. hehehe.
Isang paalala sa mga bisitang tulad namin.
Simulan na ang paglalakad.
Daan patungong...
Kung kayo ay nauuhaw na sa paglalakad at sa init ng araw, dito masarap magpalamig kahit saglit. Ang sarap ng tubig, hindi mo maihahalintulad sa mga nabibili nating bottled mineral water. Eto ang orig! Malamig dahil sa galing sa tuktok ng bundok. Muntik na nga ko mag-uwi nito at magbenta sa Maynila ng "Pinatubo Mineral Water", patok sigurado yun.
Bago ko nga pala makalimutan, eto nga pala si Manong (nyak! sensya na, nakalimutan ko pangalan ni manong eh), siya ang aming gabay sa paglalakad na ito. 1992 daw nagsimula ang turismo dito sa Pinatubo, isang taon matapos siyang pumutok.
Ayun, narating na rin namin ang Crater ng Pinatubo.
At syempre hindi mawawala ang mga magagandang kuha ko sa napakagandang tanawin na ito. Hindi ko akalain na ganito pala ito kaganda. Medyo sariwa pa isipan ko kasi ang panahong pumutok ito, bata pa ako nun kaya akala ko umuulan ng nyebe nun, yun pala ay mga abo galing sa Pinatubo.
Mayroon nga palang bar dito para bumili ng inumin at mga softdrinks, nasa Php70 ang isa. Mahal pero kung iisipin mo ang init at uhaw mo mura na rin siya.
Napakalamig ng tubig sa lawa sa loob ng bunganga ng bulkan, masarap pampawi ng init at pagod sa biyahe namin. Ingat nga lang kayo dahil nasa tatlong daang talampakan daw ang lalim ng lawang ito. Ang mababaw na parte ay maliit lamang at bigla na itong lalalalim.
Ang ilan nga pala sa mga kasama namin ay mapalad na nakatawid sa kabilang bahagi ng bunganga ng Pinatubo. Sa parte ng pinuntahan namin ay malamig, dito sa parteng ito ay mainit naman pati ang tubig. Nakapag luto nga daw ang mamang bangkero dito ng nilagang itlog sa init.
Matapos ang lahat ng pagod, sa Capas Tarlac sa tabi ng Toursim Office ay mayroong SPA kung saan pwede kang magpahinga upang mapawi ang iyong pagod. Pwede kang magtampisaw dito sa kanilang "Mud Pool".
Pwede ka rin magbabad sa "Volcani Ash" SPA nila.
Maari din naman sa isang simpleng masahe lang.
Kapag nagawa mo na ang lahat ng iyan, pwede mo ng sabihing "I Conquered Mt. Pinatubo!".
Ang buong package nga pala para sa 12 katao ay inabot kami ng Php2,300 bawat isa. May tawad na ito dahil ang orihinal na bilang namin dapat ay 30 katao. Kasama na dyan ang VAN, 4x4 ride, paggamit ng palikuran sa SPA, Guide, Environmental Fees, Travel Insurance, Toll Fee at yung ID ko.
Sana ay mabisita niyo rin ito.
11 comments:
16 kaya tayo! hellerrr! =P
Majestic!
Dito lang yan, onli in da pilipins! ♥
@C >> sorry naman, hindi ko bilang lahat eh..
@Chyng >> korek!! onli in the pilipins..
Ay, buti ka pa nakapunta na ng Pinatubo. Kaka-inggit. Hehe
@Andy >> punta ka rin, dali.. saya dun.. kilalanin natin ang ating sariling bayan..
Parang tanga lang, naka censor ung mata pag walang shades. Lol.
@Anonymous >> wala atang red eye reduction eh..
ayos to sir..trip din namin pmnta dian..next time tripin namin yan..ganda..astig..
-dikoy..
@Dikoy >> ahaha, sir nakita mo na rin pala yung blog ko.. patay tayo dyan baka kung anu makita mo nakakahiya.. lol.. Ayos dito kaso, walang kwentang trek 20mins tapos na.. pero ang ganda ng view.. mas mahaba pa biyahe papuntang jump-off point..
@Axel
haha..hinanap ko agad to pag kapasok ko eh ahaha(wala pang tulog)..mga trips at foodtrip nlng babasahin ko para wala ko malaman haha..
-dikoy
@Dikoy >> hahaha, sige magandang ideya yan..
Post a Comment