Wednesday, May 23, 2012

Pagkaing Nagpapangiti

Kung unang beses mo makapunta sa Bacolod - "City of Smiles" and "Masskara Festival", bukod sa mga magagandang tanawin ay wag mong kalimutang bisitahin ang mga lokal na kainan. Pagkain ang hinding hindi pwedeng mawala sa listahan ko kapag ako'y nabibisita sa isang bagong lugar. Dito mo tunay na masasabi o mararamdaman ang Kultura at Pamumuhay ng mga tao.

Syempre, hindi mawawala sa listahan ang sikat na sikat na "Bacolod Chicken Inasal". Sumikat ang mga inasal sa Maynila dahil sa ilang mga kainan subalit wala pa rin tatalo sa orihinal. 

Manokan Country - Bacolod Chicken Inasal
Pili na ng papaluto - Petso?
Ayan, luto na ang Chicken Inasal
Para mas sumarap ang kinakain, tamang timpla ng sawsawan
Petso at Isaw. It's More Fun In The Philippines =)
Bukod sa Manokan Country, may iba pang mga kainan kayong pwedeng subukan. Dinala kami ng isa sa mga partner namin sa Aboy's Restaurant. Dito masusubukan niyo ang iba't ibang lutong bahay. May mga putahe na galing sa ibang probinsya, yung iba naman ay may kaunting pagbabago at merong sarili din ng Bacolod. 


Aboy's Restaurant
Hmm, daming taong kumakain. Ibig sabihin masarap ang pagkain dito.
Pili na.. Mukhang masarap nga..

Ano kaya ang masarap dito?

Ang daming choices, wait lang ah. Pwede bang lahat?
Ginataang Pagi (Stingray with Coconut Milk)


Laing (Gabi with Coconut Milk)

Ginataang Puso ng Saging

Pork Sisig

Grilled Tuna Belly

Mushrooms. Eto nasarapan talaga ako.
Bulalo

Syempre matapos ang hapunan, dapat merong masarap na panghimagas. Matatagpuan lamang sa harap ng hotel na tinutuluyan namin (L' Fisher Hotel) - "Calea" pastries & coffee.
Tuwing gabi masasabi kong punuan lagi dito. Sa dami ng mapagpipiliang Cake, siguradong magsasawa ka.
Welcome
Hindi ko nakunan ng maigi ang lugar, pero maihahalintulad ninyo ang disenyo ng Calea, na may pagka-Mediterranian.

Anung klase ng cake ba ang gusto nyo?
Hindi na ko makapag-antay.
Dahil sa dalawang beses na punta ko sa Bacolod ay puro trabaho, etong mga malalapit na kainan lamang ang aking napuntahan. Sana sa susunod makagala pa ko husto. Ehem!

11 comments:

miang said...

itsura nyo. haha.

Visual Velocity said...

Bet ko yung laing at yung ginataang puso ng saging. Mejo nakaka-gutom. BTW, maligayang pagbabalik!

Axel said...

@Visual Velocity >> hahaha.. thanks! tagal kong napahinga sa pagbo-blog..

Visual Velocity said...
This comment has been removed by the author.
Visual Velocity said...

Anong pinagka-abalahan mo? Tagal mong nawala ah! Hehe

Axel said...

Ahaha, busy sa new work and new love life..
Try ko uli magpost regularly.. hehe

Visual Velocity said...

Ako rin, hirap magpost dahil pagod sa trabaho. Pinipilit ko at least once a week may bagong post. Mejo extra challenge nga lang. Kelan next post mo? :P

Axel said...

@Visual >> hahaha, challenging na ang pagbo-blog ngayon.. lol
Eto magpopost na ng bago.. hahaha..

Chyng said...

omg, napakasarap nyang bbq jan at isaw! hahanap hanapin ko.

Axel said...

@Chyng >> tama!! love the isaw and bbq.. hindi pwedeng hindi dumaan dito kapag nasa Bacolod ka..

Teacher Pogi said...

nakakataba lang ang entry nato. haha.