Sa mga nakasakay na ng eroplano, marahil ay napupuna nyo lagi yung unahang bahagi ng eroplanong may "kurtina" (para sa mga Airbus) o yung may hagdanan na tila may ikalawang-palapag ang eroplano (Boeing 747). Ang mga bahaging ito ay tinatawag na "First Class" o "Business Class", sa madaling salita - para sa mga mayayaman lang. Dahil ang mga inuupuan nating mga ordinaryong tao ay "Economy Class".
Marami na tayong mga narinig na kwento o napanood sa telebisyon ukol sa mga sumasakay sa bahaging ito ng eroplano. Maluwag ang espasyo ng kinauupuan. Malaki ang mga upuan at maaring ihiga kung nanaisin. At pinaka gusto nating lahat, masasarap daw ang pagkain ng mga nakakaupo sa "business class", kadalasan ay may kasamang masarap na inumin or alak.
Ang sarap sigurong maranasan yan noh? Pwes! Iinggitin ko kayo ng konti. Ako'y pinalad na makaupo sa "business class" ng Philippine Airlines (PAL) Boeing 747 byaheng Davao. Dalawang beses na. Hehehe.
PAL Boeing 747. Eto ang pinaka-malaking eroplano ng PAL na may ikalawang palapag. |
Business Class. |
Subalit may isang sablay sa karanasan ko sa "business class".
Pagkain ng nasa business class |
Ok, siguro marahil sa isang oras at kalahati lang naman kasi ang byahe kaya walang pagbabago sa pagkain. Haaaay!
Sumablay man sa pagkain, masasabi ko pa rin na magandang karanasan ang makasakay sa bahaging ito. Una kayong pinasasakay at unang pinabababa ng eroplano. Kaso, kapag bumagsak ba ang eroplano, una din kaya ang business class na mamatay?! Knock-on-wood. Wag naman ganun!
Fly Like a BOSS |
May paraan talaga para magawa ito ng walang karagadagang bayad. Sasabihin ko ba? Pilitin nyo muna ko. Hahahaha.
7 comments:
Happy peanuts at psychedelic na biskwit para sa business class? Ay, saklap naman nun, hehe
i had fun reading your blog.. :)
kinalakal mo ang "talents" mo kaya ka nakasakay d'yan no? hehehe :P
@Visual >> saklap talaga, mas inaasahan ko yung pagkain at hindi yung seats nila.. lol
@Ed >> hahaha, isang matinding sikreto lang yan kaya ako napadpad dyan..
Nice! Flying high, business style! :D Ang alam ko rin pag super short flights, chichiria lang pinapakain hehe. PEro still, experience pa rin! Ndi ko pa natatry yan!! Hehe.
@Tago Fabic >> Salamat! Oo kahit maigsi lang ang biyahe ay natuwa pa rin ako. Baka masubukan mo kapag nagpunta ka rin ng Davao.
PAL will always be PAL. Haha. CArdboard ang lasa ng food nila nung huli kung sakay sa international flight nila. Mas okay na yang mani. :)
Post a Comment