Monday, June 28, 2010

Good Burgers

Ang unang Burger joint na pinuntahan namin ay ang Good Burger. May iillang mga branches na rin sila sa E. Rodriguez Jr. Ave C5 Pasig, East Capitol Drive, Barangay Kapitolyo Pasig, One Kennedy Place, Annapolis corner Ortigas Greenhills at ang pinuntahan namin ay sa Sikatuna Branch (Maginhawa St., Q.C.). Loob ang branch na ito kaya medyo mahirap puntahan pero dinarayo naman sila ng mga tao.

Ang nakapukaw sa atensyon namin ay ang patties na kanilang gamit. Hindi siya yung ordinaryong patty na beef patty, mamimili ka sa kanilang Chicken at Veggie Patties. Ang tag line nga nila ay "All Lean. All Good", kung kayat maituturing ninyong healthy burger siya.

Sa laki ng burger na inyong kakainin ay mamimili naman kayo sa Good, Better at Best. Ang Good ay isang patty na parang regular lang na sukat, ang presyo nito ay naglalaro sa Php 60 to Php 95. Ang Better naman ay maihahalintulad sa Quarter Pounder, nagkakahalaga namang Php 70 to Php 105. At ang Best ay Double Patty, na aabot ng Php 85 to Php 120, syempre ito ang sukat na aming pinili.

Pwede rin kayong mamili kung Wheat Buns ang tinapay kung talagang healthy eating ang hanap ninyo, magdaragdag laman kayo ng Php 5 para dito. May side orders pa na Regular Wedge, Cayenne Hot, Chick N' Chips at Veggie Strips upang lubusin na ang healthy eating ninyo.


Ang una sa aming tinikman ay Garlic Barbeque (coleslaw & barbeque sauce), asan na ang garlic dyan? Masasabi kong masarap siya lalo ang kanyang sarsa malasa talaga. Php 100


Margherita Burger (roasted tomatoes, mozza, basil, cheese sauce). Anu daw margarita ba yun, may halong alak? hehehe.. Php 120

Kung kayo ay mahilig sa keso, eto ang para sa inyo. 3 Cheese (cream cheese, mozzarella, cheese sauce). Grabe sa dami ng keso at talaga makikita mong natutunaw siya sa burger mo. Php 120

Ang pwesto nila ay simple lamang at hindi magarbo gaya ng mga kilalang burger joints. Pero malinis naman kahit simple lang ito.

Sa kabuuan ay masasabi naming masarap at malinamnam ang mga burgers nila. Ang mga burger nila ay grilled kung kayat mas malinamnam siya. Ang mga klase ng burger ay kakaiba at higit sa lahat "Marami silang mustard", ayon kay Mark. hehehe.

Maraming salamat nga pala kay Kuya sa serbisyo nila at maayos na pakikitungo habang ginagawa namin ang aming dokumentaryo.

At ang pinaka magandang bahagi ng aming dokumentaryo. Panoorin nyo na lang ang video comments namin. Pagpasensyahan nyo na lang ang pagkaka-edit ko dahil bagohan lamang ako sa pagsasagawa nito.

Burger Rating:

  • Ambiance = 3.5 chairs
  • Burger = 4 spoons
Total Burger Rating = 3.75



23 comments:

chyng said...

loks yumyy kahit simple yung presentation. at mahalaga, healthy yan! Ü

Ed. E. said...

at dhil sa burger na yan lex, close na kyo ni Kuya hehehe :D

tagal ng rotation, gusto ko ng balikan good burgers :)

Traveliztera said...

anlakas ng trip. talagang quest a! hahahaha! gusto ko nga i-try yang goodburger na yan... home of the goodburger, can i take ur order? ahahahha (lm mo un? hahaha!)

nacurious naman ako

antuken said...

haha. walang malapit na branch saken. mukhang di ko mat-try yan a. when's the next one? hehe.

Axel said...

@Chyng >> uu nga, try mo na rin..

@Ed E >> wala ng rotation ang gagawin.. may suggestion si Mark na mas magandang gawin natin..

@Traveliztera >> ahahaha.. actually hindi ko alam yun, nakwento lang sakin ng mga tropa ko.. lolz.. =p

@Antuken >> dayuhin mo na, sabihin mo na lang "Buti pa sila kumakain ng burger".. =p joke lang..
For scheduling pa yung next eh.. Pero may for upload pa ko uli..

Ed. E. said...

hehe oo nasabi na dn sa kn ni mark un. ke mag rotation o ubusin natin ung burgers sa isang resto bago tyo lumipat, pareho lang dn, babalik dn tyo :P

Visual Velocity said...

I tried their veggie burger a couple of months ago. Yum.

Ed. E. said...

galing din nung music habang umoorder tayo no.. I WANT TO KNOW WHAT LOVE IS....

hahaha hindi sadya yun :P

Axel said...

@Andy >> wow!! saang branch ka nag-try?? sarap noh..

@Ed E >> ahahaha, hindi ko napansin yun ah..

GLIP said...

Mmmmm. very interesting. saan kaya yan sa kapitolyo? malapit ba dun sa charlie's?

Abou said...

aba at pumu promo na pala dito hehe

wala nyan dito. pero kapag nagawi ako ng syudad i'll definitely look for it...

:-)

Axel said...

@GLIP >> hindi ako sure eh.. pero yung charlies burger next target namin yan..

@Abou >> ahahaha.. sure puntahan mo yan, ok burgers nila..

RJ said...

aaah nakakagutom. pag nagawi ako dito pupuntahan ko. tamang tama at pauwi na ko. hehehe.

John Ahmer said...

sarap at gusto ko matikman yan... san ko ba yan makikita?

Axel said...

@RJ >> sige paguwi mo ilibre mo ko dyan ah.. hehehe..

@Wait >> iilan pa lang stores nila eh.. meron sa may C5 at Greenhills mas accessible kasi yung mga areas na yun..

arhey said...

ui! i like! malapit lang ako sa kapitolyo. hehehe!

Axel said...

@arhey >> hindi ba mas malapit yung sa C5..

naria said...

Hi. Napadpad lang ako dito sa kakahanap ko ng cheap eats. Haha. You guys are funny. Looking forward to hearing more about your quest for the perfect burger. :)

Axel said...

@Naria >> thanks for visiting.. you can also try the Goodburger.. We'll post the new ones soon.. We are also putting up a blog site just for our quest..

Ed. E. said...

yun oh hehe.. lex kelangan na natin tapusin ung isang blog site! :D

Axel said...

@Ed. E>> uu nga.. sorry, dami ko kasing ginagawa lately eh.. =p

Visual Velocity said...

Nagpa deliver lang kami. I'm not really sure what branch, hehe. Pero sarap nga ng burgers nila. Favorite ko burgers nila.

Axel said...

@Visual Velocity >> wow!! favorite mo?? madalas kang kumakain dun?