Wednesday, February 10, 2010

Hot Air Balloon Fiesta

Para sa mga naghahanap ng exciting na event para sa darating na Valentines Day, iniimbitahan ko kayong dumalo sa darating na Hot Air Balloon Fiesta sa Clark Freeport Zone sa Pampanga. Ito ay magandang pagkakataon para sa inyo at nang maiba naman ang activity nyong dalawa.

Ang event na ito ay magsisimula sa February 11 hanggang February 14. Ang ticket ay nagkakahalaga lamang ng Php150 ang isa. Maari nyo itong mabili sa gate mismo ng eventa, sa TicketNet at sa Recreational Outdoor Exchange (ROX) sa Bonifacio High Street, Global City.


Maari din kayo magkaron ng pagkakataon na sumakay sa mga Balloon na ito sa halagang Php500 ang isa (kung hindi ako nagkakamali sa presyo). Hindi ba't mas romantic yun kaysa sa usual na dinner date.

At dahil dyan, magkita-kita na lamang tayo dun dahil meron na akong ticket. Hehehe!
Salamat sa San Mig Light at nanalo ako ng 2 FREE Entrance Ticket para dito. Ngayon, sinu kaya ang isasama ko dito kasi dalawa ang ticket ko eh. Hahaha.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin nyo na lang ito Hot Air Balloon Fiesta.

Eto nga pala itsura nung ticket na mabibili nyo, kanina ko lang ito nakuha sa office ng San Miguel.

4 comments:

Traveliztera said...

Lol. wala ako sa mga panahon na yan. :P

pero congraaaaaaaats! si maja ka-date mo?

r u s s said...

Sigh. I would love to go. I've always wanted to go. Unfortunately, my SO is not here this year. You should enjoy and take lots of photos. ☀..☮..✮..♥..✈

Andy said...

Mukang okay to ah. Good alternative nga to the usual candle-lit dinner. Mejo nakaka-nerbyos nga lang on my part. May phobia ako sa heights, heheh.

Axel said...

@ Traveliztera >> ahahaha, how I wish siya kasama ko, kahit hindi na ko sumakay sa hot air balloon para na rin akong dinadala sa langit kapag kasama ko siya... lolz

@ Russ >> SO, hmmm... Lam ko, alam ko ibig sabihin nun eh... hehehe... Sana sinabi mo para sinama kita...

@ Andy >> ahehehe, ayus lang kung takot ka... nuod ka na lang sa baba or mag-fly ka ng kite...