Tuesday, February 23, 2010

Boses Ng Masa

Naipahiwatig mo na ba ang mga saloobin mo? Naibahagi mo na ba ang nilalaman ng iyong isipan? Kung hindi pa ay maari mo itong gawin sa palabas ng GMA 7 na Unang Hirit.

Sa isang segment ng show na ito ay binibigyan ng pagkakataon ang mga tao upang ipahayag ang kanilang mga saloobin at mga opinyon sa iba't ibang isyu na kanilang pinag-uusapan. Ito maaring maging tungkol sa pulitika, kalusugan, relihiyon at kung anu-ano pa. Ipapalabas lamang nila ang isyu sa TV at maari na kayong magbigay ng opinyon nyo sa pamamagitan ng pag-text sa kanila. Kapalit naman ng pagsali at pagbigay ng inyong mga opinyo ay mabibiyayaan kayo ng iba't ibang papremyo. Magmula sa TV, damit, appliances at mga pagkain.
Salamat sa palabas na ito at sa aking kaibigan na si Raizel ay nagkaron ako ng pagkakataon upang manalo sa palabas na ito.


Minor prize lamang ang aking napanalunan subalit, hindi na rin masama dahil libre din naman siya eh. Kaso ng sinamahan ako ng isa sa mga staff ng GMA upang ilabas ang aking napanalunan, parang konti daw yung premyo ngayon hindi tulad nung pasko ng aabutin daw ng dalawang push cart para sa minor prize at tatlong push cart naman daw para sa major prize. Nakakapanghinayang nga naman, pero may pagkakataon pa naman ako dahil dalawang beses ka daw pwedeng manalo dito. Kaya pa hinihintay nyo TEXT na sa BOSES NG MASA.

9 comments:

r u s s said...

CONGRATULATIONS!Ü
Dream ko sumali sa BNM at siempre, manalo kagaya mo. ☮.♥.✮ ☀..✈

YanaH said...

kongrats!
naks naman... hehehehe



sali na.....(kayo!hehehe)


**shempre hindi ko pa rin nappanuod*

elleine said...

napadaan lang po..
napapanuod ko yan sa umaga kapag sumasakay ako ng bus..

gusto ko sana..
kaso wala akong pang-text!
congrats..

(sana ako din.. :D)

Axel said...

@Russ >> ahahaha, dream talaga ah... try mo na dali!! baka manalo ka ng Syntax 21" TV nila....

@Yanah >> pang-gabi ka po ba?? sali ka na rin...

@Elleine >> php2.50 lang naman per text eh, try mo na dali... thanks nga pala sa pagbisita... =)

Andy said...

Wow, congrats sa napanalunan mo! Last time I won something was back in high school. Alam mo yung promo ng Coke? Yung titingnan mo yung ilalim ng tansan kung may cash prize? Napanalunan ko yung first prize nun, 10k. Liit noh? Hindi pa kasi uso yung 1 million nun, 10k lang, kaka-asar. Sayang, sana milyonarko na ko. Heheh

Axel said...

Ahahaha... anu ka ba laki na nyan, mas malaki pa yan sa nakuha ko sa Boses ng Masa... Tsaka kung high school ka at may 10k ka, para ka ng milyonaryo nun...

nice!!! papalibre sana ko sayo... hehehe

mhel said...

hi! ask ko sana kung pano mo na-claim ung prize mo kasi i also won sa boses ng masa but i did not receive text or call from them. within the week ba dapat makuha na?

Axel said...

@Mhel >> hindi ka sinabihan?? sure ba na ikaw nanalo?? kahit hindi within the week, 3 months without claiming ata void na yung price..

Anonymous said...

now ko lng nabasa blog mo sa boses..salamat..special mention name ko..wala ngBM d ko n magamit name nio ni yanyo!!chayang!--RAI