Thursday, April 1, 2010

BIG MOUTH

Kami ay nagbakasyon sa Boracay upang makapag-pahinga at makalayo sa lahat ng mga problema sa Maynila. Naging maganda naman ang aming pamamalagi dito. Sinulit kahit papano at kumain ng sobra, lalo na ang mga buffet na seafoods. Subalit ang hindi naman nagustuhan ay UNA: nang kumain kami ng hapunan sa Big Mouth. Kami ay gutom na gutom na at wala ng makainang iba dahil sa dami ng tao doon. Kaya nakita namin itong kainan na ito at sinubukan dahil mukha namang masarap, marami ding tao at tama lang naman ang presyo ng pagkain.


Subalit ang hindi naman nagustuhan ay. Sa aming walo yung pagkain namin ng kaibigan ko na 6pcs. ng Fried Chicken ay hindi pa dumarating. Nauna naman kaming magbigay ng order namin, pati pa ang kabilang lamesa ay naunahan pa kami. Siguro naman ay hindi ganun kahirap lutuin ang Fried Chicken para abutin sila ISANG ORAS. Grabe nag-init ang ulo ng kasama kong si Greenpinoy at nilapitan na talaga sila dahil gutom na gutom na talaga kami nun.

Buti at kahit papano naisip na rin nilang ihanda ang mga side dish nito para makapagsimula man lang kaming kumain. At para naman konting papuri sa kanila, nadagdagan ng isang Fried Chicken, 1 rice, side dish at lumaki ang drinks namin. Kahit papano marunong naman silang bumawi sa mga pagkukulang nila. Pero sobrang bagal pa rin, sana lang ay maayos nila ang kanilang serbisyo.

Gaya nga ng pangalan nila, mapapa-BIG MOUTH ka sa galit sa kahihintay.


Pero mukhang ayos tong Halo-Halo nila.. Ang laki, hindi na nga lang namin nasubukan dahil sa inis namin at dahil busog na rin kami.



Eto para mas kita nyo.


8 comments:

r u s s said...

"Come Hungry. Leave Happy."
I like that! I hope they leave up to that. Bago lang yan no? Parang hindi ko sya nakita nung last ko na punta doon.

Ed. E. said...

haha asar talaga pag ang tagaaal dumating ng order. buti di ka nagwala tol :D

Elleine said...

weh.. buti pa sila oh..
pabakasyon-bakasyon na lang!
hehe..

Axel said...

@Russ >> Bago nga lang siguro sila kasi wala rin sila nung last na punta ko.. Sama nga mag-improve..

@Ed. E.>> Pinaubaya ko na lang sa mga kasama ko ang pagwawala.. ahaha..

@Elleine >> Ahahaha, magbakasyon ka na rin kasi..

Andy said...

Ang laki ng halo-halo! Panalo. :D

Axel said...

@Andy >> ahahaha, laki noh.. busog na kami kaya hindi na namin na-try..

greenpinoy said...

at talagang ako lang ang mainit ang ulo??! hahahahaha

Axel said...

@GP >> ahahaha.. korek!! hinayaan na nga lang kitang mang-away dun eh..