Mukhang mapapaaga ang pag-update ko ng blog ko ngayon ah..
Ang motor ay isang napakagandang paraan ng transportasyon dahil sa itoy maliit lang at madali kang makakapunta sa lugar na gusto mong puntahan dahil kaya mong lumusot sa trapiko ng madali. Kapag gamit mo ito ay sarap sa pakiramdam dahil ramdam na ramdam mo ang simoy ng hangin (wag nga lang yung polusyon). May mga mabibilis din na mga motor na kalamitang ginagamit sa karera at meron din sa bundok.
Itong sasakyan na ito ay naging popular sa ating bansa lalo na ngayon krisis at sa pagmamahal ng gasolina. Lubhang popular din ang sasakyan na ito lalo na sa mga mahihirap na bansa gaya ng india, thailand at sa iba pang mga bansa.
Dahil sa kakulangan na rin sa tamang edukasyon sa paggamit nito at sa batas trapiko ay maraming mga driver ng mga motor na ito ang nadidisgrasya. Kalimitan sa mga motor na ito ay sangkot din sa maraming aksidente sa daan.
Sa araw-araw na nakikita ko sa balita at sa kalsada madalas kong makita ang mga driver ng mga motor na ito na basta-basta na lamang inuunahan ang mga sasakyan sa harapan nila, aabenta kahit na pula ang "traffic light", may mga sumisingit sa trapiko, gumigitna sa daan kahit na ang liit lang nila at ang bagal ng takbo nila at napakarami pang iba. Simula nang masaksihan ko ang mga bagay na ito ay unti-unti kong kinaiinisan ang mga ganitong klase ng driver dahil nagiging sagabal sila sa ibang mga motorista sa daan. Sapat nang mainis ka sa mga balahurang jeep at mga tarantadong mga bus driver ay dadagdag pa ang mga ito sa listahan mo ng mga kinaiinisan.
Isang gabi habang kasama ko ang aking mga kaibigan upang magtungo sa Music 21 sa may Jupiter St. sa may Makati ay nasangkot ang aking sasakyan sa isang aksidente sa isang motor. Galing akong Makati Ave. upang lumiko papuntang Jupiter subalit bawal ang kumaliwa ay naisipan kong kumanan patungong Paseo de Roxas at dahil na rin sa bawal ang mag U-Turn doon ay medyo umaabante pa ko ng bahagya upang mag U-Turn. Nang makita kong maluwang na ang aking likuran at nakaabante na ko ng konti paliko habang sinisilip ang mga kasalubong, ako ay umabante na upang mag U-Turn nang biglang sumalpok ang isang motor sa kaliwang bahagi ng harapan ng aking sasakyan. Sa lakas ng pagkabangga niya sa akin ay tumilapon ang driver mga limang talampakan papalayo sa bandang unahan. Ako naman ay dali-daling bumaba upang tignan ang driver ng motor. Akala ko ay nawalan na siya ng malay dahil mga sampung segundo rin siyang hindi dumidilat hanggang sa mahimasmasan na siya.
Nagdatingan na ang mga MAPSA (traffic pulis ng Makati), tinignan ang nangyari at tumawag ng ambulansya. Nang dumating na sila ay noon ko lang napansin na natanggal pala ang "signal light" sa kaliwa ng aking sasakyan. Kinuha ang mga lisensya namin ng mga taga MAPSA. Kung titignan daw ay ako ang nasa mali dahil bawal daw mag U-Turn doon pero dahil ang lisensya pala ng driver ng motor (itago na lang natin sa pangalang Jason) ay "Student Permit" siya ang magiging liable daw sa nangyaring aksidente.
Kami ay sinahan ng isa sa taga MAPSA sa Headquarters ng mga pulis at dinala naman sa ospital si Jason (driver ng motor). Nagbigay na ko ng aking kasulatang pahayag sa nangyari (habang gumawa ng kopya ang pulis ng aking lisensya at siningil pa ako ng Php 5.00, akalain mo nga naman ang mahal ng singil nya ah, dapat nga libre na yun ah). Dahil nasa ospital pa si Jason ay pinayuhan kami ng pulis kung gusto daw naming puntahan si Jason upang doon muna makipag-usap.
Nang dumating na kami sa Ospital ng Makati kung saan siya dinala ay hindi namin siya dinatnan dahil nasa X-Ray room pa daw siya. Nang dumating na siya ay kinamusta namin siya kung anung lagay niya, buti na lang at walang malubhang nangyari sa kanya. Lumabas ang resulta ng X-Ray ay mukha namang walang injury at susuriin na lang daw siya maya-maya, bibigyan ng gamot sa Tetanus at pain reliever. Inabot kami ng apat na oras sa ospital bago siya pinayagang makalabas ng doktor. Panay ang tingin namin kay Jason na para bang kami ang mga kasamahan niya kumpara sa mga kasamahan niyang nandoon. Kinausap ko na rin siya sa nangyari, mabait at maayos naman siyang kausap pero ang iginigiit nya ay ako ang may pagkukulang, sabi ko pag-usapan nating lahat sa prisinto paglabas mo. Nakalabas na siya at umabot sa Php 1,600 ang kanyang nagastos.
Sa prisinto ay nagbigay na rin siya ng kanyang kasulatang salaysay at kami ay pinag-usap ng pulis. Pilit pa rin niyang ginigiit na kasalanan ko, at dahil sa ayaw na rin namin parehas na huba pa ang lahat ay nagkasundo na lang kami na wag nang paratingin sa korte dahil maliit na bagay lamang ito. Dahil sa tingin naming hindi naman niya kayang bayaran ang nangyari at dahil sa naawa ako sa kalagayan niya dahil na-ospital pa siya ay sinabihan ko na lang siya na papatingin ko kung magkano ang aabutin at ipaalam ko sa kanya kung magkano ang lahat at sagutin na lang niya kung hanggang saan ang kaya niya.
Sana lang ay hindi ako takasan dahil ayon sa pulis pwede pa rin daw magsampa ng demanda ang isa sa amin, pero hindi ko na gagawin yun dahil laking abala pa.
Sa totoo lang ay mahilig din naman ako sa mga motor, pero ang gusto ko ay yung Big Bike (Honda CBR 700), kung kayat nakakainis lang na may mga iresponsableng driver talaga.
Gusto ko nga pa lang magpasalamat kay Meeko, Greenpinoy at Pampoy (wala siyang choice eh) na dinamayan ako sa buong pangyayaring iyon.
Ang "Road Rage is Good Rage" nga pala ay galing kay Greenpinoy kaya hihiramin ko muna ang kanyang nakakatuwang linya dahil siya mismo ay inis din sa mga driver ng mga motor at yan daw best na feeling sa lahat kapag nakikita niya ang mga yun at mga pasaway na driver. Ang sarap din tuloy isipin ang katagang "Road Kill" ni Ayzprincess sa mga ganitong sitwasyon.
Gaya nga ng sabi ni John Lloyd Cruz sa commercial nya "Ingat" na lang tayo sa kalsada lalo na sa mga may sasakyan diyan.
after 2 years...
11 years ago
18 comments:
uy, di ko alam na ganun kagrabe ang nangyari. wala na kasing masyadong sasakyan nun di ba.
doble ingat na lang sa sunod... at sorry, wala akong nagawa.
ayun. sa plurk ko lang ito nababasa eh. dito rin pala merong coverage.
Hirap talaga pag ganyan. Maski gaano ka kaingat paminsan ang aksidente ang kusang lalapit sa yo. Yan ang rason siguro kaya't hindi ko masyadong sineryoso ang pag-aaral kong magmaneho. Abala kasi pag may nangyaring aksidente. Commute na lang ako palagi, ehehe. :D
@Womanwarrior >> ok lang po yun... Grabe nga noh, motor lang nakabangga sakin nun...
@@Curbie >> ahahaha, andito yung full story... May blog ka rin pala...
@Andy >> ahehehe, wag kang matakot magdrive... Part ng pagiging driver ang mabangga at dun ka gagaling talaga...
minsan kahit gaanong pag-iingat ang gawin natin kung mga tarantado at mga barumbado din ang makakasabay kailangan ng dobleng ingat...
@dhyoy >> oo nga eh, kahit maingat ka pero kung yung ibang tao dyan hindi naman wala rin tayong magagawa... Stay safe na lang lagi, ang seatbelt...
oi. buti na lang hindi ka nasaktan. tsk tsk.
grabe naman kung nasaktan ako dun, Crosswind sakin tapos motor lang yung sakanya...
hehehe...
^^ Nyah, Crosswind pala yung sa yo. Yari nga yung motorcyclo niyan, eheheheh. Buti hindi siya napuruhan. :D
@Andy >> sayang nga eh... lolz
siya naman talaga bumangga kaya wala akong kasalanan dun kung napuruhan man siya... bilis din ng takbo nya kaya ayun, tumilapon din siya...
Tumilapon siya? Ganda nun! Parang yung sa mga action movies siguro ni Robin Padilla yung nangyari. Yari siya. Haha. :D
hayayay... tulad ng sbi ko sa plurk, may mga ganyan din akong story.
super maraming pasaway... tsaka pinakamataas na rate ng accident e sa mga motor... hnd naman sa bad sila a pero marami kasing (tulad ng sbi mo) mga humahawak basta-basta nalang ng motor na hindi tlaga nakapag-aral ng driving. hayayay nalang. ingat ka dude next tym!
@Andy >> uu, ngayon nga lang ako nakakita ng ganun eh parang sa mga action movies lang... lolz
@Traveliztera >> oo maraming pasaway talaga at akala mo bisikleta lang ang hawak nila kung magmaneho...
Oo mag-iingat na ko kasi sa susunod ipagmamaneho mo na ko... hehehe
Kaya ikaw kapag natuto ka, doble ingat ka dapat...
kuya axel...
oo naman. pagdadrivin kita papuntang gym. bsta sumama ka na sakin ... un ung cndition ko hahaha... iingatan kita. HAHAHAHA. uu super defensive driving na talaga ako...kasi mukhang kahit ingat ako, may mga pasaway pa rin na biglang sumusulpot sa kanan, kaliwa, at harapan.hayayay.
korek!!! kung hindi ka makakabangga, ikaw naman ang babanggain...
Hmmm, ipagmamaneho mo??? Sige ba, basta hatid mo ko uli pauwi ah...
Tama ka, marami ngang mga tao ang bumibili ng motorsiklo ngayon. Kaya lang marami ring tao ang hindi responsable at hindi maingat pag dating sa daan kaya nakakaabala ng iba.
im so tats.. nabanggit pala ako dito
*yce
@Russ >> oo nga eh... nadisgrasya ka na ba ng mga motor na toh??
@Yce >> ahihihi, kayo ni Greenpinoy agad naisip ko sa blog na toh eh... lolz
Post a Comment