Monday, August 3, 2009

Masaya Ka Ba???

Madalas tayong natatanong ng ating mga kaibigan, kakilala o kamag-anak ng "Kamusta ka na?" at ang kadalasang sagot natin ay "Ok Lang", "Ayus naman" at kung anu-ano pa. Napaka daling sagutin ng tanung na ito dahil madali mong naitatago ang tunay mong nararamdaman o saloobin.

Pero kapag tinanong ka na pala ng "Masaya Ka Ba?" o "Are You Happy?" Ay napaka-hirap sagutin ng basta-basta lalo na kung magpapalusot ka. Hindi mo naman pwedeng isagot ang "Ok Lang" o "Ayus Lang" dahil ang layo ng sagot mo sa tanong na ito.


Nabanggit ko ito dahil ilang beses din akong natanong ng ganito nitong mga nakaraang araw at lalo na dahil sa bday ko ngayon (shhhhh). Babatiin ka nila ng Happy Birthday, syempre andyan ang word na "Happy". Totoo nga ba namang Happy ka ngayon kaarawan mo? Buti na lang ng tanungin ako nito ng ilang mga kaibigan ko ay Masaya naman ako talaga kahit papano. At eto ang ilang dahilan kung bakit:

1. Ngayong Aug.3, hindi ako pumasok sa work ko dahil gusto kong magpahinga at magkaron ng quality time para sa sarili ko kaya masaya na rin ako dahil walang stress sa buhay ko ngayon.


2. Noong Aug.2, kasama kong nag-dinner ang pamilya ko kahit kulang ng isa. Wala yung bunso namin. Konting salo-salo lang sa Tempura sa Banawe Q.C.


3. Noong Aug.1, ginanap ko ang akin Bday Celebration kasabay ni Jolina (yung bagyo). Kainis nga eh sumabay pa ang malakas na bagyo. Kung kayat nagkaron ng palusot ang mga hindi nagsidating nung bday celebration ko. lolz! Pero masaya pa rin dahil nakadalo naman yung ibang mga kaibigan ko.

At naghanda ako ng mga sumusunod:

PANCIT CANTON BIHON

AFRITADA

STEAMED GARLIC TILAPIA

GINATAANG MANOK

4. Noong July 31, ang pinaka nagpasaya sakin ay ng makita ko ang aking Crush na si Maja Salvador. Friday night at nagdinner kami ng mga officemates ko sa TGIF sa Bonifacio High Street ng makita kong dumaan sa harap ko ang isang napaka gandang babae, si MAJA!! Sabi ko sa officemate ko na babae, kapag dumaan uli tanungin kung pwedeng magpakuha ng picture.

Nung una ay umiling siya at akong nadismaya, pero nagbibiro lang pala siya at lumapit naman siya agad sakin. Laking gulat ko ng siya pa mismo ang umakbay sakin. Napaka bait nya talaga at pinagbigyan nya kong makapagpakuha ng litrato sa kanya pati ang mga kasamahan ko nung gabi na yun. Napasaya nya ako ng husto nung gabi na yun at abot langit ang mga ngiti ko sa mukha.

Waiting pala sila ng seats noon at nung nakakuha na sila ng seats nila. Napadaan siya uli sa table namin at binati nya pa ko ng Happy Birthday!!! Kung tutuusin ang ibang mga celebrity hindi na siguro ako papansinin uli dahil nakapagpakuha na ko ng litrato pero siya binati nya pa ko talaga. Laglag ang puso ko at parang na-INLOVE na ko ng husto sa kanya. Isang magandang babae at mabuting kalooban. Aasahan kong muli na kamiy magkita.

Eto nga pala ang ebidensya ko, baka sabihin ninyo na gawa-gawa ko lang ang lahat.

Eto pa ang close-up

Alam kong marami sa mga kaibigan ko na bloggers din ang may crush kay Maja to the point na mag-agawan kaming lahat para sa kanya. Pero eto lang masasabi ko sa inyo. Mamatay na kayo sa inggit, dahil naunahan ko na kayo sa kanya. wahahaha!! lolz!!

Alam nyo na kung sinu kayo... =P

9 comments:

Traveliztera said...

swerte :) hehehhe happy bday! talagang sakto pa bday mo pa!

Andy said...

Buti ka pa masaya; kami ngayon sa ofis hindi gaanong masaya. Mejo madedelay ang sweldo namin kasi ng isang araw dahil sa unforeseen Cory Aquino holiday on Wednesday.

Grabe, muka talaga akong pera. Ehehehe.

Mars said...

footers!
swerte mo naman
crush ko rin yan

Joyo said...

axel...aym sure masaya ka... maja salvador yan!...

Axel said...

@Traveliztera >> hehehe, swerte ko nga talaga nyan...

@Andy >> ganun, bakit naman madedelay yun??

@Mars >> hehehe, salamat... Minsan lang naman ako swertihin eh...

@Joyo >> Masaya talaga ako ng araw na yan...hehehe

Andy said...

Dahil biglang diniklare na holiday ngayong Wednesday dala ng kay Cory. Sarado yata mga bangko, kaya ayan, apektado payroll namin. Baka bukas pa raw makuha in full. Ehehe.

Axel said...

Ganun ba, ang importante meron pa rin sweldo... hehehe

japanandme said...

Cute naman ng pic mo with Maja.. ^_^

Axel said...

@japanandme >> thanks, its all because of me... joke =P