Wednesday, January 28, 2009

Umpisahan ng Tama ang 2009

Masarap umpisahan ang taon sa paggawa ng mabuti, kung kaya't naisip ng pamilya ng Greenpinoy na unahin natin sa ating mga nakakatanda kay Lolo't Lola (hindi si Cyber Lowla, mga kabarkada lang niya). Labyah lowla.



Ang destinasyon ay sa Golden Acres sa Quezon City.




Parte ng programa ay ang paligayahin ang ating mga elderly. Dahil sa ayaw naming mapagod ang ating mga Lolo't Lola naisipan naming paglaruin sila ng Bring Me. Kaloka, eh mas lalo nga silang mapapagod nun di ba. Ang sabi naman namin sa kanila ay itaas na lamang ang mga kamay at kami na lang ang kukuha ng mga gamit nila para dalin sa harapan. Mantakin mo ba namang hala sugod pa rin sila sa unahan upang dalhin ang mga binabanggit na mga bagay. Buti na lang at walang nadapa sa kanila, at baka mamaya paalis kami bigla ng mga namamahala dun.




Ang main event nga pala ng outreach na ito ay ang pagsulpot ni Chroneicon este Jollibee pala.
Ang nakakatuwa pa ay ng makita ng ating mga elderly si Jollibee ay talagang tuwang tuwa sila at niyayakap pa nila si Jollibee. May mga humahalik din sa kanya. Kita mo talaga ang tuwa sa kanila mga mukha at mga mata. Para siguro silang nagbalik sa pagkabata nung makita nila si Jollibee.
Naghandog din kami ng lunch sa ating mga elderly. Buti na lang hindi natanggal ang mga postiso nila, hehehe.
Hinandugan nga rin pala ni Jollibee ang mga elderly natin ng sayaw, in the tune of "LOW". At nakisayaw pa sila kay Jollibee, kakaloka baka mamaya may atakihin bigla sa puso.



Maigsi lamang ang programang aming inihanda dahil sa hindi nga namang pwedeng basta na lang mapagod an ating mga elderly. Matapos ang lahat ay sana nakapag-iwan kami ng kaligayanhan sa kanila.

Marami din nga palang mga nakakalokang pangyayari habang andun kami pero hindi ko na lang din ikukwento lahat.


Paghandaan na lang at pagplanuhan ang susunod na outreach. Kahit sinu nga pala ay maaring sumama kung gusto nila, welcome naman lahat basta't pagtulong ang nais.

Ang mga kasama nga pala namin sa programang ito ay sina Beth, Friend nila Sherwin, Napundingalitaptap (NA), Billy, Beth, Greenpinoy, Lethalverses, Chroneicon, Mariano, Damdam, Ayz, Kuletz, Leyn, Cyber Lola at Dudan.

5 comments:

Anonymous said...

so proud of you.. :-)

Meryl Ann Dulce said...

Wow. Nakakatuwa talaga ito.

Sana sa susunod sa Mental naman! Papaiwan na din kayo. Hahaha.

Pero seryoso, natuwa ako sa inyo. Kahit puro kalokohan eh naisisingit ninyo ito.

:D

Axel said...

@Redchocolates >> Salamatz pow!!

@Meryl >> Sige sama ka ah, para madalaw mo naman old friends mo sa mental... jowkes...

Syempre naman, time to do good things naman... hehehe...

Anonymous said...

baka ka tamaan ng kidlat alexis whahaha!!-raziella

Axel said...

@Raziella >> ahaha, bakit naman ako tatamaan ng kidlat???