Tuesday, January 13, 2009

You WiiWii, You Pay

Naranasan mo na ba, habang ikaw ay nasa mall habang namimili ka ay maghahanap ka ng C.R. dahil sa na-wiwi wiwi ka na? Matapos kumain sa food court o sa mga food stand ay makaramdam ng tawag ni kalikasan?

Aba, lahat naman siguro tayo ay gumagamit ng C.R., Restroom o Toilet.

Pero napansin nyo na ba, na sa karamihan na ngayon ng mga C.R., Restroom o Toilet ay may BAYAD na??? WTFEMG!!!


Ang bayad sa mga C.R. na to ay nagkakahalagang Php 5.00 hanggang Php 20.00. Sorry ka na lang kung mas mahal pa dyan ang matiyempuhan mo. Umihi ka na lang sa brip mo o sa panty mo. Eewwww!! Kung ikaw naman ay lalake, aba medyo maswerte ka dahil pwedeng umihi ka na lang dyan sa tabi-tabi na parang doggy (aww-aww), wag ka lang mahuhuli ng mga pulis o ng mga taga MMDA. Sa mga babae naman dyan, sorry ka na lang at UTI ang aabutin mo, ahahaha.


Akalain mo para kang pumapasok sa sinehan dahil pagkabayad mo ay may ticket pang ibibigay sayo. Ang iba ay “Single Use Only”. WTF!!! Talaga. Pano kung ang C.R. na to ay nasa mall o sa mga hang-out place nyo gaya ng sa Harbour Square? Sa tuwing pupunta ka ng C.R.ay kailangan pa talagang magbayad. Mukhang magandang negosyo to ah, maliit lang siguro capital para dito. Ang ikakasama pa ng bulsa mo ay marumi, mabaho at walang tissue ang iba sa mga C.R. na to, lalo na syempre ang mga Portalete (tama ba spelling?), na sobrang baho sa loob kala mo ay nasa gas chamber ka. Kung matapat ka naman sa mga malilinis na C.R. ay jackpot ka at kumpleto sa gamit gaya ng Lotion, Alcohol, Sabon, Tissue at may Powder pa minsan (teka baka ibang C.R. na to ah... hehehe), syempre lulubusin mo na ang binayad mo at gagamitin mo ang lahat ng ito.

Payo ko na lang sa mga lalake magdala na lang ng bote, syempre yung kakasya at sa mga babae sa mas malakeng bote na lang kayo o kaya gayahin nyo yung kilala ko na hindi napigilan at umihi sa baso ng McDonalds na take-out namin. Sikreto lang to at apat na tao lang nakakaalam nito. Hehehe.

9 comments:

~yAnaH~ said...

ahihihihihihi sa amin mga babae, di pwede ang bote lang.. dala na alng kami dapat ng arinola...
grabe naman yun,...10php single entry lang..pano kung 3x ka mag wee wee habang andun ka, so pag wee wee mo lang lagas ka na ng 30??? yikes!

Abou said...

na try ko na umihi sa bote ng gatorade, malaki ang butas ng bote na yun e hahaha

dapat me batas tayo tungkol sa ganito!

Anonymous said...

hoy axel ang daldal mo talaga.pati ba naman yung sikreto ng kasama at kakilala mong babae eh binuko mo? at blinog mo pa? hahaha ayos!

sa gateway ganyan may bayad. tsk tsk.

Popoy

Axel said...

@yanah >> ahahaha, pwede naman sigurong gumamit kayo ng straw eh... hehehe...

Oo grabe nga eh, ginawang negosyo ang pag-ihi ng mga tao... Laki kikitain lalo na kung sa Bar yun...

@Abou >> ahahaha, uu yun nga malaki kaya kaysa talaga... Wag nga lang makaisip ng ibang gagawin after... lolz...

Dapat nga sana magkaron, gawin daw bang negosyo di ba... Tsaka dapat part na yun ng service nila sa mga customers nila...

@Popoy >> ahahaha, may galit ako dun sa taong yun eh... Buti nga hindi ko nilagay name nya eh... lolz...

Baka mamaya maging trend na yung ganito sa mga mall ah... tsk tsk...

antuken said...

naco, yung friend ko posted in brussels, ang sabi sa bahay ka lang pwedeng mag-cr for free. otherwise kada cr may bayad. e hello! euros kaya ang bayad dun. kasuya di ba. ang masaklap mo pa, malamig dun sa lugar na yun. eh shempre kalimitan pag malamig, mas malimit mag-wiwi di ba? mamumulubi ka sa belgium. hahaha.ako i don't mind paying. as long as malinis yung cr. kesa naman nagbayad ka na, madumi pa. eeww!

Odin said...

pre parang alam ko ung may lotion sabon at alcohol tpos malinis, nyahahahaha, tpos paglabas mo ng cr madilim(indi sinehan un). hehehehe, dbaleng mgbayad ka kesa mahuli ka sa labas mas malaki babayaran mo sa mga buhaya sa kalye

Chyng said...

Aha! Sa times, sa UN. aT sa Harbor Sq, meron tlga bayad CR jan. Yna ang luge, cympre when drinking napapadalas ang CR. Naka 30feysus yta ko dun sa CR kakabalik!

Sa Gateway ang ganda ng Pay Restroom!

Id rather pay kesa mabaho ang CR.

princesscha said...

nung bata pa kami magtatakip lang kami ng payong pwede na umihi anywhere! ngayon kaya pwede ko pa ding gawin yun? ahhahahaha!

Axel said...

@Antuken >> ahahaha, sobra naman yung sa Belgium... Yun talaga ginawa ng negosyo...

@Odin >> lolz, lam mo yun??? Madalas ka dun noh?? hehehe... Oo nga naman, buti na lang may mga portalet ang MMDA para sa mga lalake...

@Chyng >> at panu ka naman nagagawi dun?? hehehe... Lalo na kapag umiinum ubos talaga pera mo sa kaka-ihi...

@Princesscha >> pwede pa rin yun... try mo dyan... Mas malaki babayaran mo... lolz

Ok lang din sakin magbayad kaso, sana naman wag sobrang mahal ng singil or sana naman sa lahat na lang ng CR may bayad gaya ng sa Belgium... nyahahaha... Business ito...