Thursday, January 22, 2009

Gandang Nakaka-LagLag

Normal para sa isang lalaki ang mapatingin o mapalingon kapag nakakakita ng maganda at sexy na babae. Minsan ay parang mababali pa ang leeg sa kakalingon. May mga napapatitig pa talaga.

Habang nag-aantay ako sa The Fort sa aking kapatid upang makauwi ay may dumaang magandang babae sa harap ko. Maputi, chinita at naka dress pa siya. Dahil sa ako'y napahanga sa kanyang beauty ay napatingin ako at napasunod ng tingin.

May bitbit siyang box ng cake, bag at plastic bag habang naglalakad. Patawid na sana siya ng kalsada ng matapilok siya sa aking harapan. Ako ay na-shock (nanlalaki ang mga mata...joke) na makita siyang napaupo sa kalsada. Sa gulat hindi ko tuloy alam kung tutulungan ko siya o hindi na. Siguro hinihintay kong sabihin niyang "Oh! Kaya nyo yun!", ahahaha.

Ang nangyari ay, lalapit na sana ako upang maging Knight and Shining Armor (may ganun!) ng tumayo na siya sa pagkakadapa niya. Tingin ko nagpapapampam lang yun sakin eh... ahehehe...
At siya'y dere-deretsong naglakad palayo, siguro nasa isip nya "Anu ba yan dyahe naman nadapa pa ako, nasira tuloy yung cake na bagong bili ko".... ahahaha, yun pala ang iniintindi nya...

Kaya yung mga pa-beauty dyan hindi kayo ligtas sa mga ganitong pangyayari. Siguraduhin lang na poised pa rin kayo kapag nangyari ito. Sabay kaway na parang beauty queen. lolz...

8 comments:

Chyng said...

Seriously?!

Well, mas naging scene stealer siya tuloy. Ok lang yan!

~yAnaH~ said...

well, kung sakin nangyari yun, ang tiyak na rason ay ang pagmamaganda ko...at shempre hihntayin kong may tumulogn saken na waffu noh apra namna hindi masayang yung pagmamaganda ko hahaha

kuletz said...

kaya pala lagi kang napapalingon tuwing dadaan ako ha?!

lolz

Axel said...

@Chyng >> ahehehe, uu...

@Yanah >> ahahaha, panu kung walang tumulong sayo?? lolz...

@Kuletz >> kapal naman talaga...
Maingay kasi kaya napapalingon ako... wahahaha...

Urban Princess said...

hahaha... kulit neto... :) nangyari na rin yan sa akin.... hehehe... memorable nga yun eh. :)

Axel said...

@Urban Pricess >> Ahahaha, talaga??
Anu nangyari??? May tumawa ba, may tumulong ba??

Anonymous said...

Sa mga ganong sitwasyon mabuti na iyong marunong kang magkunwari, kunwari trip mo lang umupo sa gitna ng kalsada, kunwari may theory kang pinapatunayan sa iyong pagkakadapa, at kunwari ay philosophical ka na kapag napaupo ka dahil sa katangahan, kailangan tumayo ka nang ika'y mahimasmasan, hhehe. Colegialagirl.

Axel said...

@Colegialagirl >> gandang palusot yan ah... Wait lang, siguro ginawa mo na yun noh... hehehe...