Thursday, August 14, 2008

Karera ng buhay

Alam nating lahat na napaka hirap ng buhay dito ngayon sa Pinas... Lalo na sa panahong ito kung saan ang lahat ng bilihin ay nagtaas na, ang presyo ng Gasolina, Bigas at Pamasahe...
Bawat Pilipino ay hirap na hirap na, kasama pa sa kahirapan na nararanasan nating lahat ngayon ay ang kaguluhan sa ating Gobyerno... Kabikabila ang mga eskandalo sa ating Gobyerno... Habang ang bawat mamayan ng ating bansa ay hirap kung pano nila bubuhayin at itatawid ang sarili nila sa pangaraw-araw na pamumuhay nila...

Sa bawat tahanan ngayon kinakailangan ng magtrabaho ang Nanay at Tatay para lang maitawid and pamilya nila... Minsan pa nga ay pati ang mga anak ay humihinto pa sa pag-aaral para lang tumulong sa paghahanap buhay... Ang karamihan pa ngayon ay nangingibangbansa na...

Kaya gumawa ako ng maliit na Survey sa aking blog upang makuha ang opinion ng mga mangilan-ngilang mga tao na bumibisita aking blog...


Which would you rather choose?


  • To work here in the Philippines

  • Work abroad

  • Have your own business

Ang resulta.... Merong 9 na taong sumagot sa katanungan...

  1. To work here in the Philippines - 2 votes = 22%

  2. Work abroad - 5 votes = 55%

  3. Have your own business - 2 votes = 22%

Eto ang aking mga sariling saloobin sa mga maaring kadahilanan kung bakit eto ang naging resulta ng botohan...

Yung sumagot sa "To work here in the Philippines"... Maaring ang dalawang taong ito ay kasalukuyang may magandang trabaho kung kayat masaya silang magtrabaho sa Pinas... Maari din na ayaw nilang umalis ng Pinas dahil may mga tao sila dito na maiiwan nila na ayaw nilang malayo sa kanila at baka malungkot lamang sila kapag nangibang-bansa sila...




Sa sumagot sa "Work abroad"... Eto yung mga maaring mga tao na hindi na masaya sa trabaho nila dito sa Pinas, naliliitan sa sahod na kanilang nakukuha at tanging pangingibangbansa ang kasagutan sa kanilang pangangailangan... Maaring pagod na rin sila sa mga nangyayari dito sa Pinas at sa ibang lugar na lang sila magtatrabaho... Pwede rin dahil, gusto nilang makaipon agad dahil may mga pinaplano sila para sa hinaharap...







Ang mga matatapang na sumagot ng "Have your own business"... Eto yung mga nilalang na matatapang ang kalooban at handang sumabak sa mundo ng mga negosyante... Maaring eto lang ang tanging dahilan para talagang umasenso sila sa madaling paraan... Gusto nilang kumita ng malaki na hindi na kailangang umalis ng bansa at hindi sila magpapaalipin sa mga banyaga at gusto nilang gawin ang gusto nila... Naniniwala sila ang tagumpay ay nasa pagtitiyaga at nasa tamang oportunidad sa buhay...




Eto ay ilan lamang sa aking mga opinyon kung anu ang maaring naging dahilan ng mga sumagot...

Bawat sa atin ay may kanya-kanyang mga dahilan kung anu man ang landas ang ating pipiliin upang tayo ay umasenso sa buhay at makuha natin ang ating mga inaasam sa buhay... Eto man ay Magtrabaho dito sa Pinas, sa ibang Bansa o magkaron ng sariling Negosyo... Kung anu man ang piliin mo, dito ka masaya at dito magaan ang loob mo... Hindi lahat tayo, makakaalis ng bansa para magtrabaho at hindi lahat tayo ay magiging negosyante... Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang gagampanan sa buhay...

Kung wala ng magsasaka; wala na tayong kakainin, kung wala ng karpentero; wala ng gagawa ng mga bahay, kung wala ng guro; mangmang na tayong lahat...

Kailangan lamang ng bawat isa sa atin ay pagbutihin ang ating mga piniling Karera sa Buhay... Maging masaya sa ating ginagawa at pagyamanin ang mga nalalaman...

2 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Ikaw Parekoy, ano ang pipiliin mo?

Kung gusto mong magtrabaho dito sa Singapore, meron kang makukuha dito. Marami ding Sales positions ang available, at pwedeng pwede ka kasi pasok sa industry mo. Hehe wala lang, naalala kasi kita meron akong application dito for Sales Executive ng Printers and Copiers dati kaso hindi ko na tinuloy kasi nagka-offer na ko ng iba.

Gusto ko sana mag business na lang sa Pinas, meron din naman akong 'entrepreneurial' spirit, kaso ang problema sa bawal negosyo na itatatag mo kailangan ng malaking puhunan, kaya mag-trabaho abroad muna ang pipiliin ko.

(Siet! Parang ang haba ata ng comment ko. Haha. *LOLz*)

Axel said...

Ako, business talaga ang gusto ko...

Ganun ba, dami bang opening dyan ng sales?? Hehehe... Sige pag-isipan ko yan kung hindi ko maayos yung mga plano ko dito sa Pinas...

Tama ka rin dun, kailangan ng puhunan... Pero, hindi naman lahat ng negosyo ay nagsisimula ng malaki... Lahat yan nagsimula sa maliit bago ito lumaki...

Oo nga eh, haba nga ng comment mo...

*Offtopic:Anu may trabaho ka na ba dyan??