Monday, August 18, 2008

TANG INA NYONG MGA MANDURUKOT

Kakauwi ko lang ng bahay galing Makati... Sumakay ako ng bus from Makati papuntang Karuhatan, nakatulog ako sa biyahe dahil inaantok na talaga ako... Paggising ko at ng bumaba ako ng bus napansin ko ang gaang ng bulsa ko sa kaliwa, yun naman pala na-SLICE ang bulsa ako nakuha ang COMPANY CELLPHONE ko... TANG INA!!!!

Pangalawang beses ko ng mawalan cellphone sa bus... Yung una pinost ko rin sa blog na to... Nakuha naman yun biyaheng Makati papuntang Buendia LRT... Nadukot sa cellphone case ko sa belt...

Nakakahiya na nga yung unang nangyari sakin ng ireport ko sa office namin, lalo na to na naulit nanaman sakin... Sana naman hindi nila ako pag-isipan ng masama...

Ano na ba talaga ang nangyayari sa Pinas ngayon??!!! Parang wala na talaga akong tiwalang sumakay ng pampasaherong sasakyan... Ang mga tao dito sa Pinas masyado na nga bang desperado o sadyang mga halang lang ang kaluluwa ng mga taong yun...

Pakiramdam ko ngayon parang ang malas ko ata ngayong taong ito dahil mangyari ba naman sakin yun ng dalawang beses... Hindi ko alam kung maiinis ako sa sarili ko dahil nakatulog ako sa biyahe at hindi ko sinunod ang alok nila LV na magpaumaga na lang sa kanila o sa mga PUTANG INANG MANDURUKOT na yun...

Eto nga pala ang ginawa ng mga yun sa pantalon ko... 3 nga lang maong pants ko sinira pa nila yung isa... Kaasar talaga!!!


16 comments:

chroneicon said...

tsk tsk... dapat dun ka na lang natulog kna sher.

oh well, papel. at least cp lang ang nakuha sa iyo. hindi dangal, puri, buhay at buhok.

The Gasoline Dude™ said...

Ano bang cellphone ito? Sa susunod, 'wag nang gumamit ng mamahalin at nang hindi pag-interesan ng mga mandurukot.

Tama si Chie Chie, buti safe naman ang mga buhok. *LOLz*

womanwarrior said...

teka, di ba sabay tayo umuwi? nung bumaba ka sa monumento nag-bus ka lang? na-guilty tuloy ako ah.. kasi sinabay ka pa namin, tsaka dapat pala, hinatid ka na namin hanggang sa inyo...

loko ka chie, baka mas gusto pa nga ni axel na dangal at puri na lang ang nawala sa kanya... :)

womanwarrior said...

bothered talaga ako dito ah...tinignan ko sa sasakyan, baka nahulog lang, pero wala din eh...

Axel said...

@ Chroneicon >> Oo nga eh, sana nga dun na lang ako nakitulog...

Oo buti hindi nabawasan buhok ko at puri...lol... Tae ka talaga...

@ Gasoline Dude >> Sony Ericcson, hindi naman siya mamahalin eh... Tsaka company fone yun, makakapili ba ko?? Hindi naman nya nakita na ginamit ko yun dahil hindi ko siya nilabas habang nasa bus ako...

Wag kang mag-alala sa buhok ko, meron pa para sayo... lol

@ Womanwarrior >> Hindi po yun lola, Monday po ng madaling araw... Umalis po kasi kami uli nila LV...

Hahaha...Lola naman wag mo naman ikalat yun... Tigang pa naman ako... lol

Lola wag mo na po hanapin sa sasakyan, talaga pong na slice ako sa bus at ibang araw po yun...

womanwarrior said...

ah ok...

next time, wag ka na mag-engot ha...ay, next time, mag-ingat ka na ha... :)

Axel said...

@ Womanwarrior >> Lola naman eh... Hehehe... Opo, mag-iingat na po ako...

molestedtwineggs said...

pre dapat kasi wag ka pahalatang madukutin o agnat...
dapat kasi tumabi ka sa chickas para di ka makatulog sa bus.. yong kasama ko nga sa lrt nakatulog nadukutan din... wala nga silang magawa sa buhay nila tayo pa kaya gagawa para sa kanila...
paano ba supilin yan? next time maglagay ng pambitag sa daga ba yon.. sa iyong bulsa para pag pumitik at naiipit malalaman mo..

Georg Kevin A. Paquet said...

hi, nice blog po..


Nga pala, I'm Kevin Paquet from Pinoy Teens Online
Care to link exchange with us? I'll add you now to our blog roll page ^^,)
Please comment back over us if you accept
if you want, add my ym: i.believe_11

lethalverses said...

kasi naman kasi naman...

sayang, kung sumama ka na lang kila M at damdam na sa pad ko matulog, e di puri lang sana ang nawala sayo.

...nagenjoy ka pa.

PoPoY said...

axel. ingat talaga. dis ors pa yata ng gabi o malamang umaga na yun naganap no? tsk delikado na talaga ngayon.

naligaw pala ko dito sa blog mo hehehe.

ingat na lang at sana makarma yang mga mandurukot na yan

Axel said...

@ MTE >> Tae ka, hindi ako agnat noh... lol, kala mo hindi ko getz ah... Yun na nga problema eh, wala na yung mga chikax eh... Tsaka pagod na talaga ako nun...

@ Kevin >> Salamat, sana nga lang binasa mo nga...

@ LV >> Oo nga gurl, ikaw kasi hindi mo ko pinilit eh... Nagpapapilit lang naman ako eh...

@ Popoy >> Uu, madaling araw na nung maganap ang karumaldumal na pangyayaring iyon... Talagang delikado na ngayon...

Salamat at naligaw ka sa blog ko... Hayaan mo maliligaw din ako sa blog mo...

Sana nga talaga makarma sila... Oo nga pala... Oi!!! Si POPOY!!! LOLZ...

damdam said...

makapag comment nga..

ayan kasi! sabi ngmag paumaga na.. ayaw pa...
(sinisi e noh)

Axel said...

@Damdam >> Nay sorry na po... Hindi na po mauulit talaga... hehehe...

Anonymous said...

kaya praning na praning ako everytime pumupunta akong manila, makati, qc, quiapo, or anywhere in NCR dahil sa mga ganitong incidents... :) anyway, i'll take this as a warning... medyo engot rin ako minsan eh... buti pa nga ikaw, 2 beses lang ikaw ninakawan... ako? 2 wallet at 3 cp na ang ninakaw sa akin... beat that... hehehe (at proud pa ako... hehehe)

Axel said...

Actually apat na cellphone na nawawala sakin... Highschool pa ko nung una at hindi pa sakin yun...

Kaya nga dagdag ingat na rin ako ngayon eh... hehehe...

ikaw din at lahat tayo... lolz