Bata pa lamang ako ay namulat na ang aking pag-iisip sa pagbabangko, dahil ito sa aking ina na nagtatrabaho sa bangko noon. Subalit nabili na ito ng isa sa pinakamalaking bangko sa Pinas. Marami na rin akong mga bangko sa na nabisita. Ngayong nasa edad na ko na ako ay isa sa mga cliente ng mga bangko ito, ay mas naikukumpara ko na ang mga serbisyo nila - lalo na yung mga may "branches".
Huling araw na upang bayaran ang aking "Credit Card" ng puntahan ko ang isa mga branches ng bangkong ito sa Global City. Napansin ko na maliit lamang ang branch nila doon. Pagpasok ko sa loob may iilang mga cliente rin na nag-aantay. Pumila ako sa "teller" at nag-aantay na sumunod. Pagdating ko sa teller ay pinaiwan ang aking payment slip at sinabing antayin na ako'y tawagin. Ako'y umupo naman habang binabasa ang mga properties for sale nila (kala mo naman may perang pambili.. lolz!!). Lumapit sa akin si manong guard at inalok ako kung gusto ko ng juice o kape - dahil sa inaantok na ako ay kape ang pinili ko.
May isang grupo ng mga lalake doon na hiniritan si manong guard, "wala ba kayong red horse dyan?". Napaisip ako bigla, "oo nga noh!!" hehehe.
Ang punto ko lang naman ay, sa tagal ko ng nagbabangko ay ngayon lang ako naalok ng kape o kung anu mang inumin. Hindi ko alam kung dahil ba sa naka-kurbata ako nung araw na iyon o ganito talaga ang serbisyo nila para sa kanilang mga cliente. Masasabi kong isa itong magandang halimbawa na tinatrato nila ng maayos ang kanilang mga cliente. Sana nga lang lahat ng cliente ito, maging naka-tsinelas man sila o naka-pormal na kasuotan. At sana ay hindi lang ito gawain ng iisang branch nila kundi pati sa iba pa nilang mga branches.
Eto nga pala yung bangko na aking sinasabi.
Sana ipagpatuloy ninyo ang magandang serbisyo hindi lang pagkaharap ang cliente pati na rin sa mga transakyon nila.
May mga komento nga rin pala ako sa ibang bangko na nabisita ko na. Hulaan nyo na lang kung alin doon, maaring may kaparehas sila o wala.
1. Kapag pumila ka ay bibigyan ka ng numero bago ka tawagin. May mga babasahin pa minsan upang hindi ka mainip.
2. Mayroong pina-iiwan na lamang ang transaksyon mo sa teller at hintaying tawagin ang pangalan.
3. Naka-tayo ka ng matagal sa mahabang pila habang inaantay na ikaw ang sumunod. Kadalasan pa ay nag-offline pa ang system nila. Kadalasan pa ay bagal ng transakyon mo sa kanila.
4. Mayroong kapag may iba ka pang puntahan ay pwede mong iwan ang transaksyon mo sa teller at balikan na lamang ito sa kanya dahil sa haba ng pila.
5. Pagkatapos ng transaksyon mo ay bibigyan ka nilang plastik na may smiley. May paghuhulugan ka na dalawang butas. Yung isa SAD FACE, yung isa HAPPY FACE. Ilalagay mo doon kung natuwa ka ba o hindi sa kanilang serbisyo.
Halata naman siguro kung alin dyan ang pinaka-malala. Sana lang ay baguhin nila ang kanilang sistema sa pagtanggap ng kanilang mga cliente. Dahil sa baka tubuan ka na ng ugat sa kaantay na sumunod. Hindi ko lang alam kung kumpiansa sila sa bilis ng kanilang serbisyo o sobrang pagtitipid iyon sa mga upuan, papel na numero o digital na numero. Tapos nagloloko pa madalas ang kanilang "Software System".
after 2 years...
11 years ago
6 comments:
I opened a bank account two years ago. I'm also learning how to save. Seriously, I think I'm starting to mature. Can you believe it, after one million years, marunong na ko mag-ipon. Heheh
wow puro pagtitipid nababasa ko these past few days... mainam yan...
pero ang saya naman nun pinagtimpla ka ng a kape... baka naman talagang bigatin ka papa axel :D
gusto ko yung 4, kukuha ka ng number then sibat na. Balik nalang sa hapon. hehe
@Andy >> ahaha, sayang siguro milyonarya ka na kung dati ka pa nag-iipon..
@Joyo >> ahaha, papa axel talaga eh noh.. naku, sa suot lang ako bigatin.. Pero bumigat nga ako.. lolz
@Chyng >> ahaha, oo ayus yun babalikan mo na lang para walang long wait.. ginagawa namin yan dito sa may amin..
ok yun ah, hindi pa rin ako nakaranas na alukin man lang ng tubig. kape pa. hehehe.
pero si misis ko ay unionbank ang payroll noon, pero nabuwisit siya kasi kakaunti lang ang mga atm nila. unlike bpi (akin. hehehe)
oo nga eh, yun lang panget sa unionbank.. hindi naman kasi sila ganun kalaking bangko.. pero kapag may mga request ka sa kanila madali silang kausap..
gaya ng pag-wave ng annual ko sa credit card.. hehehe..
Post a Comment