skip to main |
skip to sidebar
Naipahiwatig mo na ba ang mga saloobin mo? Naibahagi mo na ba ang nilalaman ng iyong isipan? Kung hindi pa ay maari mo itong gawin sa palabas ng GMA 7 na Unang Hirit.
Sa isang segment ng show na ito ay binibigyan ng pagkakataon ang mga tao upang ipahayag ang kanilang mga saloobin at mga opinyon sa iba't ibang isyu na kanilang pinag-uusapan. Ito maaring maging tungkol sa pulitika, kalusugan, relihiyon at kung anu-ano pa. Ipapalabas lamang nila ang isyu sa TV at maari na kayong magbigay ng opinyon nyo sa pamamagitan ng pag-text sa kanila. Kapalit naman ng pagsali at pagbigay ng inyong mga opinyo ay mabibiyayaan kayo ng iba't ibang papremyo. Magmula sa TV, damit, appliances at mga pagkain.
Kakauwi ko lang matapos kong makapanood ng sine sa Makati, salamat sa aking kaibigan dahil libre yung movie. Salamat sa premier ticket pass namin. hehehe.
Masasabi kong isa ito sa pinaka-magandang movie na napanood ko. Madadala ka talaga ng main character sa flow ng istorya. Para kang mabibigyan ng bagong pag-asa at lakas ng loob. Sa tingin ko ang istoryang ito ay magandang maging halimbawa sa Pilipinas at sa kalagayan natin ngayon.
Ang istoryang ito ay naganap sa South Africa sa taong kung kelang pinayagan ng bumuto ang mga South African's para sa kanilang Democratic Election. Ito rin ang panahon na si Nelson Mandela (Morgan Freeman) ay kakalaya lamang sa kulungan at nahalal bilang presidente ng South Africa. Dala niya ang pag-asa ng pagbabago mula sa pang-aapi sa kanila ng mga dating namumuno sa kanila.
Para sa mga naghahanap ng exciting na event para sa darating na Valentines Day, iniimbitahan ko kayong dumalo sa darating na Hot Air Balloon Fiesta sa Clark Freeport Zone sa Pampanga. Ito ay magandang pagkakataon para sa inyo at nang maiba naman ang activity nyong dalawa.
Ang event na ito ay magsisimula sa February 11 hanggang February 14. Ang ticket ay nagkakahalaga lamang ng Php150 ang isa. Maari nyo itong mabili sa gate mismo ng eventa, sa TicketNet at sa Recreational Outdoor Exchange (ROX) sa Bonifacio High Street, Global City.
Maari din kayo magkaron ng pagkakataon na sumakay sa mga Balloon na ito sa halagang Php500 ang isa (kung hindi ako nagkakamali sa presyo). Hindi ba't mas romantic yun kaysa sa usual na dinner date.
At dahil dyan, magkita-kita na lamang tayo dun dahil meron na akong ticket. Hehehe!
Salamat sa San Mig Light at nanalo ako ng 2 FREE Entrance Ticket para dito. Ngayon, sinu kaya ang isasama ko dito kasi dalawa ang ticket ko eh. Hahaha.
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin nyo na lang ito Hot Air Balloon Fiesta.