Wednesday, January 28, 2009

Umpisahan ng Tama ang 2009

Masarap umpisahan ang taon sa paggawa ng mabuti, kung kaya't naisip ng pamilya ng Greenpinoy na unahin natin sa ating mga nakakatanda kay Lolo't Lola (hindi si Cyber Lowla, mga kabarkada lang niya). Labyah lowla.



Ang destinasyon ay sa Golden Acres sa Quezon City.




Parte ng programa ay ang paligayahin ang ating mga elderly. Dahil sa ayaw naming mapagod ang ating mga Lolo't Lola naisipan naming paglaruin sila ng Bring Me. Kaloka, eh mas lalo nga silang mapapagod nun di ba. Ang sabi naman namin sa kanila ay itaas na lamang ang mga kamay at kami na lang ang kukuha ng mga gamit nila para dalin sa harapan. Mantakin mo ba namang hala sugod pa rin sila sa unahan upang dalhin ang mga binabanggit na mga bagay. Buti na lang at walang nadapa sa kanila, at baka mamaya paalis kami bigla ng mga namamahala dun.




Ang main event nga pala ng outreach na ito ay ang pagsulpot ni Chroneicon este Jollibee pala.
Ang nakakatuwa pa ay ng makita ng ating mga elderly si Jollibee ay talagang tuwang tuwa sila at niyayakap pa nila si Jollibee. May mga humahalik din sa kanya. Kita mo talaga ang tuwa sa kanila mga mukha at mga mata. Para siguro silang nagbalik sa pagkabata nung makita nila si Jollibee.
Naghandog din kami ng lunch sa ating mga elderly. Buti na lang hindi natanggal ang mga postiso nila, hehehe.
Hinandugan nga rin pala ni Jollibee ang mga elderly natin ng sayaw, in the tune of "LOW". At nakisayaw pa sila kay Jollibee, kakaloka baka mamaya may atakihin bigla sa puso.



Maigsi lamang ang programang aming inihanda dahil sa hindi nga namang pwedeng basta na lang mapagod an ating mga elderly. Matapos ang lahat ay sana nakapag-iwan kami ng kaligayanhan sa kanila.

Marami din nga palang mga nakakalokang pangyayari habang andun kami pero hindi ko na lang din ikukwento lahat.


Paghandaan na lang at pagplanuhan ang susunod na outreach. Kahit sinu nga pala ay maaring sumama kung gusto nila, welcome naman lahat basta't pagtulong ang nais.

Ang mga kasama nga pala namin sa programang ito ay sina Beth, Friend nila Sherwin, Napundingalitaptap (NA), Billy, Beth, Greenpinoy, Lethalverses, Chroneicon, Mariano, Damdam, Ayz, Kuletz, Leyn, Cyber Lola at Dudan.

Thursday, January 22, 2009

Gandang Nakaka-LagLag

Normal para sa isang lalaki ang mapatingin o mapalingon kapag nakakakita ng maganda at sexy na babae. Minsan ay parang mababali pa ang leeg sa kakalingon. May mga napapatitig pa talaga.

Habang nag-aantay ako sa The Fort sa aking kapatid upang makauwi ay may dumaang magandang babae sa harap ko. Maputi, chinita at naka dress pa siya. Dahil sa ako'y napahanga sa kanyang beauty ay napatingin ako at napasunod ng tingin.

May bitbit siyang box ng cake, bag at plastic bag habang naglalakad. Patawid na sana siya ng kalsada ng matapilok siya sa aking harapan. Ako ay na-shock (nanlalaki ang mga mata...joke) na makita siyang napaupo sa kalsada. Sa gulat hindi ko tuloy alam kung tutulungan ko siya o hindi na. Siguro hinihintay kong sabihin niyang "Oh! Kaya nyo yun!", ahahaha.

Ang nangyari ay, lalapit na sana ako upang maging Knight and Shining Armor (may ganun!) ng tumayo na siya sa pagkakadapa niya. Tingin ko nagpapapampam lang yun sakin eh... ahehehe...
At siya'y dere-deretsong naglakad palayo, siguro nasa isip nya "Anu ba yan dyahe naman nadapa pa ako, nasira tuloy yung cake na bagong bili ko".... ahahaha, yun pala ang iniintindi nya...

Kaya yung mga pa-beauty dyan hindi kayo ligtas sa mga ganitong pangyayari. Siguraduhin lang na poised pa rin kayo kapag nangyari ito. Sabay kaway na parang beauty queen. lolz...

Sunday, January 18, 2009

The Trainee

Just received this as an e-mail from a friend (Carina)...



A man joined a big Multi National Company as a trainee...


On his first day, he dialled the kitchen and shouted into the phone:

"Get me a cup of a coffee, quickly!"

The voice from the other side responded:

"You fool; you've dialled the wrong extension! Do you know who you're talking to?"

"No" replied the trainee.

"It's the Managing Director of the company, you idiot!"

The trainee shouted back: "And do you know who YOU are talking to, you IDIOT?"

"No!" replied the Managing Director angrily.

"Thank GOD!" whispered the trainee and put the phone down...



Ahahaha, astig buti na lang hindi siya nahuli... Ano kaya nyong gawin yun???

Tuesday, January 13, 2009

You WiiWii, You Pay

Naranasan mo na ba, habang ikaw ay nasa mall habang namimili ka ay maghahanap ka ng C.R. dahil sa na-wiwi wiwi ka na? Matapos kumain sa food court o sa mga food stand ay makaramdam ng tawag ni kalikasan?

Aba, lahat naman siguro tayo ay gumagamit ng C.R., Restroom o Toilet.

Pero napansin nyo na ba, na sa karamihan na ngayon ng mga C.R., Restroom o Toilet ay may BAYAD na??? WTFEMG!!!


Ang bayad sa mga C.R. na to ay nagkakahalagang Php 5.00 hanggang Php 20.00. Sorry ka na lang kung mas mahal pa dyan ang matiyempuhan mo. Umihi ka na lang sa brip mo o sa panty mo. Eewwww!! Kung ikaw naman ay lalake, aba medyo maswerte ka dahil pwedeng umihi ka na lang dyan sa tabi-tabi na parang doggy (aww-aww), wag ka lang mahuhuli ng mga pulis o ng mga taga MMDA. Sa mga babae naman dyan, sorry ka na lang at UTI ang aabutin mo, ahahaha.


Akalain mo para kang pumapasok sa sinehan dahil pagkabayad mo ay may ticket pang ibibigay sayo. Ang iba ay “Single Use Only”. WTF!!! Talaga. Pano kung ang C.R. na to ay nasa mall o sa mga hang-out place nyo gaya ng sa Harbour Square? Sa tuwing pupunta ka ng C.R.ay kailangan pa talagang magbayad. Mukhang magandang negosyo to ah, maliit lang siguro capital para dito. Ang ikakasama pa ng bulsa mo ay marumi, mabaho at walang tissue ang iba sa mga C.R. na to, lalo na syempre ang mga Portalete (tama ba spelling?), na sobrang baho sa loob kala mo ay nasa gas chamber ka. Kung matapat ka naman sa mga malilinis na C.R. ay jackpot ka at kumpleto sa gamit gaya ng Lotion, Alcohol, Sabon, Tissue at may Powder pa minsan (teka baka ibang C.R. na to ah... hehehe), syempre lulubusin mo na ang binayad mo at gagamitin mo ang lahat ng ito.

Payo ko na lang sa mga lalake magdala na lang ng bote, syempre yung kakasya at sa mga babae sa mas malakeng bote na lang kayo o kaya gayahin nyo yung kilala ko na hindi napigilan at umihi sa baso ng McDonalds na take-out namin. Sikreto lang to at apat na tao lang nakakaalam nito. Hehehe.

Thursday, January 8, 2009

Your so Wide

Matagal ko na kong nagpaplanong bumili ng sarili kong computer at sa taong 2008, sa buwan ng December at sa petsa ng 27 ay natupad na ito.

Nung una ay nahirapan akong mag-isip kung Desktop o Laptop ang bibilin ko. Naiinggit kasi ako nung una sa mga kaibigan kong naka-laptop pero kailangang maging mautak. Dahil sa mahilig din ako sa games ako sa mga anime movies, sa huli ay napag-isipan ko na Desktop na lang aking bibilin.

Eto nga pala yung Desktop na nabili ko. A reward for myself, for my hardwork and after loosing 3 cellphones in 20008. hehehe.



Just to share and magyabang ng konti, eto ang specs ng PC ko para sa medyo mga techie na tao. Hehehe.

Athlon64 X2 6000 Processor
Kingston 2GB PC800 DDR2
Samsung 500GB SATA, Hard disk
INNO3D 8500GT 1GB, Video Card

And my pride for this PC, Samsung T190 LCD Black Glossy na 19" wide. Nung una dapat 17" lang kukunin ko pero ang mura lang kaya eto siya ngayon.

Sana sa tulong nito ay mas makapag-post na ko ng mas madalas. hehehe.

Happy New Year sa Lahat...