Wednesday, June 9, 2010

Jatujak

Matagal akong napahinga sa pag-blog ko at sobrang huli na ang post na gagawin kong ito. Aking ibabahagi ang nakainan naming restaurant para sa mga gustong makasubok ng bagong putahe.

Ang Jatu Jak (Cha-tu-chak) ay isang restaurant sa SM The Block - Q.C. sa ika-apat na palapag. Ang putahe nila ay "Thai Food". Dagdag na kaalaman; ang pangalang Cha-tu-chak ay nagmula sa pangalan ng isang sikat na pamilihan sa Bangkok Thailand. Kung kayo ay mapasyal sa Bangkok dito ko rin kayo mairerekumenda na mamili ng pasalubong dahil mura ang bilihin dito, maihahalintulad din ito sa Divisoria ng Pilipinas.



Kung gusto nyo rin makatikim ng mga pagkaing delicacy ng Thailand, sa Cha-tu-chak din kayo maaring pumunta.

Kao Pa Moo - Fried Rice, Chicken Pork and Shrimp.

Crispy Pork w/ Selantro (Kinchai) - Kamatis, Pipino, Sibuyas, Sukang matamis.

Chicken Pandan, a must try.

Pad Thai Shrimp, paborito ko ito sa lahat kaso medyo nanibago ako sa lasa ng Pad Thai nila.

Para sa pamatid uhaw, Mint and Lemon Grass.

Thai Iced Tea

Sa kabuuan, ang lasa ng pagkain ay swak sa panlasa at ang presyo ng pagkain ay sulit naman sa bulsa.

7 comments:

Chyng said...

most favorite ko yung cripsy catfish salad (kahit hesitant pa ako at 1st). hindi ako fan ng hito! pero this one's brilliant! Ü

Visual Velocity said...

May gulay ba sila? Vegetarian kasi ako, hehe. Kung meron, kakain ako jan for sure.

Axel said...

@Chyng >> tikman mo ang inihaw na hito, mas ayus yun!! Pinoy style..

@Andy >> huwat?? vegetarian ko?? hindi nga??

Ed. E. said...

ibang pagkain ung inaabangan kong i-feature mo sa blog mo hehehe :D

Axel said...

@Ed E >> dont worry lapit ko na matapos yung unang video.. hehehe..

Ayel said...

I've tried that Chicken pandan and I liked it very much.

Axel said...

@Ayel >> yup, that is one of their best food..