Wednesday, April 28, 2010

Comelec to put up TV screen monitors at canvassing centers

Isang maganda balita mula sa COMELEC. Maglalagay daw sila ng mga TV screens sa mga canvassing centers upang mas mabantayan hindi lamang ng mga poll watchers kundi pati natin ang resulta ng mga boto habang ito ay nagaganap.

Nakakatuwang isipin na gumawa sila ng ganitong hakbang upang masigurado ng mamayang Pilipino na mas magiging maayos at mabilis ang magaganap na Poll Automation Election sa ating bansa. Ang dapat na lamang nating abangan sa araw ng ika-8 ng Mayo ay ang resulta ang ihahalal na bagong Pangulo at mga bagong opisyal ng Pilipinas.

Para sa kabuuang detalye, minarap ko ng kopyahin ang artikulo o maari kayong bumisita sa Politics Inquirer.

Saturday, April 10, 2010

Bangko Mo - Bangko Ko

Bata pa lamang ako ay namulat na ang aking pag-iisip sa pagbabangko, dahil ito sa aking ina na nagtatrabaho sa bangko noon. Subalit nabili na ito ng isa sa pinakamalaking bangko sa Pinas. Marami na rin akong mga bangko sa na nabisita. Ngayong nasa edad na ko na ako ay isa sa mga cliente ng mga bangko ito, ay mas naikukumpara ko na ang mga serbisyo nila - lalo na yung mga may "branches".

Thursday, April 1, 2010

BIG MOUTH

Kami ay nagbakasyon sa Boracay upang makapag-pahinga at makalayo sa lahat ng mga problema sa Maynila. Naging maganda naman ang aming pamamalagi dito. Sinulit kahit papano at kumain ng sobra, lalo na ang mga buffet na seafoods. Subalit ang hindi naman nagustuhan ay UNA: nang kumain kami ng hapunan sa Big Mouth. Kami ay gutom na gutom na at wala ng makainang iba dahil sa dami ng tao doon. Kaya nakita namin itong kainan na ito at sinubukan dahil mukha namang masarap, marami ding tao at tama lang naman ang presyo ng pagkain.