Dahil sa palapit na ng palapit ang eleksyon sa Pilipinas, naisipan kong sumulat ng mga bagay na may kinalaman dito. Nais ko sanang ihatid ang aking saloobin at kung maari ay matulungan ang mga mambabasa ko (kung meron man) na mamili at makita kung anung nagawa o magagawa ng ating mga kandidato. Mas bibigyan ko ng tuon ang ating mga "Presidentiables".
Ang mga nakaraang buwan ay naging mainit simula sa pagsasatupag ng "Poll Automation", sa paglipat ng mga kandidato ng partido, sa paglalahad ng pagtakbo sa pagka-presidente, sa pag-atras ng iba, kung ang iba ay papayagan bang kumandidato ayon sa ating batas hanggang sa mga "Nuisance Candidates".
Lahat ng tungkol sa darating na eleksyon ay pipilitin kong maibahagi sa inyo. Pipilitin ko ring himayin para hindi naman masyadong marami. Uunahin ko ito sa pamamagitan ng pamamahagi sa inyo ng mga listahan ng mga taong kakandidato.
Para sa pagka-pangulo:
Pangalawang Pangulo:
Senador:
Pasensya na at maliit ang mga sulat, para sa mga interesado sa kumpletong listahan ng mga kandidato, maliban sa mga lokal na kandidato ay puntahan lang ang website ng COMELEC.
Para sa mga nagparehistro na upang bumoto maari kayong matulungan din ng site nila.
Sana ngayon ay makaboto tayo ng ayon sa tingin natin na makakatulong sa pag-unlad ng ating bayan at hindi dahil lamang sila ay popular. Hindi rin dahil sa ito nasasabi ng nakararami o ng mga "survey's" dahil iba pa rin yung dahil sa alam natin na sila nararapat.
Ilang araw na nga lang ba bago ang botohan, tara na iBoto Mo Ko!
after 2 years...
11 years ago
13 comments:
Sabi nga ng isang tao sa Tumblr, "From where I'm from, everyone wants to be a President."
^haha, korek.
nalimutan kita inadd sa blogroll ko, ngayon add na kita! ;D
nainis ako sa lola ko kagabi dahil nilait nya yung tiyuhin namin kasi di daw marunong bumuto. kasi yung pangalan daw yung nilalagay dun sa President na box.
sinabi ko naman sa kanya na tuturuan dapat yung tiyuhin ko at sabihan kung paano gagawin, nasabihan ko din sya na buti pa nga yung tiyuhin ko eh INEEXERCISE yung rights nya para bumoto, di tulad ng iba kung kakilala eh matalino nga at kugn ano ano nirereklamo di naman pala reshitrado amputa. nakakatawa lang. hahaha
ohai axel haw r ya?
ayos tong info na pinost mo tol ah. nagulat nga ko na andaming aspiring presidential candidates. ang malimit na bansag sa kanila eh "nuisance candidates", pero naisip ko lng na baka ang pagtakbo ng ganito karaming tao para sa pagka-pangulo eh nangangahulugan lamang na andaming gustong makagawa ng pagbabago sa bayan natin.
problema dun eh kung tapat ang hangarin mo, pero wala ka namang makinaryang susuporta sa pangangampanya mo. babansagan ka tuloy na "nuisance", kasi di ka kilala ng mga gusto mong paglingkuran.
@Russ >> oo nga, everyone wants to have the power..
@Chyng >> ahahaha, ngayon lang ba?? sige...
@Popoy >> oo, maraming reklamador talaga na Pilipino... ayus naman aku... hehehe
@Ed E >> hindi naman siguro ganun, ang nuisance lang talaga yung mga nakikita ng tao na hindi seryoso sa pagtakbo nila... Maaring gusto rin nila ng pagbabago pero, wala silang sapat na kakayahan upang gawin ito...
Siguro pinapakita lang din nila na maraming gusto ng pagbabago, kaso sinu nga ba ang maghahatid nito, yung uupo o yung boboto sa kanila...
Sana automated at computerized na ang eleksyon natin para hindi na makapang daya yung mga nangdadaya. :D
Ang automated pa lang yung polling eh... pero ok na rin yun, para walang dagdag-bawas sa bilangan...
hang dami naman nakakalula, jusko ko po oo... heniwey di naman ako makakaboto :)
@Joyo >> ay ganun ba, sayang naman... Ganda pa naman ng line-up ngayon ng mga presidentiables natin...
Grabe, nahihiya ako. Di pa ako registered. Nakakahiya talaga. Wala na kasi akong time makapagregister noon. :(
Sayang naman, sana nagregister ka, pwede naman weekend eh...
Name: Madera, Rigoberto Jr. J.
Nickname: N.N.N
AMAZING! Ang lapit sa pangalan nung nickname nya! :))
@Nhil >> ahahaha, napansin mo pa talaga yun ah... lakas siguro ng trip nya...
Post a Comment