Hindi ko alam kung matutuwa kayo pero, andito na ang ikatlong yugto ng "Kapatid".
Gaya ng pangyayari sa ikalawang yugto, dumating na muli ang isang espesyal na panauhin ng aming komunidad. Gaya din sa ikalawang yugto, ang paghahanda namin ay umabot muli sa dalawang linggo lamang.
Maraming preparasyon muli ang naganap hanggang sa dumating ang espesyal na panauhin. Pinilit tapusin ang mga papeles na gagamitin sa mga pagpupulong na magaganap. Ang isa mga mga miyembro namin ay hindi nakapasok kaagad matapos ang isang mahabang bakasyon dahil sa masamang karamdaman. Dahil sa kagustuhang matapos ang mga gawain ay, pinilit nyang pumasok sa sumunod na araw. Kahit nanghihina ang buong katawan at hindi pa rin gumaganda ang pakiramdam ay pinilit nyang pumasok sa sumunod na araw.
Nagpulong ang aming grupo upang tulungan ay aming miyembro sa kanyang mga papeles dahil siya ang may pinaka-maraming pagpupulong na magaganap. Inabot kami ng gabi para tapusin ang mga papeles, ngunit hindi pa rin tapos. Dahil sa madilim na ay kinakailangan na naming kumain ng hapunan. May mga kasamahan pa kaming nagsasabi na kailangan ng kumain ng aming miyembro na nanghihina upang siya ay maka-inum ng kanyang gamot. Nagbigay na ko aking suhestiyon na magpadala na lamang ng pagkain galing sa labas, subalit sinabi ng aming pinuno na mas matagal pa daw iyon.
Lumipas ang ilang oras, hindi pa rin natatapos ang lahat ng mga papeles. Dumaan na muli ang ibang mga kasamahan at kinukulit nang kumain ang miyembro namin para makainum ng gamot. Ang isa sa mga punong pinuno din ay nagbigay na rin ng mungkahi na magpahinga ng maige ang lahat. Matapos ang lahat, ang nasabi lamang ng aming pinuno "Bakit alam ba ng kasamahang iyan na may darating tayong espesyal na bisita?".
Ang pagpupumilit ng pinuno ay walang katulad, na walang pagpapahalaga sa kanyang mga miyembro.
Umabot na ang araw ng pagdating ng espesyal na panauhin, nagsimula na ang mga pagpupulong, subalit nabalitaan na lamang namin na naitakbo sa ospital ang isa mga miyembro. Dala ng sobrang pagod ay hindi na kinaya ng katawan. Pinaalam sa Pinuno, ang naging tugon lamang nya ay "ok, noted".
Dumaan muli ang isa pang araw ng mga pagpupulong at kulang pa ang mga papeles. Pinilit tapusin ng miyembro ang mga papeles kahit na dapat na siyang nagpapahinga. Ang mga salitang binibitiwan ng pinuno ay puros masasamang salita sa miyembro, ganu ba kalala ang sakit at hindi nakapasok, wag daw siyang gagalitin. Pero kapag kaharap na niya ang espesyal na panauhin ay parang maamong tupa at panay ang pag-aalala sa kanyang miyemro.
Natapos ang lahat ng pagpupulong at hindi nakasama ang miyembro. Sa susunog na linggo ay magkakaroon pa sila ng pageensayo at pag-aaral na kasama pa rin ang espesyal na panauhin at ang pinuno. Hindi alam kung makakasama ang miyembro, dahil kinakailangan niya talagang makapagpahinga.
Matagal nang binalaan ang bawat miyembro sa asal na dinudulot ng pinuno nila. Subalit ngayon pa lamang nila talaga nalalaman ang totoong kahulugan ng mga babalang iyon. Hindi mo mawari kung anung pag-iisip nga ba meron ang pinunong iyon. Isang bagay lamang ang mahalaga sa kanya, ito ay ang sarili niyang dangal (kung meron man siya nito). Itinuring pa naman siyang kaibigan ng mga miyembro at pinakisamahan ng matiwasay, subalit ang isusukli pa rin niya ay malamig niyang pag-uugali.
Hanggang saan nga ba pagtitiis ng mga miyembrong ito bago magkaron ng lakas ng loob upang labanan ang pang-aapi sa kanila. Kelan nga ba magbabago ang pinunong ito, o may pagbabago nga bang magaganap?
after 2 years...
11 years ago
10 comments:
I hope everything turns out well in the end. Best of luck. =)
bakit kasi hindi na lang ikaw ang maging pinuno ginoong axel?
ano man yan, goodluck :)
@Andy >> i hope so, but for the head of the community i dont think so...
@dhyoy >> ahahaha, dami ng nagbiro nyan pero hanggang dun na lang siguro yun...
thanks...
~~ wait, i didn't say na tungkol sakin toh ah... hehehe =P
Sa susunog na linggo ay magkakaroon pa sila ng pageensayo at pag-aaral na kasama pa rin ang espesyal na panauhin at ang pinuno.
kala ko may isusunog na miyembro . lol jk :)
ayos... wala ka bang balak ipublish pag natapos mo ung chapters? :D
@Traveliztera >> yabang naman nito, tao lang po... =P
ahahaha, naku wag baka mademanda ako eh... lolz
hahaha nu ka ba... natawa lang ako kc nasa moment ako ng pag-iimagine lol hahaha ako rin naman noh hhahaha minsan nga kahit i proofread ko, meron at meron pa rin akong nammiss hahahha
ay ganon aw
hangga't may mapipisil na malambot at matigas na presidente.. may pagbabagong makakamit tiyo AXEL.. wag ka lang mawawala..
@Traveliztera >> uu, hanggang dito na lang toh... hehehe
@molestedtwineggs >> salamat!! medyo nag-nosebleed ako dun ah... hehehe
san ka nagwowork axel? nahihiwagaan ako jan sa pinuno na iyan weh,,,
@dhyoy >> ahahaha, bakit ka naman nahihiwagaan?? teka, wala naman akong sinabi na sa work ko yan ah... =P
Post a Comment