Sunday, November 1, 2009

Kumain, Mabusog at Makapag-paaral

Hindi ba't napaka-sarap kumain? Alam naman natin na ang pag-kain ang isa sa pinaka-paboritong libangan nating mga Pilipino. Minsan pa nga ay gumagastos tayo ng malaki para lang matikman ang masasarap na luto sa ating mga paboritong restaurant.Ngayon, may paraan na upang mabusog ka habang nakakatulong sa iba.

Kasama ng isang organisasyon na layong tumulong sa mga bata upang mabigyan sila ng sapat na edukasyon. Inilunsad nila ang isang programa kasama ang ilang mga piling restaurant sa Bonifacio Global City upang makakain kayo ng masasarap na pag-kain habang nagpapaaral ng bata.

Ang pangalan ng programang ito ay: "8 to Educate"

Ang programang ito ng Virlanie (non-profit organization) ay naglalayong makapagbigay ng kaalaman katuwang ang walong (8) restaurants sa Serendra at Bonifacio High Street na i-promote at suportahan ang edukasyon para sa mga kapos na kabataan.

Ang kampanyang ito ay Mula 26 ng Oktubre hanggang ika-31 ng Disyembre taong 2009.

Ang walong (8) restaurant ay may walo (8) ding tampok na putahe na kapag pinili nyong kainin, ang bahagi ng kikitain nila sa putaheng iyon ay mapupunta sa edukasyon ng mga batang ito.

  • Arama - Set Meal
  • Cav - Valhrona Chocolate Souffle Cake
  • Chelsea - Mac & Cheese Kiddie
  • Cupcakes by Sonja
  • Fu - Dimsum Platter
  • Healthy Kitchen - Monsignor James Salad
  • Sentro 1771 - Fried Chicken Cutlets, Catfish Adobo Flakes
  • Xocolat - Organic Cacao drink & can
At noong ika-29 ng Oktubre ay naging mapalad kaming makasama sa pormal na pagsisimula ng programang ito.

Una ay naghapunan kami sa Sentro 1771 at natikman namin ang masarap nilang putahe doon.

Ang aming appetizer: Sosyal na Kropek (sariling tawag ko). Bakit? Dahil sa makabagong paraan ng pagkain nito. Ito ay Kropek na may tinadtad na hipon, sibuyas, at iba pang mga gulay na sinaham pa ng masarap na salad dressing sauce.

Ang isa pa sa mga appetizer na natikman namin ay Lumpiang Tinapa (sariling tawag lang din). Ito ay prinisinta na parang isang lumpia na naglalaman ng isdang parang tinapa ang lasa, itlog na maalat, kamatis at iba pang mga gulay.



Ang pangunahing putahe para sa gabing iyon ay ang mga sumusunod:

Sinigang na Corned Beef. Masasabi kong isa to sa pinaka-masarap na sinigang na natikman ko, sabaw pa lang para ka ng nasa langit.

Fried Fish with Garlic & Olive Oil (I think)

Stir Fried Noodles

Fish with Lemon Juice (ata)

Krispy Pata (sarap ng suka nila)


Matapos ang aming hapunan at umikot kami sa apat (4) pang mga restaurants upang makita ito at matikman din ang kanilang mga handog na putahe.

Salad mula sa Healthy Kitchen




Dimsum Platter ng Fu





ArAma


Salad with Probiotics
(grabe ngayon lang ako nakakita ng ganung dressing ah, may yakult? lolz)



Burger Sanwich (hindi totoong pangalan)


Tinapos namin ang gabi sa Cav upang tumikin ng panghimagas at uminum ng wine.

Dahil hindi ako pamilyar sa mga wine, lalo na yung mga mamahalin. Ang tawag daw sa wine na ito ah Cup-C (yun kasi pagkakarinig namin eh.. lolz)
Galing daw sa South Africa ang wine na ito. Manamisnamis at hindi gaanong dry.

Isa sa mga tampok na putahe sa programa: Valhrona Chocolate Souffle Cake
(dahil sa mukhang mamahalin, nahirapan akong kainin dahil hindi ko siya alam kung panu kainin)
Masarap yung cake, hindi gaanong matamis. Yung parang korona nya ay parang toasted crepe. Yung nasa tabi nya at strawberry at pasas.



Kapag tayo ay nagawi sa bandang Serendra at Bonifacio High Street at nakaramdam tayo ng gutom, ating bisitahin ang mga restaurants na ito at subukang ang kanilang masasarap na putahe.

10 comments:

R. said...

I like that.Ü I've always an advocate of education. I strongly believe in it and how it can help a person grow & go places.

Susuportahan ko ang cause na yan. I will definitely drop by Serendra & High Street. I miss eating Sentro's Sinigang na Corned Beef.

Visual Velocity said...

Anober, bigla tuloy ako nagutom. Ehehe. :D

Traveliztera said...

Traveliztero, ikaw ba yan? Hahahhaha!


Man... I'd love to eat those... Pero once a day lang pwde? lolllll ... yummm... ang healthy and FOR A CAUSE... nice axel hahaha.

Trainer Y said...

napakagandang adhikain..
kahanga-hanga..

nagutom ako.. kaya nakakainis ka! hmp!
hehehe

Axel said...

@Russ >> yeah!! education for everyone is very essential...

Thats my first time to eat Sinigang na Corned Beef... If happen to drop by and eat, give me a ring and I can guide you there and you can also treat me for a meal also... hehehe

@Andy >> ahaha, nagutom ka ba?? kain na, pero dito sa mga resto na toh ah...

@Traveliztera >> hala! bakit naman ako naging si Traveliztero?? lolz

Ahahaha, once a day?? isama mo naman ako kapag kakain ka dun... lolz

May upcoming event pa daw, ewan ko lang kung anu pero iblog ko na lang kapag nakasama ako...

@Yanah >> uu maganda talaga, busog ka na, nakapag-paaral ka pa... kaya kain na, pero wag nyo kong kakalimutan isama ha... hehehe

Trainer Y said...

bumalik talaga ako para basahin ung reply mo sa comment ko.. at natawa ako..bakit ako natawa?
ITANONG MO!!! hahaha..
chureee adiikkk-adiikkk na naman eh..
wnays, natawa ako.. kasi para ka lang nagpplug... para ka alng nag aadvertise ng kugn ano hahaha

Golden said...

Waa! Ang layo ko naman sa mga resto na yan. But those food looks so yummy!

Axel said...

@Yanah >> ahaha, uu plugging talaga yan... lolz... Plugging na isama nyo ko kapag nagpunta kayo...

@Golden >> you should visit even one time only... its worth it...

Ed. E. said...

haha! at ako tong sinasabihan mong di nagyayaya?? :D

ayos to tol ah, busog na ang tiyan, busog pa ang... puso? nakanaman yan!

Axel said...

@ED E > biglaan lang yan, inaya lang ako nung friend ko...