Wednesday, August 5, 2009

Road Rage is Good Rage

Mukhang mapapaaga ang pag-update ko ng blog ko ngayon ah..

Ang motor ay isang napakagandang paraan ng transportasyon dahil sa itoy maliit lang at madali kang makakapunta sa lugar na gusto mong puntahan dahil kaya mong lumusot sa trapiko ng madali. Kapag gamit mo ito ay sarap sa pakiramdam dahil ramdam na ramdam mo ang simoy ng hangin (wag nga lang yung polusyon). May mga mabibilis din na mga motor na kalamitang ginagamit sa karera at meron din sa bundok.

Itong sasakyan na ito ay naging popular sa ating bansa lalo na ngayon krisis at sa pagmamahal ng gasolina. Lubhang popular din ang sasakyan na ito lalo na sa mga mahihirap na bansa gaya ng india, thailand at sa iba pang mga bansa.

Dahil sa kakulangan na rin sa tamang edukasyon sa paggamit nito at sa batas trapiko ay maraming mga driver ng mga motor na ito ang nadidisgrasya. Kalimitan sa mga motor na ito ay sangkot din sa maraming aksidente sa daan.

Sa araw-araw na nakikita ko sa balita at sa kalsada madalas kong makita ang mga driver ng mga motor na ito na basta-basta na lamang inuunahan ang mga sasakyan sa harapan nila, aabenta kahit na pula ang "traffic light", may mga sumisingit sa trapiko, gumigitna sa daan kahit na ang liit lang nila at ang bagal ng takbo nila at napakarami pang iba. Simula nang masaksihan ko ang mga bagay na ito ay unti-unti kong kinaiinisan ang mga ganitong klase ng driver dahil nagiging sagabal sila sa ibang mga motorista sa daan. Sapat nang mainis ka sa mga balahurang jeep at mga tarantadong mga bus driver ay dadagdag pa ang mga ito sa listahan mo ng mga kinaiinisan.

Isang gabi habang kasama ko ang aking mga kaibigan upang magtungo sa Music 21 sa may Jupiter St. sa may Makati ay nasangkot ang aking sasakyan sa isang aksidente sa isang motor. Galing akong Makati Ave. upang lumiko papuntang Jupiter subalit bawal ang kumaliwa ay naisipan kong kumanan patungong Paseo de Roxas at dahil na rin sa bawal ang mag U-Turn doon ay medyo umaabante pa ko ng bahagya upang mag U-Turn. Nang makita kong maluwang na ang aking likuran at nakaabante na ko ng konti paliko habang sinisilip ang mga kasalubong, ako ay umabante na upang mag U-Turn nang biglang sumalpok ang isang motor sa kaliwang bahagi ng harapan ng aking sasakyan. Sa lakas ng pagkabangga niya sa akin ay tumilapon ang driver mga limang talampakan papalayo sa bandang unahan. Ako naman ay dali-daling bumaba upang tignan ang driver ng motor. Akala ko ay nawalan na siya ng malay dahil mga sampung segundo rin siyang hindi dumidilat hanggang sa mahimasmasan na siya.

Nagdatingan na ang mga MAPSA (traffic pulis ng Makati), tinignan ang nangyari at tumawag ng ambulansya. Nang dumating na sila ay noon ko lang napansin na natanggal pala ang "signal light" sa kaliwa ng aking sasakyan. Kinuha ang mga lisensya namin ng mga taga MAPSA. Kung titignan daw ay ako ang nasa mali dahil bawal daw mag U-Turn doon pero dahil ang lisensya pala ng driver ng motor (itago na lang natin sa pangalang Jason) ay "Student Permit" siya ang magiging liable daw sa nangyaring aksidente.

Kami ay sinahan ng isa sa taga MAPSA sa Headquarters ng mga pulis at dinala naman sa ospital si Jason (driver ng motor). Nagbigay na ko ng aking kasulatang pahayag sa nangyari (habang gumawa ng kopya ang pulis ng aking lisensya at siningil pa ako ng Php 5.00, akalain mo nga naman ang mahal ng singil nya ah, dapat nga libre na yun ah). Dahil nasa ospital pa si Jason ay pinayuhan kami ng pulis kung gusto daw naming puntahan si Jason upang doon muna makipag-usap.

Nang dumating na kami sa Ospital ng Makati kung saan siya dinala ay hindi namin siya dinatnan dahil nasa X-Ray room pa daw siya. Nang dumating na siya ay kinamusta namin siya kung anung lagay niya, buti na lang at walang malubhang nangyari sa kanya. Lumabas ang resulta ng X-Ray ay mukha namang walang injury at susuriin na lang daw siya maya-maya, bibigyan ng gamot sa Tetanus at pain reliever. Inabot kami ng apat na oras sa ospital bago siya pinayagang makalabas ng doktor. Panay ang tingin namin kay Jason na para bang kami ang mga kasamahan niya kumpara sa mga kasamahan niyang nandoon. Kinausap ko na rin siya sa nangyari, mabait at maayos naman siyang kausap pero ang iginigiit nya ay ako ang may pagkukulang, sabi ko pag-usapan nating lahat sa prisinto paglabas mo. Nakalabas na siya at umabot sa Php 1,600 ang kanyang nagastos.

Sa prisinto ay nagbigay na rin siya ng kanyang kasulatang salaysay at kami ay pinag-usap ng pulis. Pilit pa rin niyang ginigiit na kasalanan ko, at dahil sa ayaw na rin namin parehas na huba pa ang lahat ay nagkasundo na lang kami na wag nang paratingin sa korte dahil maliit na bagay lamang ito. Dahil sa tingin naming hindi naman niya kayang bayaran ang nangyari at dahil sa naawa ako sa kalagayan niya dahil na-ospital pa siya ay sinabihan ko na lang siya na papatingin ko kung magkano ang aabutin at ipaalam ko sa kanya kung magkano ang lahat at sagutin na lang niya kung hanggang saan ang kaya niya.

Sana lang ay hindi ako takasan dahil ayon sa pulis pwede pa rin daw magsampa ng demanda ang isa sa amin, pero hindi ko na gagawin yun dahil laking abala pa.

Sa totoo lang ay mahilig din naman ako sa mga motor, pero ang gusto ko ay yung Big Bike (Honda CBR 700), kung kayat nakakainis lang na may mga iresponsableng driver talaga.

Gusto ko nga pa lang magpasalamat kay Meeko, Greenpinoy at Pampoy (wala siyang choice eh) na dinamayan ako sa buong pangyayaring iyon.

Ang "Road Rage is Good Rage" nga pala ay galing kay Greenpinoy kaya hihiramin ko muna ang kanyang nakakatuwang linya dahil siya mismo ay inis din sa mga driver ng mga motor at yan daw best na feeling sa lahat kapag nakikita niya ang mga yun at mga pasaway na driver. Ang sarap din tuloy isipin ang katagang "Road Kill" ni Ayzprincess sa mga ganitong sitwasyon.

Gaya nga ng sabi ni John Lloyd Cruz sa commercial nya "Ingat" na lang tayo sa kalsada lalo na sa mga may sasakyan diyan.

Monday, August 3, 2009

Masaya Ka Ba???

Madalas tayong natatanong ng ating mga kaibigan, kakilala o kamag-anak ng "Kamusta ka na?" at ang kadalasang sagot natin ay "Ok Lang", "Ayus naman" at kung anu-ano pa. Napaka daling sagutin ng tanung na ito dahil madali mong naitatago ang tunay mong nararamdaman o saloobin.

Pero kapag tinanong ka na pala ng "Masaya Ka Ba?" o "Are You Happy?" Ay napaka-hirap sagutin ng basta-basta lalo na kung magpapalusot ka. Hindi mo naman pwedeng isagot ang "Ok Lang" o "Ayus Lang" dahil ang layo ng sagot mo sa tanong na ito.


Nabanggit ko ito dahil ilang beses din akong natanong ng ganito nitong mga nakaraang araw at lalo na dahil sa bday ko ngayon (shhhhh). Babatiin ka nila ng Happy Birthday, syempre andyan ang word na "Happy". Totoo nga ba namang Happy ka ngayon kaarawan mo? Buti na lang ng tanungin ako nito ng ilang mga kaibigan ko ay Masaya naman ako talaga kahit papano. At eto ang ilang dahilan kung bakit:

1. Ngayong Aug.3, hindi ako pumasok sa work ko dahil gusto kong magpahinga at magkaron ng quality time para sa sarili ko kaya masaya na rin ako dahil walang stress sa buhay ko ngayon.


2. Noong Aug.2, kasama kong nag-dinner ang pamilya ko kahit kulang ng isa. Wala yung bunso namin. Konting salo-salo lang sa Tempura sa Banawe Q.C.


3. Noong Aug.1, ginanap ko ang akin Bday Celebration kasabay ni Jolina (yung bagyo). Kainis nga eh sumabay pa ang malakas na bagyo. Kung kayat nagkaron ng palusot ang mga hindi nagsidating nung bday celebration ko. lolz! Pero masaya pa rin dahil nakadalo naman yung ibang mga kaibigan ko.

At naghanda ako ng mga sumusunod:

PANCIT CANTON BIHON

AFRITADA

STEAMED GARLIC TILAPIA

GINATAANG MANOK

4. Noong July 31, ang pinaka nagpasaya sakin ay ng makita ko ang aking Crush na si Maja Salvador. Friday night at nagdinner kami ng mga officemates ko sa TGIF sa Bonifacio High Street ng makita kong dumaan sa harap ko ang isang napaka gandang babae, si MAJA!! Sabi ko sa officemate ko na babae, kapag dumaan uli tanungin kung pwedeng magpakuha ng picture.

Nung una ay umiling siya at akong nadismaya, pero nagbibiro lang pala siya at lumapit naman siya agad sakin. Laking gulat ko ng siya pa mismo ang umakbay sakin. Napaka bait nya talaga at pinagbigyan nya kong makapagpakuha ng litrato sa kanya pati ang mga kasamahan ko nung gabi na yun. Napasaya nya ako ng husto nung gabi na yun at abot langit ang mga ngiti ko sa mukha.

Waiting pala sila ng seats noon at nung nakakuha na sila ng seats nila. Napadaan siya uli sa table namin at binati nya pa ko ng Happy Birthday!!! Kung tutuusin ang ibang mga celebrity hindi na siguro ako papansinin uli dahil nakapagpakuha na ko ng litrato pero siya binati nya pa ko talaga. Laglag ang puso ko at parang na-INLOVE na ko ng husto sa kanya. Isang magandang babae at mabuting kalooban. Aasahan kong muli na kamiy magkita.

Eto nga pala ang ebidensya ko, baka sabihin ninyo na gawa-gawa ko lang ang lahat.

Eto pa ang close-up

Alam kong marami sa mga kaibigan ko na bloggers din ang may crush kay Maja to the point na mag-agawan kaming lahat para sa kanya. Pero eto lang masasabi ko sa inyo. Mamatay na kayo sa inggit, dahil naunahan ko na kayo sa kanya. wahahaha!! lolz!!

Alam nyo na kung sinu kayo... =P