Tatlong taon na ang nakakaraan pero simula noon ay parang wala pa rin pagbabago ang nagaganap. Pilit sinusubaybayan ang mga pagbabago na maaring maganap subalit ako'y bigo pa rin.
Mga pangyayari sa loob ng isang sistema, sa loob ng isang maliit na komunidad at sa loob ng isang samahan na wala namang direktang relasyon sa isa't isa: Buhay Trabaho.
Magkakaron ng isang malaking pagbabago sa loob ng isang sistema na hindi pa talaga naisasaayos kung ikukumpara sa mundong ginagalawan. Naatasang maging miyembro ng mga hurado upang siguraduhing maging maayos ang lahat kahit na ikaw ay isa lamang sa maliliit na mga tauhan. Sa akalang suportado ka ng taong sumasaklaw sayo subalit bigo.
Ang proseso na ginagawan ng tamang direksyon ay hindi naman talaga dapat sa'yo at wala kang sapat na kaalaman para dito na ang higit na nakaalam ay ang taong sumasaklaw sa inyong maliit na samahan. Kinausap isang linggo bago ang konsultasyon para mapag-aralan ang iyong nilikha subalit hindi pa rin nagawang pag-aralan. Dumating ang takdang araw, dumating na lang at napansing andyan na ang mga taga subaybay at ikay tinawag, akala mo ay may sagot ng hain sayo subalit bigo pa rin. Inatasan na makipag-usap sa kasamahang pantay lamang ang kaalaman sa sistemang kinagisnan.
Nauwi na lamang sa pagkukusang loob na sumangguni sa mga taga subaybay at hingin ang kanilang payo. Kalahating araw na pagsasaayos at sa awa naman ay natapos din ang isang magulong sistema.
Kapag naisaayos na ang lahat ng ito, ay siyang magiging batayan ng buong sistema at dapat na sundin. Kung sakaling masulyapan ang kamalian sa sistema, ang gumawa ang siyang tatanungin. Subalit bakit naman ang taga-gawa ang masasalang sa interogasyon na ito kung siya ay napag-utusan lamang taong nararapat na may akda ng sistemang kanyang ginagalawan. Kung dumating man ang araw na iyon, walang atubiling ibabaling ang lahat sa taong nararapat na may nag-aari nito.
Kung akala mo ay laro lang ang lahat ng ito at hindi mo gagawin ang iyong parte, ay magisip-isip dahil sa araw na iyon walang ligtas ang sinu man. Kung ang dahilan mo ay marami kang gawain, isang kang baliw! Dahil hindi nauubos ang ating gawain sa araw-araw, ito'y mauubos na lamang sa araw na tayoy wala na sistemang ito. Pagsasaayos ng iyong oras at pagtugon sa may importansya ang kailangan, isa ka pa namang namumuno pero hindi ka makapagbigay ng tamang halimbawa sa mga nasasakupan mo. Isa ka talagang malaking kamalian sa sistemang ito.
after 2 years...
11 years ago
9 comments:
Sadyang malalim ang post na ito. Mejo nakaka-relate ako sa yo. Magulo rin sa opisinang pinapasukan ko. Hindi magka-intindihan ang mga tao; kanya-kanya kung kumilos.
parang ung buong pinas lang e noh...
may kinalaman ba toh dun sa status mo dati sa facebook?
@Andy >> oo nga eh, iba talaga actually takbo ng utak nung nakakataas eh... Minsan feeling ko kay sayad sa ulo eh...
@Traveliztera >> alin dun?? hindi ko na maalala eh.. hehehe
hmmmm... intriguiging... pwede gamitin sa iba't-ibanh sitwasyon. Sa paaralan, at trabaho sa bahay, sa bansa... magaling-magaling!
@dhyoy >> korek!! nangyayari din talaga yan sa maraming sirkulasyon natin sa buhay...
abangan nyo chapter 2... lolz
ok abangan ko... *wink*
Ahahaha, sige... lolz
asa na yung chapter 2?
@dhyoy >> eto na po... excited ah... hehehe... hirap mag-abang ng mangyayaring magandang isulat eh...
Post a Comment