Wednesday, June 17, 2009

Kainan sa Dalampasigan

Matapos ang isang nakakapagod na bakasyon namin sa Matabungkay Beach Resort kasama ko sila Ayz, Greenpinoy, Lethalverses, Chroneicon, Kidlat at Damdam kami ay naghanap ng makakainan ng aming tanghalian dahil gutom na gutom na kaming lahat.. At sa dami ng tinuro naming mga kainan ay napadpad naman kami sa Nasugbu Batangas..

Ang galing ng mata ni Lethalverses at nakita niya ang karatulang nakalagay na "Kainan sa Dalampasigan"

Dahil sa tunog pa lang ng pangalan ay masarap na, dinayo na namin ito upang masubukan..

Eto nga pala ang itsura sa loob..



Isang maliit na chapel sa loob na mukhang peaceful naman at tahimik..



Malaki ang looban nito at mukhang medyo may kalumaan na rin at dahil nga naman sa luma na talaga siya.. Ito ang klase ng restaurant na talagang dadayuhin mo at ang kapaligiran ay napapalibutan ng iba't ibang mga puno, halaman at mga bulaklak.. Tahimik na lugar at masarap mag-relax habang kumakain..

Ang pinaka-magandang tanung ay, kung masarap ba naman ang pagkain nila??

Isang Malaking CHECK!!! at sila Ateh ba naman MAGPAPAKABOG sa kanilang mga luto..

Eto nga pala ang mga inorder namin, kung tama pa pagkakaalala ko:

> Ginataang Tilapia - panalo ang lasa, lalo na ng gata nya...
> Nilagang Bulalo - kinumpara ko sa mga natikman ko sa Tagaytay, wala sinabi sa bulalo nila... approve!!
> Lechong Kawali - ayus din ang lasa..
> Bilao (Pritong Bangus, Liempo, Mangga at Talong) - nagustuhan ko dito yung tilapia, yung naghahalo yung alat at asim ng suka..
> Ice Tea (home made) - masarap din siya, kakaiba ang lasa kumpara mo sa mga branded
> Gulaman - panalo din ang lasa...
> Halo-halo - hindi ko natikman pero base sa mga nakatikim panalong panalo ang lasa nito

Ang resulta ng pagkain namain, bochog kaming lahat at hirap huminga na halos sing-tigas ng ulo ang mga sikmura..
Mukhang marami pang ulam na masarap tikman sa Menu nila pero sa uulitin na lang siguro.. Kung magawi man kami sa Tagaytay baka isama namin ito sa pupuntahan namin upang dayuhin..

Mairerekumenda ko talaga ang kainan na ito kung magawi man kayo sa Tagaytay, Nasugbu, Lian o Calatagan, dayuhin at para mapanuyan nyo..

Ilang beses na nga pala na-feature ang restaurant na ito sa mga dyaryo at magazines dahil sa ganda ng lugar at sarap ng luto nila.. Hindi siya bago at sobrang tagal na niya, tingin ko word of mouth lang ang maitutulong ko para maibahagi sa inyo ang sarap na kanilang luto..

16 comments:

antuken said...

yung isa kong friend dyan nag-reception. okei nga ang food. meron pang isang okei din ang food. pag nagawi kayo ng puerto galera, on the way home, meron dun sa may banay-banay (lipa) na masarap na, moomoors pa. homemade cooking talaga. treat ko kayo dun minsan. tara! hehe.

Anonymous said...

axel, hindi tilapia yung nasa bilao,,, bangus yun.. daing na bagus..

basta puntahan nyo sulit ang presyo lalaong sulit ang pag kain!!!

-damdam-

PoPoY said...

dapat axel nilagay mo yung range nung prices ng mga food para may idea kami bahahaha

sama ako sa pagpunta dito next. no? k thnx.lols

Visual Velocity said...

Sarap naman nun! Buti pa kayo nakakapag-bakasyon samantalang ako puro trabaho, hehe. Parang gusto ko na tuloy mag-file ng resignation, este leave, para naman makapag-relak-relak. =P

Kamusta naman yung panahon dun? Hindi naman maulan?

greenpinoy said...

balik tayo dyan!

Axel said...

@Antuken >> ohoi, ililibre daw tayo ni Chona... Sige i-set na natin toh... hehehe...

@Damdam >> churi naman po...

@Popoy >> parang sasama ka ah?? (unsure)...
Sila ang umorder eh, nakikain lang ako pero affordable naman talaga siya... Siguro ang range ng price ay nasa Php 100-250

@Andy >> kailangan lang talagang gawan ng paraan para makapagbakasyon... Anu po ba work mo, mag-set ka ng leave mo... Gusto mo sama ka samin next na lakad namin???

@GP >> oo nga, pero si Antuken ililibre daw tayo sa ibang place dun na lang muna tayo... hehehe

Visual Velocity said...

I work for a French-owned English learning company in Eastwood. Part ako ng monitoring team (QA). Tama ka, pagpla-planohan ko na yung leave ko, baka July o August. Dami kasing trabaho kaya palaging nauudlot yung pagbabakasyon ko, hehe.

Axel said...

@Andy >> ahhh, so pang-gabi ka pala??
Nagagawi kami dyan sa Eastwood, dyan kasi yung isa kong friend, natambay kami minsan dun sa Eastwood Mall yung bago...

Sige, planuhin mo na...

The Gasoline Dude™ said...

Bakit walang pictures ang mga pagkain?

Axel said...

@Gasul >> ahaha, buti may nakapansin... Dahil sa gutom at sarap ng pagkain wala ng kumuha ng pictures ng food nilantakan namin agad...

PoPoY said...

hanubanaman axel. sasama naman ako basta m ay pera. mahirap gumala ng walang pera. (doh)

Axel said...

@popoy >> ay sose!! talaga lang ah...

ToxicEyeliner said...

dyan kmi last time a

Axel said...

@Toxic >> kelan yun??? Hindi ka naman nag-aaya eh... hmpf!!

Random Student said...

ganda ng entrance. reminds me of villas in my lola's street. oo nga, walang food shots.

Axel said...

@Random >> sorry, sa gutom namin hindi ko na nakunan yung mga foods...
Naks, may villas pala kayo ah...