skip to main |
skip to sidebar
Who are the Angels and Demons??
Sa tingin ko naman ay halos lahat tayo ay naging familiar na sa librong ito ni Dan Brown... Kung hindi ay "shomod" ka na lang dyan... Anyway! Naging controbersyal din ang libro na ito dahil sa parang may mga mali daw na mensaheng pinaparating ang aklat na ito sa mga Katoliko... Kung kaya naman ay ang daming batikos ang inabot ng aklat na ito mula sa Simabahang Katoliko gaya ng isa pa nyang aklat na "The Da Vinci Code"...
Hindi nagustuhan umano ng Simabahang Katoliko ang ibang mga nilalaman ng aklat tungkol sa mga Conspiracy Theories at kung anu-ano pa...
Gaya ng Da Vinci Code na nagkaron ng Movie adaptation ay meron na ring Movie ang Angels and Demons na mas naunang aklat... Noong Linggo lang ay pinalad akong mapanood ang movie na ito dahil sa pangungunsensya sakin nila Chroneicon, Lethalverses at Damdam... Yung 10:30pm movie sana ang mapapanood namin at dahil may pasok ako kinabukasan ay medyo nahiya naman sila sakin, pero panay ang parinig sakin... Tae Kayo!!! Pero dahil gusto ko rin mapanood ito ay napalitan akong panoorin namin ang last full show na 11:30pm...
Yung mga nakapanood ng Da Vinci Code ay hindi daw nagandahan sa movie nito kumpara sa aklat, pero gaya ng ibang book to movies, mahirap nga namang iparehas talaga lahat... Kung kayat hindi ako sigurado kung maganda ang kalalabasan ng movie ng Angels and Demons... At dahil sa noon pa ay sinubukan kong basahin ang aklat na ito, may tatlong taon na ang nakakaraan ay sa kasipagan ko ay nasa Chapter 50 pa rin ako... Lolz!
Pero sa bahagi ng nabasa ko sa ipinalabas sa movie masasabi kong may mga konting changes lang sa story pero kung pagbabasihan ko ang pagkakagawa sa movie ay maganda siya... Walang boring na scenes sa kanya... Dahil sa mahilig ako sa mga mysteries ay nagustuhan ko kung pano ka papaisipin... Ang mga exciting scenes nito gaya ng mga habulan at pag-solve ng mga riddles "Path to Illumination" ayon kay Galileo nung sinaunang panahon... At ang pinaka mahirap na part sa lahat para sa akin ay hulaan kung sinu ang master mind ng lahat ng iyon...
Kung kaya't ang masasabi ko lang ay maganda talaga ang movie na ito at highly recommended ko na panoorin nyo... Kung Dan Brown fan ka man, wag mo na lang muna isipin kung paano siya naiba sa aklat, gamitin mo na lang ang imahinasyon mo kung pano binigyang buhay ni Director Ron Howard ang aklat sa kanyang pelikula...
Sa ibang aspeto naman ng istorya, masasabi kong mas naapreciate ko ang pagiging Kristiyano ko lalo ng mapanood ko ito... Dahil, mapapatunayan mo talaga na tao lang tayong lahat, may nagkakasala at mga nagkakamali maging anu man ang estado natin sa buhay o anuman ang ginagampanan natin sa ating mundo... Ang dapat ay tanggapin natin ang ating mga pagkakamali at matuto sa mga ito at simulang baguhin ang ating mga sarili...
Isa ko pang nagustuhan ay kahit na pinigilan ng Vatican na mag-film si Ron Howard sa Vatican ay naipakita niya ang kagandahan ng Vatican Rome... Remake lang ang set na ginawa nya upang maituloy lamang ang movie... Ngayon ay parang gusto kong isama sa listahan ng mga bansang pupuntahan ang Vatican Rome...
Sa movie lang na yun nakita kung gaano kaganda ang Vatican... Pagkakataon ko rin ito upang mas maramdaman ang aking pagiging Katoliko....
16 comments:
hindi ko pa napapanuod yan...
:(
pero gusto ko..
yun kaseng friendship na manlilibre saken hehehehe eh hindi umubra ang sked.. hehehe
nagpaliwanag ba ko?! hahaha..
sorry..
pa edit naman poh ng url ko sa blogroll mo... salamats
Mali ba yung URL mo sa blogroll ko??
Buti ka pa nga libre eh, ako napilitan lang... hehehe, buti na lang hindi na sila nagblog-hop at hindi sila nagagawi sa blog ko...
Tama ka, mahirap talaga isa-pelikula ang isang libro.
Hindi ko pa pala ito napapanood, pati yung Da Vinci code. Balita ko part ng cast ng Angels and Demons si Ewan McGregor. Gusto ko si McGregor pero mejo irita ako kay Tom Hanks, ehehe. Ito siguro yung dahilan kaya hanggang ngayon hindi ko mapilit yung sarili ko na manood ng Angels and Demons. =P
Hindi ko kilala si McGregor eh...
Bakit ka naman iritable kay Tom Hanks??
di ko pa napapanood. kasi naman naudlot. hindi daw maganda pero panonoorin ko pa rin
Nung umpisahan ko yung book na basahin parang tinamad ako kasi puro chemistry at physics ang nibabanggit... nagnonosebleed ako, pero pinagtyagaan ko naman and hindi ko na tinantanan...
May movie na pala and ipinalabas na... bakit hindi ko alam hahaha...
sana mapanood ko rin...
:)
buti ka nga umabot ng chapter 50. yung da vinci code nga chapter one pa lang ako tinamad pa ko tapusin, ahahahahaha!
napanood ko na din yan, naguguluhan ako nung unang part kasi di ko naman talaga alam ang kwento pero naintindihan ko din nung medyo gitna na, ahahahaha! ang slow lang. maganda nga yan, kahit hindi ako mahilig sa mga ganyang movie.
@Joshy >> ganun, sinu may sabing hindi maganda?? nabasa nya na ba yung book???
@Joyo >> nyahaha, san ka galing ate bakit hindi mo alam na may movie na siya... try mong panoorin para compare mo sa book, ofcourse hirap icompare pa rin...
@Cha >> yun nga kinaganda sa kanya kung hindi mo pa nababasa yung book eh... Pag-iisipin ka nung director sa story ng movie eh...
pansin kong naiba, dapat namatay laht ng 4 cardinals?
oh well, exciting pa din at mabilis ang phasing unlike davinci.. :D
@Chyng >> sa book ba namatay lahat ng cardinals?? Hmmm, happy ending ata gusto nila eh...
Yeah, fast phased nga yung movie kaya maganda na rin siya...
ako, di ako familiar sa novel niya.
pero familiar ako sa iluminati, new world order, at iba pang mga conspiracy theories.
@Curbside >> interesting nga ang mga conspiracy theories...
napanood ko na axel...
mas maganda yung book.. ;)
@dhyoy >> ahahaha, ganun ba...
Tingin ko nga rin mas maganda yung book kahit hindi ko siya natapos...
i was lucky to have read this first before the da vinci. ako, mas gusto ko to kesa sa da vinci e. pero, as usual, the movie's not as good as the book. hehe.
@Antuken >> Sige na nga, tapusin ko na nga yung Angels and Demons na book... hehehe...
Post a Comment