Pano mo nga ba sosorpresahin ang isang taong minamahal mo?? Lalo na at nabigyan ka na nya ng isang malupit sorpresa dati…
Sa dami na ng mga gimik ng karamihan upang sorpresahin ang mga mahal nila sa buhay ay ang hirap ng makaisip ng paraan pa na kakaiba upang manorpresa pa… Kung kaya’t nung ako naman ang manonorpresa ay hinayaan ko na lang biglaang magbigay nito ng wala halos na paghahanda (go with the flow) upang mas maging maganda ang sorpresa ko…Humingi din pala ako ng payo sa isang kaibigan at malupit na blogger na si Leyn sa kanyang blog at kahit papano ay nakatulong ito sa aking mga plano… Salamat nga rin pala sa mga kaibigan kong Greenies na nagpadala ng kanilang mga suhestiyon…
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinabihan ako ng kaibigan kong si Greenpinoy tungkol sa isang promotion ng kanilang cliente sa Toblerone (salamat nga pala dito parekoy!). Magpapadala ka lamang daw ng isang video ng sarili mo na nagpapahiwatig ng pasasalamat sa isang tao kung kaya’t ako ay nagpadala ng aking video…
At eto ang video na yun na nagging unang sorpresa ko sa kanya… Nakakahiya man pero pagpasensyahan nyo na... hehehe...
Sa dami na ng mga gimik ng karamihan upang sorpresahin ang mga mahal nila sa buhay ay ang hirap ng makaisip ng paraan pa na kakaiba upang manorpresa pa… Kung kaya’t nung ako naman ang manonorpresa ay hinayaan ko na lang biglaang magbigay nito ng wala halos na paghahanda (go with the flow) upang mas maging maganda ang sorpresa ko…Humingi din pala ako ng payo sa isang kaibigan at malupit na blogger na si Leyn sa kanyang blog at kahit papano ay nakatulong ito sa aking mga plano… Salamat nga rin pala sa mga kaibigan kong Greenies na nagpadala ng kanilang mga suhestiyon…
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinabihan ako ng kaibigan kong si Greenpinoy tungkol sa isang promotion ng kanilang cliente sa Toblerone (salamat nga pala dito parekoy!). Magpapadala ka lamang daw ng isang video ng sarili mo na nagpapahiwatig ng pasasalamat sa isang tao kung kaya’t ako ay nagpadala ng aking video…
At eto ang video na yun na nagging unang sorpresa ko sa kanya… Nakakahiya man pero pagpasensyahan nyo na... hehehe...
Pinalabas nga pala ang video na ito sa Bonifacio High Street sa The Fort at sa Greenbelt 3 nung Nov. 21, 2008. At nakasama ko ang ilang mga Greenies gaya nila Lethalverses, Cyber Lola, Xman, Kuletz at Ayzprincess.
At nang mag-overnight ang Mahal ko at ang kanyang pamilya sa Hyatt Hotel sa Malate, Manila upang ipagdiwang ang kanyang kaawaran ay nakaisip ako ng isang magandang sorpresa pero hindi naman bago… Hindi nga pala ako nakasama dito dahil Quality Time nya yun sa pamilya nya at may trabaho kasi ako kung kayat naisipan ko na lang na magpadala ng Bulaklak sa kanilang room… Subalit sa hindi nanamang inaasahang pagkakataon, nang dalin ng nagdedeliver ang bulaklak ay nasa restaurant pa pala sila at kumakain kung kayat iniwan ang bulaklak sa Concierge ng hotel… Nang makarating na sila sa kwarto nila ay tinawagan ang Mahal ko at sinabing may bulaklak daw siya sa baba… Inakala naman ng Mahal ko na galling ito sa hotel mismo at natuwa naman daw siya ng malaman niyang galing ito sa akin…
Naging challenge sa akin ang pangatlo kong sorpresa dahil sa binigyan ako ng Mahal ko ng isang malupit na Christmas gift (advanced daw) na iPod Touch… Syet!! Thank you talaga Mahal Ko… Ngayon ay hindi ko alam kung magugustuhan niya ang regalo ko na pinaghandaan ko rin talaga kahit papano…
Isang bagong relo na kasama sa kanyang wishlist na binigay niya sa akin, kung eto ang aking naging regalo sa kanyang kaarawan…
Sa sumunod na araw ay nagtungo kami sa Batangas na dalawa para sa aming Quality Time naman na dalawa… Gusto kong maging kakaiba ang kanyang bday at bigyan siya ng kakaibang experience kung kaya’t nagpunta kami sa Lago de Oro sa Calatagan Batangas kung saan sikat ang lugar na ito sa Wake Boarding…
Para sa akin ay kakaibang experience din ito at Masaya pero sige aaminin ko, tinalo nya ako pagdating sa wake boarding dahil naka-dalawang turn siya subalit ako ay hanggang isa lang…
Matapos sa Batangas ay umuwi na kami pero dumaan muna kami sa Tagaytay upang kumain ng hapunan sa Leslie’s dahil sa hindi pa siya nakakain dito at isa ito sa mga gusto nyang subukan kainan…
At nagkape sa Starbucks para sa dalawang natitirang sticker para sa kanyang Starbucks 2009 Planner...
At isa pang sorpresa ko sa kanya ay aking bagong hair style na kahit hindi ganun kayos tignan sa trabaho ay ginawa ko pa rin dahil uli sa kanyang hiling…
Ano naman kaya gagawin ko sa susunod…
Ano naman kaya gagawin ko sa susunod…
18 comments:
ang sweat este sweet naman ahihihi
napaka-sweet naman!!!
kakamiss ang may BF!
aaawwww....
gusto ko rin ng ganyang date.
sandali nga, bat di yata kayo nag yoga? lol.
awwww. ang landi hahaha.lols
congrats at mukhang tuwang tuwa naman si paula sa surprises mo. galing!
ha ha na inspire din akong mang sorpresa ha ha
all the best sa inyong dalawa!
wow, katam-is! (sweet, hehehe)
parang ginaya ko lang mga comment nila, ahahahaha!
parang nakakapanibago kang makitang wala yung makapal mong buhok.
wooow how sweet naman talaga ni pareng axelis...
idol!!!
regards kay paola...
@ yanah >> ahahaha... sweaty... lolz
@ Goddess >> ganun, hanap ka kasi dyan...
@ Leyn >> ahahaha... wala kaming makitang yoga class eh... Ayain mo kasi si Don Romantiko... hehehe
@ Popoy >> lumandi ka na rin... lolz... Salamat na rin sa mga suhestiyon nyo...
@ Abou >> salamat bro... Go lang, try mo din...
@ Princesscha >> ahahaha, ganun ba... Pinaputol ko na kasi yun...
maging sweet ka rin kasi...
@ Lethalverses >> sweet ka rin naman pareng LV eh...
Sakin nga lang... hihihi
Wow, panalo ang iPod touch! Whew.
I have that fossil watch also (diff style but same chrome color), and the price is not even half of the iPod! hehehe
Sweetness, anniversary ba to?
Hinanap ko pa talaga yung fossil watch ko! haha
http://enricodl.blogspot.com/2008/07/10-things-she-hate-daw-about-me.html
Check mo ha. I love it when men blog about thier girlfriends! ;)
@Chyng >> sorry naman, yun lang kinaya ng budget ko eh... We'll on this case half the price naman ata yung bigay ko, dahil mura lang din nya nabili yung iTouch eh...
I saw yours, yeah! different style nga lang siya...
No, its just here 25th Bday (Silver Bday), kaya dapat medyo special... Mas special yung Anniversary gift ko sa kanya... Nabili ko na early this year pa lang... Naku baka mabasa nya, sayang ang surprise ko... hehehe...
BF mo ba yung nasa blog na yun??
Actually I dont want to be all mushy sa blog, but this is a special case eh... hehehe...
naka naman.. dapat pala di ko binista to.. lalo ko lang tuloy napansin na malamig ang pasko ko.. haha
olats ako pagdating sa pagpaplano ng sorpresa.. lagi akong nabubuko... tsk...
@ Ferbert >> ahahaha, walang problema yun... Magpainit ka na lang... Andyan naman si Maria eh... lolz
Malamig din yung akin kasi nasa Singapore GF ku... hehehe...
@ JoShMaRie >> ahahaha, ganun ba... Hindi ka ba magaling magpretend?? Try ka lang ng try, siguro yung mga sorprise na lang na hindi masyadong expected na gawin para hindi madaling mahalata...
merry xmas sayo... :)
magpapahinga muna ako. :)
HOOOY WALA PA BANG UPDATE!!!!!!!!!!
awwwww.... ang sweet naman.... :( huhuhuhuhu.. naiinggit ako... ang pinaka matinding sorpresa lang natanggap ko sa mahal kong teddy babuy ay isang katawang kumikinang sa langis at sangkatutak na whipped cream and bananasplit... aaaay... let's not go there... hehehehe...
anyway, gusto kong i try niyan... kaso, fossil watch? ipod touch? Nakow! isang taong upa ko na yan sa dormitoryong tinitirhan ko sa katips...
@Joshmarie >> Merry Christmas din po sayo... =)
@LV >> churi naman bossing, busy lang sa work ngayon...
@Urban Princess >> huwaw!!! Ok naman ata yung sorpresa mo eh, hindi siya material stuff pero memorable yan... hehehe...
Yung fossil watch naman ay credit card yun kaya ok lang, 6 months to pay... hehehe... Pati yung iTouch credit card din daw yun... Its nice to give something medyo pricy din sa mahal natin...
Post a Comment