Dahil sa may nag-tag nanaman sakin na si yanah, mapipilitan uli ako na magsulat. Inaamag na daw blog ko sabi ni princesscha, churi naman poh naging busy lang sa work.
1. Mahilig akong Dumighay >> sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay lagi na lang ako dighay ng dighay. Kahit hindi pa ko kumakain ay napapadighay na ko at kahit nasa kalagitnaan ng pagkain napapadighay na ko. Pero hindi pa naman ako busog kahit na madighay ako. At kayak o rin dumighay ng kusa at paulit-ulit. Talent ko nga ata toh eh.
2. Kaya kong kumain ng sinigang (baboy, hipon o bangus) na may kasamang hotdog at itlog o cornedbeef >> ganyan siguro talaga kapag matakaw ka.
3. Malakas bumahing >> kapag bumahing ako kala mo sasama na pati utak ko at lamang loob. At kadalasan ang bahing ko ay hindi lang isang beses ang record ko ay pito (7) na sunod-sunod na bahing.
Weird nga ba tong mga bagay na to, para sakin normal lang to eh. Kung kayat wag na lang kayo magugulat o magtaka kapag nakita nyo kong ganyan. Hehehe.
after 2 years...
11 years ago
16 comments:
sobra naman si cha..di pa naman inaamag! mga ugat pa lang ang nakikita ko eh!
hahaha ang sarap ngang dumighay after ng pagkain,pero alam mo ba na dito eh umutot ka na ng malakas sa harap ng ibang tao wag ka lang dumighay ng may tunog at yun ang kabastusan para sa kanila!
Kaya kong kumain ng sinigang (baboy, hipon o bangus) na may kasamang hotdog at itlog o cornedbeef-ANG WEIRD NITO KUYA. :) hehe.
nakalimutan mong ilagay na mahilig ka ring dumighay sa loob ng elevator. lol
ooy, di ko sinabing inaamag na blog mo. sabi ko may agiw lang! magkaiba yun! ahahahaha!
baka naman puro hangin katawan mo kaya dighay ka ng dighay. dyspepsia yan!! mag-mutilium ka! ahahahahah! di ko lam tamang spelling ng dyspepsia eh, ahahahaha!
@ Pokw4ng >> hala ganun ba?? San ka ba?? May narinig na nga akong ganyan...
Ahaha, inuugat na ba?? Wala pa namang spider webs???
@ Joshmarie >> ahehehe, uu nga eh... Ganyan talaga kapag masiba ka, kahit anung halo kakainin mo...
@ Pampoy >> ahaha, once pa lang naman yun... Buti nga hindi ako umutot nun eh... lolz...
@ Princesscha >> oo nga eh, tingin ko nga puro hangin at kabag yung tiyan ko eh...
Ayan ah may bagong post na ko ah, meron uli ako ipopost... =p
ayokong tumabi kay axel kapag humatsing. mahirap nang matalsikan ng utak. lols
'Yung mga buhok mo sa dibdib ala-Sergio eh hindi pa ba kababalaghan 'yun? *LOLz*
natawa ko sa dighay. ako naman sinukin! haha and i cant control it!
tang inang yan @ sinigang na hotdog.
may kakilala din ako dito sa office namin na malakas bumahin. ung tipong pag bumahin un magtatago ung cursor sa computer namin at di magpapakita ng isang oras. ha ha ha. ;)
penge naman ng recipe ng sinigang na corned beep o hotdog. ha ha
@ Popoy >> ayaw mo nun, mababahagian kita ng aking utak?? hehehe...
@ Gasul >> Tae ka!! Hindi ko nga nilalagay eh, secret pa yun... Mas kababalaghan yung kalandian mo... lolz...
@ Chyng >> hahaha, sinukin ka ba?? Bakit naman?? Gulat lang katapat nyan...
@ Leyn >> hahaha, hindi naman yung hotdog ang sinigang... Sinasabay ko lang minsan sa sinigang... lolz
@ Ka bute >> ahahaha, parang ganun din ako kalakas bumahing ah... With feelings talaga at walang pake sa ibang tao sa paligid... Hehehe...
@ Abou >> ahahaha, sure...
2. Kaya kong kumain ng sinigang (baboy, hipon o bangus) na may kasamang hotdog at itlog o cornedbeef >> ganyan siguro talaga kapag matakaw ka.
== sos!! di ka niyan nauumay? well, i guess kanya kanyang trip yan. kasi ako kaya kong kumain ng saging na nilalagyan ng nutella atchaka french fries na sinasawsaw sa sundae =)
Hindi naman po ko nauumay, laking tulong ng sabaw eh... hehehe
Ay gusto ko yan, sundae ang french fries... Ginagawa ko rin yun...
Hindi ko alam yung nutella eh... hehehe
axel, walang koneksyon sa entry mo 'tong comment ko...pakisabi lang ke paula your lablayp na binabati ko sya ng masayang hapi berdey.hihih:)
@ womanwarrior >> hi lola, thank you po sa greetings.. sana po maka sama ko kay ulit.. paki batukan nalang po si mahal kung makulit minsan hehehe... mabait po yan - minsan lang talga makulit.. ;-)
Post a Comment