Grabe eto nanaman tayo, mapipilitan nanaman akong mag-gawa ng post ko. Ok lang din kasi wala pa rin update itong site ko. Hehehe.
Pero Pam, anu ba naman to 10? Mukhang mahihirapan ako nito ah! Ok eto na nga.
Sampung Pinagmumulan ng Ngiti
1. Syempre ang makita at makasama at Mahal ko sa buhay, ang aking GF na nasa Singapore. At masayang masaya ako kapag umuuwi siya dito o kapag pinupuntahan ko siya dun. Masaya talagang makita at makasama ang Mahal mo sa buhay.
2. Dati Masaya talaga ako kapag namamasyal kami ng pamilya naming kung saan-saang lugar sa Pinas. Bonding time namin yun eh, dito lang kami hindi nag-aaway away magkakapatid eh. Minsan meron pa rin. Hehehe.
3. Ang isa pa sa pinaka nagpapangiti sakin ay kapag may mga bagong bagay akong natutuklasan o mga bagong lugar na napupuntahan. Hindi nga lang kita sa mga mukha ko ang ngiti pero eto ay ramdam ko sa kaloob-looban ng akin pusa. Hehehe.
4. Masarap na pagkain ay laging nagdadala ng mga ngiti sa aking mga labi. Syempre ba naman masarap na busog ka pa.
5. Makita muli ang mga kaibigan o mga kamag-anak na matagal mo ng hindi nakikita. Kay sarap balikan ang mga alaala nung madalas pa kayong magkakasama at nagkukulitan.
6. Makitang ngumiti ang ibang tao, kay sarap damayan at makihati sa ligayang kanilang nararamdaman din. Mas gusto kong nakikita ang mga ngiti ng mga matatanda (lalo na ang mga Lola) at mga baby, dahil mas mapapangiti kapag nakita mo silang ngumingiti.
7. Ang makatanggap ng regalo ay talagang nagpapangiti sakin kahit hindi rin ganun kaganda o kamahal ang bigay sakin. Pero syempre iba pa rin kung bigyan ako ng kotse, laptop, PS3 at Bahay, ayan todo ngiti talaga ako nyan. Hehehe.
8. Gustong gusto ko rin ang nakakapag-pasaya ng ibang tao, dahil ito ang ngiti sa aking puso na hindi kayang matawaran ng kahit na ano. Kapag nakakakita kasi ako ng taong malungkot at kung gusto niyang ibahagi ang kanyang mga saloobin, ako naman ay handang makinig sa kanya at pasiyahin siya sa abot ng aking makakaya.
9. Ang magawa ang mga gusto at mga pangarap ko sa buhay ay tiyak na magbibigay ng napakalaking ngiti sa aking mukha. Kung nakapasa lang sana ako sa UPCAT ay sobrang saya ko na, kaso hindi eh. Hehehe. Pero masaya na rin ako dahil maganda pa rin yung school ko nung college at nagging DL pa ko. Hehehe, lakas ng chamba ko.
10. Ibang ngiti din kapag may nakuha ka o natanggap na hindi mo inaasahan talaga. Masarap ang masorpresa dahil alam mong pinaghirapan nila yun gawin talaga para sayo.
Ngayon, alamin naman natin kung ano ang nagpapangiti kila.
11 comments:
I like #9, ang makapagpasaya ng iba. Ibang level nga yun.
2 of the simplest things that make me extremenly happy:
1. fri-dates
2. healthy body
nakakapanibago, parang malalalim ang pananalita mo dito.
tanong na lang: ikaw ba yung pic sa icon mo sa greenforums? astig ng buhok moooo!
bxta wag kau magsama ng GF mu pag nasa harap mo si mama. maiinggit un. haha!
ayos!!! ako din BAHAY gusto ko. baka ikamatay ko sa katuwaan kapag binigyan ako nyan lols.
@ Chyng >> apir tayo dyan, iba pa rin ang makapagpasaya ng ibang tao..
Gusto ko rin ng healthy body kaya, dapat maituloy ko na pag-gygym ko... and stop smoking... hehehe...
@ Princesscha >> Ang lalim ba ng mga pananalita ko?? serious mode lang... lolz...
uu aku yun, pero hindi ko tunay na buhok yun... Wag naman ganun... hehehe...
@ Xman >> ahahaha, oo nga eh... next time itatago na namin kay lowla holding hands namin... hehehe...
@ Popoy >> ahaha, sana nga may magregalo ng bahay noh... lolz
11. to know you have another day to live... :)
by the way, nakakataba ng puso ang post mo... :) smile naman diyan...
maganda ang school mo nong college?
ha haha! aba siyempre!
@ Urban Princess >> tama ka dyan, masarap malaman na may ibang araw pa na darating... Gawa ka din ng sayo...
@ KDR >> ahahaha, oo nga eh... Balita ko nga yung school mo nung college ayos din daw eh...
ang makitang nag e effort ang mahal mo para mapasaya ka. abot tenga na ang ngiti ko nyan ha ha
@ Abou >> syempre naman, walang katumbas na ngiti yun...
Post a Comment