Thursday, November 6, 2008

NDE

Dahil sa tinag ako ni Lethalverses ay wala akong choice kung hindi ang gumawa rin post. Sa totoo lang, hindi ko na maalala yung mga Near Death Experiences (NDE) ko at kung meron man siguro o kung NDE nga yun na maituturing.

Dahil nga sa hindi ko na rin masyadong maalala ang mga bagay na yun ay magiging maigsi lang siguro ang aking kwento. Hindi ko na maidetalye pa ng husto gaya ng ginawa ni Lethalverses.

**********

Pagkakaalala ko nasa 6 hanggang 8 taon na gulang na siguro ako nun. Naglalaro kami ng aking kapatid na lalake sa aming bakuran ng kung anu-ano, maghahabulan at maghaharutan. Dahil sa may nakita kaming mga sanga o tangkay ng puno ng manga ay bigla kaming nakaisip na paglaruan iyon.

Kung naalala nyo pa ang cartoon show dati sa TV (na hindi ko na maalala ang title) na panahon ng mga dinosaurs at may mga taong sumasakay dito na para lamang sasakyan o mga tangke ang mga ito. Magtataka ka nga siguro kung futuristic ang show or makaluma dahil may mga laser guns at canons na sandatang nakakabit sa mga dinosaurs na ito.

Going back sa aking kwento.

Ayun nga, naisip namin na magpanggap na mga dinosaurs gamit ang mga tangkay o sanga na para bang mga kamay o galamay ito. Todo kami sa paglalaro ng aking kapatid, at syempre dahil mas matanda siya sakin unti-unti nya akong natatalo (nagpapatalo talaga ako nun) sa parang laban naming dalawa. Ako’y paatras na naglalakad nun ng hindi ko namalayan na may bata pala akong naapakan at dumulas ang paa ko. Sa dahilang iyon ay napatalikod akong bumagsak sa isang batong upuan ng bakuran naming at tumama ang akin ulo dito ng malakas. Pano ko nalamang malakas, dahil sa nagkaron ng malaking sugat sa ulo ko.

Sa hindi paraang hindi ko mapaliwanag ay, wala akong naalalang umiyak (syempre strong ako eh) aku nun. Dinala ako sa isang clinic na hindi ko maalala kung saan at tinahi ang sugat ko sa may likod ng ulo ko.

Sa ganoong paraan masasabi ko na swerte pa rin ako na hindi talagang nabagok ang ulo ko dahil kanto ng semento yung pinagbagsakan ko.

**********

Dahil sa ako ay marunong magmaneho at nagmamaneho din ay siguradong hindi ako malayo sa disgrasya, alam din siguro ito ng kahit na sinung nagmamaneho dyan. Kahit na gano ka kagaling magmaneho o ka-ingat magmaneho, ang aksidente ay naghihintay lang na maganap.

Ako ay nasa kolehiyo pa ng mga panahong iyon siguro nasa 3rd year college na ata ako. Kami ay may subject na Philosophy kung saan ay meron kaming napaka bait na propesor. Dahil sa nalalapit na ang final exams naming, naisip nyan gawing kakaiba ang finals na ibibigay niya sa amin. Sa halip na magbigay ng isang test na aming sasagutan ay mag-outing na lang daw kami sa Pansol Laguna, at kumuha ng private resort para sa block lang namin at dun magkaron na lang ng parang oral exam (hindi yung bastos ah). Syempre share-share naman kami dun. Lahat ay natuwa at pumayag sa kanyang ideya.

Dahil sa sobrang excited ng mga tropa ko nung college ay naisipan naming mag-overnight doon sa resort kahit na half-day lang ang napag-usapan. Binayaran na lang naming yung kulang para makapag-overnight kami.

Ako ay nagdala ng sasakyan (van) para sa tropa naming nasa 7, nagkita kami sa school ng mga banding tanghali at nagtungo na kami sa Pansol Laguna. Nang makarating na kami sa private resort ay agad naming kaming nakasiyahan, nagkantahan (may videoke kasi, kaso maghulog ka pa ng 5 pesos) at nagsimula na ng inuman. Kami ay nagkasiyahan hanggang mag-umaga at wala ni isa sa amin ang natulog hanggang sa dumating pa nung umaga yung iba pa naming mga ka-block sa resort. Mayamaya naman ay dumating na aming propesor at sinumalan ang oral exam (uulitin ko, hindi yung bastos) at ng matapos na lahat ay tuloy ang kasiyahan ng lahat. Dahil sa maloko din ang propesor naming ay may dala pala siyang hard na alak upang pagsaluhan naming mga umiinum. Kahit na nakarami na kami ng inum nung gabi ay inum pa rin kami hanggang sa abutin uli kami ng gabi sa resort.

Matapos ang lahat ng kasiyahan ay panahon na upang umuwi na lahat. Dahil sa walang marunong magmaneho sa mga tropa ko at akin ang sasakyan, syempre ako uli ang magmamaneho pauwi. Kahit na marami akong nainum ay hindi naman ako nalasing at pakiramdam ko kaya ko pang magmaneho kaya tumuloy na kami sa byahe namin. Nang makarating na kami sa SLEX (South Luzon Expressway) ay dun ko na naramdaman ang pagod at puyat na ginawa namin. Nagsisimula na kong antukin at magpapikitpikit ang aking mga mata. Nung una ay gising pa ang mga pasahero ko sa likod pero kinalaunan ay mga nakatulog din ang mga mokon, buti na lang ay hindi ako tinulugan ng dalawa kong katabing tropa na babae sa harap at ng isa ko pang tropang lalake sa likod. Pilit nila akong inaaliw para lang hindi ako makatulog, magpipicture kami, iinum ako ng tubig, ngunguya ng bubble gum, hihilamusan ang mukha ko ng tubig at kung anu-ano pa. Sa awa ng diyos ay nasa may Taft na kami, hindi ko na nga lang maalala kung saan banda yun. Syempre andun na ang mga stop light at mga jeep na bigla na lang tumitigil sa gitna ng kalsada. Mga banding alas-onse na ata yun habang binabaybay naming ang Taft ay napapikit ako at naka-idlip, buti na lang ay tinapik ako ng katabi kong tropa nun at pagmulat ng mata ko ay naka-red ang stoplight at nakahinto na ang jeep sa unahan naming at bigla kong inapakan ang preno *insert sound of breaks*. Ako ay nahimasmasan at pagtingin ko ay 1-inch na lang ay babangga na kami sa jeep na nasa unahan namin.

Masasabi kong swerte pa rin talaga ako at mga katropa ko. Ibig sabihin NDE naming lahat yung pangyayaring iyon. Ang masasabi ko lang din ay natuto na ko mula noon na dapat magtira ng pang-uwi lalo na kung magmamaneho ka at wag iinum ng marami kung hindi na kaya hindi na ko magpupuyat ng walang tulog ng dalawang araw. Grabe hirap pala nun.

**********

Dalawang kwento na lang siguro ang aking ibabahagi para dito sa entry na ito. Lethalverses pasensya kung natagalan at medyo nagging busy lang ako. At dahil gaya ng sabi ni Pampoy, na-tag na ata nila lahat ng greenies ay dun na lang ako sa mga bagong greenies na may mga bagong blog site na.


Princesscha
Toyz

5 comments:

Chyng said...

Wel good for you, pero NEXT TIME baka di kna swertihin kaya pls lang dont drink and drive!

I want to share an experience at Pansol too.

We swim, drink, dance, and sing of course sa isang resort ksama lahat ng blockmates ko nung college. Come 5 am, natulog na sila sa rooms. At dahil di na ko kasya pa, i prefer na matulog sa basament - where walang aircon.

Nagising kame ng 7am, nagkakagulo. Lahat ng celfone, at bags, NINAKAW. Walang nagising kasi mga lasing.

At sympre since i stayed sa basement with 2 of my frens, KAME LANG NDE NAWALAN NG GAMIT.

Anonymous said...

waaaaah.. sana di na lang ako naligaw dito, ahahahahha! wala pa ko maisip na NDE, maingat akong bata. ahahahahaha! sige, i'll do my best. (naks) ahahahaha.

Axel said...

@ Chyng >> opo ate...lolz...
Hehehe, I think that will be the last time na magpupuyat at maglalasing ako ng ganun at magmamaneho pagkatapos...

@ princesscha >> ahahaha, kaya mo yan... ako nga din napaisip bigla ng NDE ko eh...

Anonymous said...

thank God d kayo nadisgrasya..dont drie wen u drink..

drink after u drve..

Axel said...

@ mische24 >> ahhh, so drink before i drive??? lolz...

Salamas po...