Friday, November 7, 2008

NDE - continuation

Dahil sa nabasa ko yung post ni princesscha tungkol sa paglunok niya ng piso nung bata pa siya ay bigla kong naalala yung sa akin kung saan may nalunok din ako.

Siguro nasa 8 or 9 na taong gulang ako nun, napadalaw ako nun sa bahay ng aking mga pinsan sa Ugong Valenzuela. Ang mga tito at tita ko ay nag-ayang mamasyal sa mall na hindi ko na maalala kung saan man yun. Masaya kaming nag-iikot at namimili, ang mga pinsan ko (mas matanda nga pala ako sa mga pinsan kong iyon) ay panay ang turo sa mga kung anu-anong pagkain upang ipabili sa tita ko. Dahil sa hindi naman nila ako anak, syempre kahit gusto kong magturo ay nahihiya naman ako, sabi pa nga ng tita ko "tignan nyo si Kuya Axel nyo ang bait hindi nagtuturo ng kung anu-ano". Duhhh!! Syempre shy aku eh. hehehe.

Matapos ang aming pamimili ay umalis na kami at umuwi. Habang nasa daan ay nagutom na kami (dahil gabi na nung oras na yun), tinanong ng tita ko kung saan namin gusto kumain, dahil sa batang Jollibee (Chroneicon bida ka sa kwento kong ito) ako ay yun ang sinabi naming kainan. Naisip na lang ng mga tito at tita ko na mag-drive thru na lang para mabilis ang biyahe dahil sa gabi na at ihahatid pa nila ako pauwi. Habang nasa biyahe pauwi at kinakain na namin ang aming chicken joy ay nakikipagkulitan ako sa mga pinsan ko. Kunwari ay tulog ako pero kumakain pa rin ako nung chicken ko at tuwang-tuwa naman sila sakin. Patuloy ko yung ginawa hanggang sa malapit ko ng maubos ang chicken joy ko nun ng bigla akong hindi makahinga. Ako ay nagtatalon-talon sa loob ng sasakyan at hawak-hawak ang aking lalamunan habang pinipilit kong makahinga subalit ako ay bigo. Ang mga pinsan ko sa likod ay natatakot na at silay sumisigaw na sa tito at tita ko ng mapansin na nga nila na may nangyayari nang hindi maganda sa akin. Pilit nila akong tinatanong kung anu problema sa akin, dahil sa hindi na ko makahinga ay hindi rin ako makapagsalita dahil walang hangin ang lumalabas sa bibig ko. Natataranta na rin ang tito at tita ko ng maisipan nilang huminto sa tabi at bigyan ako ng isang bote ng tubig, ito ay aking nilagok at hindi ko mainum at naisuka ko lamang. Hindi na ko makapag-isip ng maayos at siguro ilang segundo na lang ay tuluyan na kong mawawalan ng hininga ng ulitin kong uminum ng tubig mula sa bote. Sa laking galak ko ay lumuwang na aking paghinga. Matapos ang pangyayaring iyon ay pakiramdam ko talaga ay matutuluyan na talaga ako.

Matapos ang lahat ay dumeretso na kami at inihatid nila ako pauwi ng bahay ko. Pagdating namin sa bahay ay nakitang andun pala ang aking Lolo at Ninong na isang doctor. Kinuwento ng aking tita ang nangyari at agad namang tinignan ng Lolo ko ang aking lalamunan at nakita niyang merong nakabarang buto ng manok sa aking lalamunan kung kaya't nahirapan akong huminga noong panahong iyon. Sinabihan na lamang akong kumain ng prutas upang maitulak ito pababa. Matapos nun ay wala na kong nararamdamang kakaiba sa aking lalamunan.

Hindi pa diyan natatapos ang aking kalbaryo.

Nang maayos na aking pakiramdam ay pagdating ng lunes at akoy pumasok sa eskwelahan at parang normal lang ang lahat sa akin ay tuloy lang naman ang aking aktibong paglalaro. Alam naman natin na ang mga bata kapag nakarinig ng bell ng recess ay nagtatakbuhan palabas, lalo na kami dahil unahan sa tindahan upang makabili ng pagkain namin. Nang tumunog na ang bell ng recess ay agad kaming nagtakbuhan at ng medyo nakakalayo na ko sa class room namin (mga 20 meters na ata yun) ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa paghinga ko muli. Ang naisip ko agad sa mga panahong iyon ay bumalik ng class room dahil (isa akong henyo) parang ganito rin yung pakiramdam ko nung hindi ako makahinga nung isang gabi. Hindi nga ako nagkamali at habang dahan-dahan akong naglalakad pabalik ay hindi uli ako makahinga (parang may asthma o hika) at bigla na kong tumakbo paloob upang kunin ang aking water jug. Uminum ako ng tubig at naisuka ko lang uli gaya nung una, subalit inulit ko na lang hanggang sa bumuti ang aking pakiramdam. Hindi ko namalayan ay nasa loob pa pala ang aming guro at nakita niya akong hinahabol ko ang aking hininga. Agad niya ako pinasamahan sa isa kong classmate (na hindi ko na maalala kung sinu) sa school clinic dahil inakala niya na dahil sa nalipasan lang ako ng gutom. Pagdating ko sa clinic ang yun din ang akala nila kung kayat ay ikinuha nila ako ng lugaw (yes! libreng food) at pinakain sakin hanggang sa dumating ang aking sundo. Tumawag na pala sila sa bahay at pinasundo na ko (yes! uli) at akoy nakauwi na nung maayos na aking pakiramdam.

Talagang naging mapalad ako nung edad kong ito at nagpapasalamat ako kay Lord dahil dalawang beses ba namang muntik ng ma-dedbol ay nakakaligtas pa rin ako. Lesson, wag kakain ng chicken ng nakapikit. lolz!!

16 comments:

kuletz said...

axel ganyan talaga ang masamang damo, matagal mamatay... hehehe joke lang pow!!! luvyah!!!

Anonymous said...

inihingi ka ni jabi ng pass ke lord..wahahaha...

ayaw nya na sya ang magiging dahilan ng pagiging dead meat mo...

-lyzius

Anonymous said...

anakanampupung trip yan...

ampangit na headline nun if ever:

"BATANG MABUHOK, PINATAY G MANOK."

lol. it rhymed!

Anonymous said...

huwahahaha! akala ko tinik lang nakakabara sa lalamunan.

kakatawa din comment ni lethalverses (buo talaga, di pa kami close eh, wahahaha). huwahahahahaha!

Axel said...

@ Kuletz >> ahhh, gusto mo uli ng away ah... hmpf!!

Kaya nga buhay pa rin di ba?? lolz

@ Lyzius >> Siguro nga... Naku malaking balita yun, "Si Jollibee nakapatay ng isang bata"... lolz...

@ Lethalverses >> tae ka!! rhyme nga... lolz...

@ Princesscha >> yun ay isang napaka-laking tinik sa lalamunan... lolz...

Ingat ka dyan kay lethalverses, suplado yan eh... hehehe... peace...

Anonymous said...

weird.. but am very happy na naging ok ka ;-)

Axel said...

@ redchocolates >> panung weird??

gillboard said...

di kaya kasi di ka nagshare ng chicken kaya ka nagkaganun? hehehe

Axel said...

Gillboard >> ahahaha, karma ba yun??

May chicken kaming lahat nung time na yun... Katakawan lang siguro... hehehe...

Abou said...

ha ha ha masiba ka ata

PoPoY said...

ahahaha. naiimagine ko kung pano ka nabilaukan.lols

mahirap talaga yung ganyan. dpat wag ka magpanic (duh! pano kang hindi magpapanic kung hindi makahinga.lols) dahil mas mabilis at mas maraming oxygen ang kakailanganin mo, at dahil dun mauubusan ka talaga.

lesson learned: mamigay ng chicken joy. lols


optapik:

okey na ko. naipaliwanag naman sa akin ng mabuti at naiintindihan ko naman axel. oo nga pala. naisip ko din bigla yung mga sinabi mo :)

Axel said...

@ Abou >> hindi naman masyado... hehehe...

@ Popoy >> tsaka hirap talagang hindi magpanik nung edad kong yun... Kalamado pa nga ako nun especially nung 2nd time na inatake ako, naisipan ko pa talagang bumalik ng classroom...

Sige Popoy isipin mo lang... hehehe... Basta kapalan mo lang mukha mo kapag kasama mo kami...

Cutedanger said...

hahaha =D matakaw ew.. kasi nga hindi ka nag bibigay.. maswerte kaparin buhokis mahirap nga talaga ang bumara sa lalamunan yung kakainin.. halos maiyak ka pag katapos ng pangyayari.. hehehehe

Axel said...

@ Cutedanger >> Ahahaha, hindi ako madamot noh...
Maiyak-iyak talaga ako nun tsaka naghahabol ng hininga...

Anonymous said...

aw... ang lungkot niyan kuya. pero hanga naman ako sayo. hindi ko kaya ang long distance relationship! maghahanap ako ng iba! hahaha. joke lang! i admire people who can remain faithful sa kabila ng absence ng kanilang mahal. kaya saludo ako sayo. pagpatuloy mo yan.

Axel said...

@joshmarie >> hehehe, talagang pati dito nilagay mo comment mo... okies lang yun, pag-mahal mo gagawin mo talaga lahat...