Maraming mga bagay tayong inaalala at naalala. Inaalala natin kung pano tayo mamuhay sa pangaraw-araw, kung pano natin tatapusin ang mga proyekto sa eskwelahan, matapos ang mga trabaho sa opisina sa takdang panahon.
Naalala naman din natin ang mga pangyayari ng nakalipas at ang kasalukuyan. Naalala natin ang mga kaarawan ng mga kaibigan at iba pang mga taong malapit sa atin. Naalala natin ang mga gimik ng barkada. Naalala din natin ang mga bayarin natin sa kuryente, bayarin sa eskwela, sa mga credit cards at kung anu-ano pa.
Sa mga samahan naman gaya ng mga kaibigan, kapamilya o kahit na sinu pa man, hindi natin nakakalimutan ang mga magagandang pangyayari kasama sila. Hindi rin nalilimutan ang mga magagandang bagay na ginawa nila para sa atin. At ang mas masama pa ay lalong hindi natin nakakalimutan ang mga masasamang pangyayari o masasamang nagawa nila sa atin.
Pero anu ba ang madalas nating makalimutan?
Ang hindi napapansin ng nakakarami na madalas makalimutan ng isang tao ay mga "Maliliit na Bagay" (Simple Things).
Sinu nga ba ang makakapansin nito? Eh maliit nga naman, anu ba naman at pag-aaksayahan pa ng panahon.
Maaring sabihin na hindi ito maikukumpara sa mga malalaking bagay na ating nararanasan, nadarama o nakikita. Pero dapat nating isipin na sa mga "maliliit na bagay" na ito nabubuo ang mga malalaking bagay. Wala nga namang lumabas na lang o nangyari na lang bigla at itoy lumaki. Lahat ay may pinagsimulan. Ang mga malalaking negosyo ay nagsisimula sa maliit na negosyo. Ang mga malalaking halaman ay nagsimula sa isang maliit na buto. Ang pag-ibig ay nagsimula sa paghanga. Ang malalaking away ay nagsisimula sa maliliit na away.
Kailangan nating maging mapagmasid sa mga ganitong bagay. Kung ating mababalewala ang mga maliliit na bagay na ito maaring magsisi lamang tayo sa huli dahil kapag naipon ang mga maliliit na bagay na ating nakaligtaan ay maari itong maging malaking bagay. Malaking bagay na mahirap ng ibalik sa Maliit.
28 comments:
Hmmm... bigla ko na naman naalala 'yung movie ni Jennifer Aniston at Vince Vaughn. Dahil lang sa "lemons" (or apples ba 'yun?), eh nagka-leche leche na ang relasyon nila.
Teka parang alam ko yan ah...
"The Break-up" ba yun??
Yeah!! Gandang movie nga yun at maraming matutunan... Hehehe...
Teka anu ba naalala mo dun?? Yung Brazilian Cut?? hehehe...
"kapag naipon ang mga maliliit na bagay na ating nakaligtaan ay maari itong maging malaking bagay."
gusto ko tong linyang to...(parang kulangot lang...ehehehe, joke)
seriously, magandang gabay yan sa buhay...
seryoso ka rin pala minsan, xel...ahahahah...labyu!
maliliit na bagay??? e2 ba yung ATOM?? nyahahhaa
@ Lola >> Pwede rin muta... hehehe...
Seryoso po ako sa buhay Lola... Inaaway nyo lang aku lagi eh... huhuhu...
@ Kuletz >> waahh, mali... Nucleus siya... hehehe...
Hayz.. Parang napag-usapan lang natin to nung nag-dinner tayo sa Gerry's.
Alam mo na kung ano ang take ko sa topic na to (yun e kung hindi ka pa lasing nung mga panahong yon, hehehe joke).
May tama ka naman jan.
big things come in small packages...
eh ano ngayon? hahahaahhaa! may connect ba yun sa post mo? pasensya at talagang wala na ako sa tamang katinuan.
=)
@ Pampoy >> hehehe, oo nga... Inspired by our topic nung sa Gerry's tong post na to... Something na naging problem ko rin...
Oo naalala ko pa, hindi naman yun ang first time na sinabi mo yun eh...
@ Goddess >> Hahaha... Oo may connect pa naman yang sinabi mo sa post ko... Ok ka pa ba dyan??
Tama ka dyan.. maliit na bagay? dagdag narin natin ang panalangin natin sa buong may kapal..
at magbigayan tau ng gabay sa suliranin natin sa buhay..
parang sarangola lang ang connection natin kay god.. sya yung sarangola at ang connection mo tungo sa kanya eh ang tali..
tali na habang hawak mo sya e alam mong lagi sya nakagabay sau..
CuteDanger, ikaw ba yan??? Seryoso ka rin pala sa buhay. hehehe.
Tama ka rin dun, kailangan natin samahan ng panalangin ang ating mga suliranin sa buhay. Andyan lang ating Panginoon.
biktima na rin ako nang masyadong pagsasawalang-bahala sa mga "small things." hahaha.
kaya ngayon...wala nang big or small. lahat big deal.
@ Buzzing Flowerpecker >> ganun ba, kaya nga dapat ngayon ayusin na. hehehe.
Naku, wag naman big deal lahat. Laking gulo din yan.
hay..tama ka jan..may mga bagay tayong nakakalimutan at di nabibigyan ng pansin.
@ Joshmarie >> oo nga eh, kaya dapat wag natin ito kakaligtaan kahit gano pa man ito kaliit. Pero minsan hindi nga naman natin maiswasan. Kung magkaganun man, wag kakalimutang bumawi.
oo nga. appreciate ko rin ang mga little things gaya ng diamond ring, sana bigyan ako ni sarge non. ehehe nangarap na nman oh.
yung simpleng bagay tulad ng pagtimpla ng kape para sa minamahal, o pag gunita ng petsa kung kelan nyo unang nasilayan ang kapangitan ng isa't isa.. small things are often the ones that matter most in life, kasi they are actually the ones that make the big things possible.
:D
@ Utakmunggo >> Oo nga naman, basta small lang stone... hehehe...
Tama ka dun... Kaso may ibang maliit na mahirap maapreciate minsan eh... Para sa mga nagmamahalan... lolz
madaming nagagawa ng mga maliliit na bagay.. na kahit akalain mong wala lang silang kwenta pero kung tutuusin pwedeng magbago ang buhay ng isang tao dahil dito..
xoxo fafa Axel..
@ Ferbert >> Galing mo talaga fafa FB... XOXO
Wag ismolin ang maliliit... hehehe
yun lang ang gusto ko.. ang mamuhay ng simple...
hay!
tandaan na lamang natin na walang malaking bagay na nakakapuwing...
huwoooooooow!!! this, I think, is your best post so fsr... naipakita mong ang isang heartrob na axel ay tunay namang malalim at seryoso sa buhay...
@ Goddess >> yeah!! I think most of us do... But what do we really mean by simplicity??
@ Lethalverses >> tama ka dun parekoy, pero bulag ka naman kapag malaking bagay ang tumama sa mata mo... hehehe...
Tae ka!! heartrob ka dyan, si Chroneicon yun... Oo naman, tunay na seryoso ako sa buhay...
Salamas sa puri master LV... mwaahh...
wag nating kalilimutan ang maliliit na bagay dahil kadalasan, ito ang nagbibigay sa atin ng kasiyahan...
tulad na lamang ng ngiti...kelan kaba huling ngumiti sa isang stranger? kay lola sa daan? o kaya sa isang bwakanang lufet na seksing chikababes hahahaha
naaalala ko ang catch phrase ng mga commercials ng milo... "great things start from small beginnings"...
wala lang... napaisip lang tuloy ako...
dahil sa mga little things na yan nainlab ako sa isang tao... syeyt...
@ Onatdonuts >> tama ka dun, ang simpleng ngiti lamang ay napakasarap sa pakiramdam...
Aku naman ay pala ngiting tao pero kung chikkababes aba, todo ngiti talaga ako dyan... hehehe...
@ Sungoddess >> Aba, batang Milo ka siguro noh?? hehehe...
Wow! naman, love story ito ah... Ako din, slightly sa little things na yan ako na-inlove din... hehehe
Haaay, sarap sa pakiramdam noh...
nung binabasa ko to tol, di ko maiwasang maisip yung kantang "Simple Lang" ni Ariel Rivera. hehe :D
@ Ed E >> Actually medyo patterned to sa kantang yun... On some stanza lang, kasi more on love yun eh... Eto kasi, more on a wholistic view ko ginawa to eh...
Naalala mo pa ba nung kinanta to ng Rector natin dati?? Kalimutan ko na name nya eh... hehehe
@Axel
haha, oo naman! si Father Ichabod yung kumakanta nun dati. hehe astig un :D
@ Ed E. >> Oo tama nga, grabe naalala mo pa name nya ah... hehehe... Bait nun sobra at cool pa para sa isang Father...
Post a Comment