Tuesday, October 7, 2008

Hugas Kamay

Kasama ko ang barkada sa isang kilalang coffee shop, upang magkape (syempre naman, alangan namang mag-inuman) at magkwentuhan na rin habang hinihintay ang kanyang nililigawang babae. Pero hindi naman yun ang kwento ko.


Dahil sa dami ng kape na aking nainum (White Mocha Frap Blended in Coffee nga pala order ko), ako ay nagpunta sa Restroom upang, you know, make "wiwi" and everything. Pagkatpos kong mag-wiwi syempre maghuhugas ng kamay (kadiri yung mga hindi nag-huhugas ah!), nang makita ko ang isang karatula nila, isang gabay sa paglilinis ng kamay para sa mga crew nila.

Para sa mga hindi makabasa eto ang steps:

1. Wet > basain ang kamay (pwede rin ang paa at mukha mo kung gusto mo lang, o baka naman gusto mo ng maligo nyan.

2. Soap > lagyan ng sabon ang kamay (oh! baka naman ipang-ligo mo nanaman at mag-hilod ka pa ah!)

3. Wash for 30 sec. > hugasan ng mabuti sa loob ng tatlumpung segundo (pwede rin 5 sec. lang kung gusto mo, pero kung tumae ka, tagalan mo naman... eeewwww!!!)

4. Rinse > banlawan ang kamay (kamay ha!! baka naman labahin ang banlawan mo dyan...)

5. Dry > patuyuin ang kamay (ang kamay uli at hindi ang labahin)
6. Turn off water > patayin ang tubig (baka naman iliteral mo at saksakin mo yung tubig ah)
Pero ang napansin ko talaga dito ay, sa huli mo pa pala kailangang patayin ang tubig... WTF!! Paghuhugas ba ng kamay ang steps na to o pag-aaksaya ng tubig... tsk tsk!! Kung sinu man ang gumawa nito ay malamang malaki ang bill lagi ng tubig sa bahay...

Madalas din siguro siyang maghugas kamay (figuratively ang literally)... lolz...

12 comments:

Chyng said...

very good observation! ;)

and as long as you wash your hands after peeing, wala kong reklamo jan!

The Gasoline Dude™ said...

Knock Knock.

Who's there?

"Hugas Kamay"

"Hugas Kamay" who?

"Hugas Kamay... 'di kita iiwan sa paglakbay..."





(Ang corny ko! *LOLz*)

Axel said...

@ Chyng >> hehehe, kakagulat nga eh...

Wahaha, ikaw ba nag-wawash din ng hands after mo wiwi?? lolz..

@ Gasul >> Ang korny mo nga... lolz

Abou said...

hindi na ako naghuhugas kamay after wiwi, malinis naman ang jingle di ba? ha ha sanitized naman daw un he he

atto aryo said...

gasdude, ang corny mo nga!

he he. talaga namang kailangan pang imemorize ang paghuhugas ng kamay? actually me ganyang posters din sa office namin sa manila. kailangan nga yata talaga i detalye para sa makukulit. :-)

btw, bakit "partners"?

PoPoY said...

ang dami mong napapansin axel.lols.


sabagay tama ka. pero syempre common sense na din na patayin mo muna yung tubig habang nagsasabon ka.hehehe

ayzprincess said...

wala nga atang sinabe na magpatay ng gripo e. ahahha

at imperness ang konyo.. make wiwi and everything.. ahahah

Axel said...

@ Abou >> hahaha... sanitized ba yun?? hindi ko ata alam yun ah...lolz

@ R-you >> oo nga eh, "kailangan pa bang imemorize yan"... lolz...

Bakit partners?? Uhmmm, hindi ko rin alam eh... Isang sikat na coffee shop yan... hehehe...

@ Popoy >> Hehehe, napansin ko lang naman...

Di ba, dapat dun tamang pag-aaksaya ng tubig... lolz...

@ Ayz >> Meron namang sinabi na patayin, kaso sa bandang huli na at ubos na ang tubig...

Syempre dapat conyo kasi sikat na coffee shop eh... hehehe...

UtakMunggo said...

kulang pa nga yan eh. dapat may pahabol pang:

"and while you're at it, wipe the damn sink dry."

uy yung word verif o, curcutor. parang cangcarot. ehehe

Axel said...

@ Utakmunggo >> hahaha, sobra naman yun... Papatuyuin mo pa yung sink...

Anonymous said...

LOL... tama nga naman. baka kasi kako nakalimutan mong isara yung gripo. nireremind ka lang ng poster.

Axel said...

Hmmm, may point ka dun siangelnawalangpakpak... Baka reminder lang na patayin ang gripo pagkatapos gamitin...