Thursday, October 9, 2008

Buhay MRT

Buhay MRT ay sadyang napakasaklap at napaka hirap. Araw-araw na pagsakay ay parang isang kalbaryo na puno ng pagsubok.
Sa mga taong madalas sumakay ng mga pampublikong sasakyan, ang MRT o Metro Rail Transit and pinaka-kumbinyenteng sakyan. Lalo na sa mga taong bumabaybay ng EDSA papuntang trabaho (sa Makati, Ortigas, Mandaluyong o Taguig).
Samu't saring mga tao ang maari mong makita at makasabay sa loob ng tren na ito. Samu't saring amoy din ang iyong malalanghap (mga anghit, pawis, mabahong hininga at utot). Minsan parang gusto mo na lang sumuka sa loob at ilabas ang kinain mong agahan.
Kung mapapansin mo din, napaka-dami ng mga taong sumasakay dito (tignan mo na lang ang litrato). Kuha ko yan mula sa taas ng estasyon ng North Ave. Station. Eto ang araw-araw na itsura sa station na to tuwing umaga at ang mga tao ay pumapasok sa kanikanilang mga trabaho.
Dahil sa naka-raang insidente na rin ng pambobomba, tinawag na Rizal Day Bombing, ang seguridad ay pinhigpit na rin.
Dahil na rin sa mga insidente at pagrereklamo ng mga babae na sila ay nahaharas ng mga lalake sa loob ng tren ay ginawan sila ng kanilang sariling couch o sariling bahagi ng tren para sa mga babae. Aba naman, sa dami ba naman ng mga taong sumasakay ay napaka reklamador nyo ah! Karamihan naman sa inyo ay walang "K" para naman maharas noh! Ngayon nga ay kahit may sarili na kayong mga puwesto sumisiksik pa rin kayo sa lugar ng mga lalake. Hindi kaya yun yung mga babae na gustong magpaharas. hehehe.
Meron na rin mga insidente na may nananakawan ng mga gamit pag-akyat ng estasyon, sa labas ng estasyon at pati sa loob na rin ng tren. Akalain mo nga naman ang kapal ng mga mukha ng mga tao ngayon. Ginagawa nila ito habang nagsisiksikan sa loob at labas ng tren.
At dahil na rin sa siksikan sa loob ng tren marami na rin mga tao ang nag-aaway dahil dito. Lalo na ang mga lalake na masagi lang ng iba ay maghahamon na ng suntukan. Aba, nasa pampubliko kayong sasakyan kaya wag kayong masyadong mareklamo daig nyo pa mga babae ah! Meron din nag-aaway dahil sa pagsasabihan ng kapwa na umusog ka at maluwang pa sa kabila, syempre mga lalake nanaman ang mag-aaway. Merong matatapang talaga at merong mga nagtatapang-tapangan lang. Hahaha!!! Pussy Dick!!! lolz.
Eto lang naman ang mga iilan sa mga kalbaryo ng mga taong sumasakay ng MRT araw-araw. Kung kayo ay nagbabalak na sumasakay ay ihanda nyo na mga sarili nyo sa mga ganitong pangyayari at normal na yan.

27 comments:

Anonymous said...

grabe na ang pila ng MRT ngayon! nakikita ko nga yan tuwing umaga sa may north.

womanwarrior said...

watakoinsidens!!! andyan ako sa picture na yan...hanapin mo ko... :)

Anonymous said...

Yan ang pinaka ayoko, ang makipag siksikan. Buti na lang pala at hindi ako required na sumakay ng MRT araw araw. At dahil dun, hindi ako marunong sumakay ng MRT. lol

atto aryo said...

wow! ganyan kadami ang sasakay?! that 's worse than Japan's crowd! Ilang minutes ba pagitan ng bawat tren? baka naman gabi na, di pa ubos yan. hehe. buti na lang pala dito sa Tokyo mga sosyal ang kasabay ko sa tren. halos lahat naka suit at office dress. so far, medyo naliligo pa naman sila. ewan ko lang pag winter na. :-)

Axel said...

@ Leyn >> grabe na talaga, kalahati ng EDSA ba naman ang sakupin ng mga tao eh...

@ Lola >> hehehe, san ka dyan lola??

@ Pam >> Uu nga, kasi masisiksik mo kami kapag sumakay ka... lolz...

@ R-yo >> Uu ganyan karami ang sumasakay kapag umaga... Ako nga office attire, kaso pagdating sa office gusot na dahil sa siksikan... Halo-halo na rin ang mga amoy ng tao...

Sarap naman Tokyo... Punta dyan GF ko this Oct.24, inggit nga ako eh... huhuhu

Chyng said...

Recently, I found out that the actual end-to-end mrt ticket cost should be P62.00 kung hindi dahil sa subsidy na binabayaran ng gobyerno. Nung malaman ko 'to, naramdaman kong may pinapatunguhan naman pala kahit papano ang taxes natin.

kaya ok lang ang mrt. bawal ang maarte! ;)

add kita sa blogroll ha,

Cutedanger said...

knsaqnaku tama ka dyan grabe talaga ang tao sa MRT mura na mabilis pa.. minsan nag aaway na nga sa pila papsok.. but that's life kung magiinarte pa sila bumili nalang ng sariling sasakyan..

Axel said...

@ Chyng >> ganun ba, wow!! ang mahal nun ah, daig pa nun ang mahal ng gasolina... Teka san mo naman nalaman yun??

Ok lang po na-add mu ko... Thanks!

@ CuteDanger >> Oo nga eh, bawal ang maarte... Pero sana naman yung iba wag masyadong garapal sa pagtulak at ako mananapak talaga ako kapag may tumulak sakin ng bonggang bongga.... lolz...

ToxicEyeliner said...

twice na ako nakakasakay ng mrt... lrt 2 kasi ako madalas dahil un naman ung nakapatong sa boulevard ng aming skul. ahahaha...

grabe na talaga mrt o... dapat dagdagan na capacity nung tren. toink. asa... wala raw budget.asus.

KRIS JASPER said...

Grabe pala naman talaga ang siksikan..
swerte ng mga manyakis (joke).

Sa dami ng tao sa Pinas, sana dadami pa ang MRT trains.

Bryan Anthony the First said...

salamat kay lord at di ko kailangan mag mrt

woof

Axel said...

@ Toxic >> Buti pa nga LRT 2 maluwang eh...

Hindi kayang dagdagan ang capacity nun... Kung papahabain siguro nila yung tren... Or magdagdag sila ng mga public transport...

@ Kris Jasper >> swerte silang kung magaganda yung mga babae, kaso wala masyado eh... lolz...

Dapat talaga madagdagan ang mga tren sa Pinas... Or ayusin nila ang EDSA at mga Bus na bumibiyahe dito para wala ng traffic...

@ Bryan Anthony >> Buti naman at ganun ang kalagayan mo... Kami ang mga sawi... hehehe

Anonymous said...

kung hindi ako nagkakamali, nasa makati yan na MRT. right? hehehe... naaalala ko ang first time kong sumakay ng MRT. tuwang tuwa pa ako pero umiyak ako pauwi dahil maling route ang nasakyan ko. hehehe... Can't believe ganyan karami ang sumasakay diyan araw araw. Swerte nalang tayo dahil once in a blue moon lang ang Bumbay sa Pinas. Sa singapore, kulang nalang ay maglalagay ka ng oxygen tank dahil sa tapang ng amoy ng nakakasabay mong mga bumbay dun. Hindi ko alam kung bakit umagang umaga pa lang eh nangangamoy putok na sila.

Axel said...

@Urban Princess >> Sa totoo lang, sa North Ave. Station yan at umaga yan mga 8AM, sa Ayala Makati Station mga bandang 7PM ganyan na rin karami ang tao...

Oo nga wala ngang mga bumbay kaso marami pa ring mga mababaho na tao na sumasakay... Nagawi ka na rin pala sa Singapore, ok pa naman dun pero kung sa Malaysia ka punta... Hay naku dun talaga grabe ang dami ng mga taong may amoy... hehehe...

Anonymous said...

malaysia? maganda raw doon... pero now dat u mentioned it, iiwasan ko na ang MRT dun. hehehehe... sabi ng ate ko masasanay ka nalang sa "bango" nila. :)

Anonymous said...

subsidized pa daw ng government ang mrt?? is it?? whoa! siguro kung walan corruption mas maayos ngayon ang mrt..

Anonymous said...

glad to see where some of our tax is going....

Axel said...

@ Urban princess >> Yup, kaso hindi rin ako nakalibot dun pero yung taxi na nasakyan ko dun... Malay ata or bumbay, grabe aircon syempre at talagang kulob ang amoy... Parang gusto kong sabihin buksan na lang ang bintana eh...

Oo nga kahit papano nakikita natin at napapakinabangan ang tax natin...

@ Redchocolates >> sabi nila subsidised daw eh... Oo nga, mas improved pa sana Pinas ngayon...

PoPoY said...

hahaha. axel nakuhanan mo din ako ng picture o. nandyan ako. hanapin mo dn.bilugan ang tamang sagot.lols :)

eh, no choice yan lang talaga ang sasakyan ko. pede din naman bus pero baka matrapik naman ako. kaya tiisin ko na lang yung siksikan. dito din masusubok ang haba ng pasensya mo.

idagdag ko lang yung mga construction worker na nakakasabay ko sa umaga. puta ndi man lamang magbuhos ng tubig. parang pagkagising, kukunin lang ang bag at didiretso na agad sa trabaho,maawa naman sila sa mga nageoprt na maligo.shet.talaga hahha

Axel said...

@ Popoy >> wahaha, isa ka pang pakalatkalat ah... lolz

Pwede ka naman ng LRT ah... Haba ba ng pasensya o iba ang humahaba??lolz...

Hahaha, korek!! Hindi naman sa nilalait natin sila pero sana man lang nga maligo sila ng maayos... Umagang umaga nangangamoy na agad..

Anonymous said...

baka me lahing bumbay... hehehehe... siguro nung pumunta ako ng manila eh naswertehang hindi gaanong puno ang mrt... walang amoy alipunga o putok so far...

Axel said...

@Urbanprincess >> baka naman kasi nung sumakay ka ay tanghali na or hapon, konti lang tao nun...

Try mo ng lunes around 7am or 7pm... Dun mo mararanasan ang lupit ng amoy nila... hehehe...

Anonymous said...

ay, parang na-miss ko tuloy sumakay ng mrt. nung sa manila pa ako nagwo-work, everyday, yung 5:35 train ang nasasakyan ko. walang palya (kamuning station). masarap mag-biyahe ng ganung oras, kse di pa crowded. daily exercise ko na yung maglakad from kamias ave to kamuning station. atsaka shaw station to the office where i used to work. hehe.

Anonymous said...

parusa..
lalo na pag hapon na.. halo halo amoy.. yikes...

Axel said...

@ Antuken >> Ay naku tama ka, naranasan ko na rin sumakay ng ganun oras at sobrang sarap dahil kokonti lang ang tao... Try mo sumakay uli ngayon... hehehe...

@ Ferbert >> Hahaha, sobrang parusa talaga... At yung amoy talaga ang mahirap sa lahat ok lang ang siksikan eh... Wag lang yung amoy... ewwww

Anonymous said...

nami-miss ko na din ang siksikan ng MRT ng pinas. cubao station sa umaga, ayala station sa gabi ang ruta ko dati. kaya nakakarelate ako sa post na to!

Axel said...

@ Princesschamporado >> ahahaha, oo nga yun pa naman yung maraming tao lagi... Sa umaga puno na pagdating ng cubao, paguwi punoan din sa Ayala... hehehe...

At talagang champorado na ginamit mong name... hehehe...

O yun ba talaga???