Sunday, September 14, 2008

Magkaibang Mundo

May kaibahan nga ba ang mundong ating ginagalawan ngayon? Makalayo sa bawa't isa, eto ang ating naging kapalaran. Andyan ka at ako'y nandito. Ilang libong milya ang layo sa isa't isa.


Tinatanong ko ang sarili, dahil ba nasa ibang lugar tayong dalawa ay magkaiba na ang mundong ating ginagalawan. Parehas may pagbabago sa buhay. May mga bagong kaibigan na nakikilala. May mga pagsubok na kailangang daanan at pagtagumpayan. Parehas dumaranas ng kalungkutan sa bawat araw na lumilipas. Bago ang kulturang binabagayan.


Tama bang isipin natin na makaiba ang mundo ng dalawang tao na magkalayo lang at nakatira sa makaibang lugar? Hindi ba't parehas lang ito at magkaiba lang ang mga pagkakataon. Ilang lang ang lugar, mga kasama at Kultura pero iisal ang pinanggalingan natin.

15 comments:

Anonymous said...

come to think of it... may tama ka!! :)

PoPoY said...

ewan ko kung off topic ako axel pero eto lang ha...


*love binds everything, everyone...

kahit gaano ka man kalayo, kahit nasan ka man, basta alam mo at alam nya na mahal nyo ang bawat isa, ang isang milya, isang hakbang lang sa PAG-IBIG. :)

lols.sana tama ako sa mensahe ng entri mo :)

molestedtwineggs said...

inlove ba u?

:) said...

I beg to disagree popoy, ahahaha! Evrything isn't just about love. Aminin man natin o hindi, may iba pa tayong factors na kailangan i-consider.

=)

GODDESS said...

may mga nagwo-work na ganyan, pero meron ding hindi. depende sa foundation. mas matatag, mas mainam.

good luck sa'yo axel!

Axel said...

@ Sun Goddess >> Kris ikaw ba yan??lolz... Good luck sa inyo ng BF mo pagdating mo dito sa Manila...

@ Popoy >> May point ka rin, and kayang pagbuklorin ng pag-ibig ang mga magkalayong tao... Pero dapat ituon mo ang isip mo dito...

@ MTE >> hahaha, ayan ka nanaman sa mga magugulong comment mo... lolz... Yes, Im deeply Inlove... hehehe...

@ Pampoy >> Tama ka din Pam, gaya ng lagi kong sinasabing hindi dapat iikot lang sa dalawang tao ang mundo nila... Parehas kayong may sariling buhay... May mga factors na kailangan pag-isipan... Pero isang matibay na sandigan and pag-ibig ng dalawang tao...

@ Goddess >> Oo nga eh, they always say "Long Distance Relationship will never work"... But for me, it's not true... Tama ka, dapat talaga matatag an foundation nyong dalawa at may iisang layunin sa buhay para magwork ang lahat para sa inyo...

molestedtwineggs said...

batay sa aking molested bolang itlog... maraming mga pagsubok ang iyong tatawirin... magkasundo kayo minsan hindi, naalala mo sya minsan naman hindi, nagpaparamdam ka sa kanya minsan hindi, pero minahal mo siya.?.. yon ang hindi nakikita ng aking bola...
hangang sa lunes.. babayo..

chroneicon said...

bakit problematic ang post mo?

bakit parang bitter si pampoy?

bakit?

Axel said...

@ MTE >> profound, yet magulo... hehehe...

@ Chie >> eto lang ang masasabi ko... "You where never there"... lolz... hehehe...

Marami lang mga nangyari...

UtakMunggo said...

bigyan natin ng alternate reality:

kung halimbawa'y hindi kayo magkahiwalay ng "mundo" ngayon, anong eksena kaya meron?

sabi, pinagtitibay raw ang samahan kapag magkalayo, dahil lalo ninyong naa-appreciate ang kahalagahan ng isa't isa.

maswerte ang inaalayan mo ng mga nagdaan mong posts at maging nito. kung sana'y lahat ng alagad ni adan ay kagaya mo, bawas sana ang kasiraan ng sangkatauhan.

Axel said...

@ Utakmunggo >> Siguro kung hindi kami magkaiba ng mundo, baka gaya pa rin ng dati kami ngayon...

Salamat, naniniwala din ako na makakatulong iyon sa pagtitibay ng relasyon ng dalawang tao... Isang mahirap na proseso na dapat pagdaanan...

Salamat uli, sana nga ganun din maramdaman nya... Hehehe... Medyo nakakita ka bang ng kakaibang adan dahil sa mga posts ko??

Anonymous said...

"Salamat uli, sana nga ganun din maramdaman nya... Hehehe..."

she feels the same way..

Axel said...

@ Anonymous >> yun din ba nararamdaman nya?? hehehe...

UtakMunggo said...

hindi karamihan. siguro mga dalawang adan na tulad mo rin magmahal, may kakilala ako.

pero yung mismong adan ko, hindi ko pa kasi naranasang mahiwalay sa kanya ng matagal at malayong malayo kaya hindi ko alam kung magbe-behave ba siya. pero alam naman niyang putol titi ang kapalit ng pagiging bad boy. hehe

huwaw *she feels the same way*..

ah, to be young ang in love. naks!

Axel said...

Kakaunti lang pala ang kakilala mong adan na tulad ko.

Huwaat?? Putol titi?? Katakot ka naman, pero behave naman siguro ang iyong adan.

Oo nga eh, she feels the same way daw. Hmmmm. *thinking*

Hahaha, oo nga nakakabata kapag ikaw in-love.