Wednesday, September 24, 2008

Bagong Bili kong Libro

Inimbitahan ako ng kaibigan ko nung ika-15 ng Septiyembre taong 2008 na pumunta ng Book Fair sa SMX Convention Center. Nung una sabi ko, kelan ka pa nahilig sa libro? Ang totoo pala nagbabasa na pala siya ng mga libro dati pa, kaso puro relihiyosong libro. Ako naman ang napa-isip ngayon. Bakit ako pupunta doon, wala naman akong hilig sa pagbabasa ng libro. Pero, bigla akong tinamaan ng ideya sa utak ko.

Why not chocobot?

Itong pinuntahan nga pala namin ay ang 29th Manila International Book Fair!

Bakit ko nilagay?? Wala lang, bakit ka ba nakikielam... hehehe...

Nang dumating na kami dun, ay pasara na yung SMX kasi ba naman na-traffic ako papunta dun. Wala na lang sisihan, hindi ko kasalanan yun. Kaya naglibot na lang kami agad upang maghanap ng mga libro.

Tinanong nya ko, anu daw bang libro hinahanap ko? Aba! Malay ko, wala nga akong hilig sa libro kaya hindi ko alam kung saan magsisimulang maghanap ng libro at kung anung klase ng libro.

Kami ay napadpad sa Power Books. Daming sale ng mga libro, parang ukay-ukay lang. Sabi ko tingin nga ako ng mga libro, may mga nakita akong libro na pamilyar sa aking pandinig. At naka Sale pa sila. Kaso ng tignan ko ang presyo ng mga librong ito. Ako'y nagulat dahil nasa Php 700 pala ang mga halaga nitong mga aklat na ito. At dahil sa wala nga akong hilig sa mga aklat ang Php 300 na aklat para sa akin ay nagMUMURAng presyo.

Habang naghahanap ng mga murang aklat na magugustuhan ko, bigla akong may nakitang aklat. Sabi ko sa sarili ko, eto na lang bibilin ko. Mura lang eh nasa Php 300 pesos lang ang presyo niya.
Kaya eto na yung librong nabili ko.

Hahaha, kala mo kung anung napaka-gandang aklat ang nabili ko eh noh. Pero ayun sa mga naririnig ko maganda daw talaga ang aklat na yan.

Lam ko na sasabihin nyo, luma na yang aklat na yan at pwede namang manghiram na lang ako sa kakilala ko. Pero bakit ba, pero ko yun eh. Hehehe... Tsaka eto ang kauna-unahang aklat na nabili ko gamit ang pera ko. Kung kaya't ipinagmamalaki ko ito.

Sana nga lang hindi rin siya matengga sa bahay gaya nung mga aklat na hiniram ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tapos basahin. Hehehe... Gaya nung Angels & Demons na 2 years na kong natigil sa pagbabasa nun at hanggang ngayon ay nasa Chapter 50 pa rin ako. Nakalimutan ko na nga ata yung kwento eh.

Pero sisiguraduhin kong babasahin ko talaga eto.

Singit ko lang yung iba pang mga kuha ko sa SMX.


19 comments:

pb said...

anu ba yang mga pics... haha. bat wala kang kasama? gelps mo kasama mu nyan? hehe. mukhang maganda ung libro ah... kwento mo nalang sakin kung anu laman... hehe. may mga nakatambak akong libro dito na di ko pa nabubuklat eh. hihi.

:) said...

hindi na ko nakapunta jan sa book fair na yan. huhuhu.

Axel said...

@ PB >> meron naman akong, kasama pero pic ko na lang nilagay ko... Friend ko yung kasama ko, gawin na lang nating siyang Anonymous... lolz... Maganda daw eh, pagpapayaman ang ituturo ng book na yan... Nabasa na ata ni Damdam yang book na yan...

Sana nga hindi rin matambak itong aklat na to eh... hehehe....

@ Pam >> May next year pa naman eh... Inaaya kita ayaw mo... Mura pa naman nung mga books...

PoPoY said...

ay wala din ako ng hilig sa pagbabasa. minsan lang. hindi ba nagsale yung mga sidney sheldon, anne rice's vampire chronicles, mga paolo coehlo at KIKO MACHINE?lols

try mo yung kay mitch albom. madali lang basahin :)

Anonymous said...

wahahaha rich hair, poor hair...

err rich dad (KDR??) poor dad pala.

waaah nde din ako nakapunta dyan...

ayzprincess said...

may ganyan din akong pic.. galing sa ccp ata yang mga yan e.. kasi meron akong poses with them nung nasa ccp sila.. nasa multiply ko :P

naalala ko kasi yung baboy na angel tsaka yung batang naka wide open arms :D

Axel said...

@ Popoy >> Wala kang hilig sa pagbabasa ah, eh hindi ko nga kilala yang mga author na yan... Si Paulo Coehlo lang kilala ko, sale din books nya dun...

Sige Popoy, dahil rekumendasyon mo susubukan natin yan... Pero babasahin ko muna to, kasi baka matambak lang siya eh... hehehe...

@ LV >> wow!! its an honor nagcomment sakin ang Dat Com na si Lethalverses... *chanting* "I'm not worthy"...

Late ko na nalaman eh, kaya hindi ko kayo nasabihan... Daming books, parang library lang... Hehehe...

@ Ayz >> Oo nga, come to think op it, nakita ko nga ata siya sa multiply mo... Hehehe... Cute nila eh...

Anonymous said...

so... hows the book na?:-)

Axel said...

@ Anonymous >> hindi ko pa nga nababasa eh... Hehehe... Tapusin ko muna yung binabasa kong book ngayon tapos babasahin ko na yung bago kong bili...

Anonymous said...

hoy! hiatus??

Axel said...

Bossing LV, hindi naman po ako Haitus. Natagalan lang bago ako magsulat muli. Grabe late ko nga nalaman ibig sabihin nyan eh. Salamat kay Pampoy sa pagbigay ng kaalaman para sakin.

Anonymous said...

masarap kaya magbasa ng libro.

pag umuulan sa ust, ginagawa kong payong e. lol

anyenye!

Axel said...

@ Vera >> yehey!! isa nanamang Dot Com'er ang bumisita sa site ko... hehehe...

Masarap ba, hmmm... Sige try ko ah...

Actually ginagawa ko rin payong books ko dati eh... hehehe...

Anonymous said...

mga kwentong pambata yung mga huli mong picture. meron lola basyang nyan diba? hehe. nag exhibit din yan ng libro sa Cultural Center nung mga panahon ng Cinemalaya. nagbabalak ako bumili nung mga yun para sa mga pamangkin ko.

Axel said...

Ganun ba, nakita ko nga ata yun sa multiply ni Ayz.

Miss ko na rin ang mga kwento ni lola basyang. ehehehe.

Anonymous said...

rich dad poor dad... excellent choice... :) have a copy which i haven't finished so far pero ang dami kong natutunan... :)

Axel said...

@ Sungoddess >> salamas!!
Hahaha, hindi po pa pala natatapos... Ako hindi ko pa nasisimulan... Nyahaha...

Pero try ko talaga basahin yun...

Anonymous said...

RDPD..sobrang gandang book..maganda lang pala!

pag binabasa mo sya parang ganon lang kadaling gawin ang mga sinasabi..pero putsa 5 years ago ko ng nabasa yan,hanggang ngayon tanda ko pa at hanggang ngayon di ko pa nasisimulan at nagagawa ang sinasabi ni robert kiyosaki! old habit..spend first...

nakidaan..naki basa at naki gulo na din!

Axel said...

@ b!tch >> ganun ba, hmmmm... Sana nga mabasa ko nga eh... Actually disiplina lang talaga to eh, pero yun nga ang mahirap eh...

Lalo na kung may old habits ka...

Salamat po sa pagdaan...