Saturday, June 9, 2012

Fly Like a BOSS

Narinig na natin ang katagang "Now Any Juan Can Fly", yan ang tagline na gamit ng Cebu Pacific. Marami na nga ang nabigyan ng pagkakataong makalipad dahil sa baba ng mga pamasahe sa eroplano. 

Sa mga nakasakay na ng eroplano, marahil ay napupuna nyo lagi yung unahang bahagi ng eroplanong may "kurtina" (para sa mga Airbus) o yung may hagdanan na tila may ikalawang-palapag ang eroplano (Boeing 747). Ang mga bahaging ito ay tinatawag na "First Class" o "Business Class", sa madaling salita - para sa mga mayayaman lang. Dahil ang mga inuupuan nating mga ordinaryong tao ay "Economy Class". 


Marami na tayong mga narinig na kwento o napanood sa telebisyon ukol sa mga sumasakay sa bahaging ito ng eroplano. Maluwag ang espasyo ng kinauupuan. Malaki ang mga upuan at maaring ihiga kung nanaisin. At pinaka gusto nating lahat, masasarap daw ang pagkain ng mga nakakaupo sa "business class", kadalasan ay may kasamang masarap na inumin or alak.

Ang sarap sigurong maranasan yan noh? Pwes! Iinggitin ko kayo ng konti. Ako'y pinalad na makaupo sa "business class" ng Philippine Airlines (PAL) Boeing 747 byaheng Davao. Dalawang beses na. Hehehe. 

PAL Boeing 747. Eto ang pinaka-malaking eroplano ng PAL na may ikalawang palapag.
Business Class.
 Totoo ngang maluwag ang espasyo at malalaki ang upuan mo. Kahit i-unat mo ang mga paa mo ay kaya mong gawin sa luwag ng pwesto. Ang upuan naman, sobrang luwag para sa isang tao. "Lazy Boy" sa eroplano ang pakiramdam. Meron ka rin sariling "TV" sa harapan mo. Pakiramdam mo ngang VIP ka.


Subalit may isang sablay sa karanasan ko sa "business class".


Pagkain ng nasa business class
Naglalaway pa naman ako habang iniisip kung ano ang pagkaing ihahain samin. Pero eto ang tumambal sa aking harapan. WTF!!! Hindi ba't eto rin ang hinahain nila sa economy class? Bakit ganun?! Waaaaahhhhhh!!!


Ok, siguro marahil sa isang oras at kalahati lang naman kasi ang byahe kaya walang pagbabago sa pagkain.  Haaaay!


Sumablay man sa pagkain, masasabi ko pa rin na magandang karanasan ang makasakay sa bahaging ito. Una kayong pinasasakay at unang pinabababa ng eroplano. Kaso, kapag bumagsak ba ang eroplano, una din kaya ang business class na mamatay?! Knock-on-wood. Wag naman ganun! 


Fly Like a BOSS
Bago ang lahat, gusto nyo bang malaman kung paano ako nasakay sa business class?? Hindi, dahil sa binayaran ng kumpanyang pinag-tatrabahuhan ko. Hindi naman ako manager para gawin nila yun. 


May paraan talaga para magawa ito ng walang karagadagang bayad. Sasabihin ko ba? Pilitin nyo muna ko. Hahahaha.