skip to main |
skip to sidebar
Ang unang Burger joint na pinuntahan namin ay ang Good Burger. May iillang mga branches na rin sila sa E. Rodriguez Jr. Ave C5 Pasig, East Capitol Drive, Barangay Kapitolyo Pasig, One Kennedy Place, Annapolis corner Ortigas Greenhills at ang pinuntahan namin ay sa Sikatuna Branch (Maginhawa St., Q.C.). Loob ang branch na ito kaya medyo mahirap puntahan pero dinarayo naman sila ng mga tao.
Nagsasawa na ba kayo sa iisang lasa ng Burger na inyong natitikman? Ako oo, sawa na ko sa mga burger na natitikam ko. Yung mga burger na nabibili nyo sa pinakamalapit na fast food chain (bawal magbanggit ng pangalan baka mapakulong ako, pero alam nyo na siguro kung anu yung mga yun) dyan sa kanto.
Kung kaya't sampu ng aking mga kaibigan na nagsimulang maghanap ng masarap na burger, ayon sa kanyang napanood ay naisipan naming tumikim naman ng ibang putahe ng burger.
Susuungin namin ang iba't ibang sulong ng kanto sa ating ciudad upang tikman ang mga kakaibang luto ng burger. Ito man ay kilala na o hindi pa. Sa paglalakbay na aming gagawin ay pipilitin namin magbigay ng aming mga komento ukol sa mga burger na aming matitikman. Syempre, wag nyo na lang masyadong seryosohin ang aming komento dahil hindi naman kami bihasa sa larangan ng pagkain, kahit na mahilig talaga kaming magsikain.
Sa bawat paglalakbay namin ay makikilala nyo ang mga miyembro ng aming samahan na tatawaging "Burger Busters", ito ang tawag sa mga taong mahilig kumain ng burgers (syempre gawa-gawa lang namin yun). Tumatanggap din kami sa mga mungkahi na inyong maaring ibigay saamin at kami na ang bahalang humusga dito. Maari din kaming tumanggap sa gustong mag-sponsor saamin at sa mga donasyon na maari ninyong ibigay.
Sana ay abangan ninyo ang aming pakikibaka sa aming The Quest for the Perfect Burger. Sa susunod na post ko ay ilalagay ko na ang unang burger joint na aming napuntahan.
Matagal akong napahinga sa pag-blog ko at sobrang huli na ang post na gagawin kong ito. Aking ibabahagi ang nakainan naming restaurant para sa mga gustong makasubok ng bagong putahe.
Ang Jatu Jak (Cha-tu-chak) ay isang restaurant sa SM The Block - Q.C. sa ika-apat na palapag. Ang putahe nila ay "Thai Food". Dagdag na kaalaman; ang pangalang Cha-tu-chak ay nagmula sa pangalan ng isang sikat na pamilihan sa Bangkok Thailand. Kung kayo ay mapasyal sa Bangkok dito ko rin kayo mairerekumenda na mamili ng pasalubong dahil mura ang bilihin dito, maihahalintulad din ito sa Divisoria ng Pilipinas.