Thursday, December 31, 2009

Maligayang Bagong Taon 2010

Eto na marahil ang magiging huling post ko sa taong 2009 na, dahil papasok na ang taong 2010..
Para sa taong ito na lumipas at sa mga nabisita, nagbasa at nagbigay ng kanilang mga komento sa "Axel City" maraming salamat sa inyo at binabati ko kayo ng Masagana at Masayang Bagong Taon.


Atin ng kalimutan ang nangyari sa nakaraang taon lalo na yung mga hindi magandang nangyari sa atin. Sikapin na lamang nating baguhin ito, wag ng ulitin at lalong pag-ibayuhin ang ating mga sarili. Para naman sa mga naging magandang mga pangyayari, atin sanang ituloy o maari ay higitan pa ito sa darating na 2010.

Kung kaya, ating tandaan...


VOTE WISELY!!!

Saturday, December 19, 2009

Pag-REHISTRO EXTENDED

Dahil sa marami pa sa atin ang hindi pa nakakapag-parehistro, ngayon ay may pagkakataon na kayo. Salamat sa tulong ng "Kabataan Partylist", gumawa sila ng petisyon upang mapahaba pa ang araw upang makapag-parehistro ang ating mga kababayan.

Ngayon, sana bigyan na natin ng panahon upang makapag-parehistro tayo, dahil ito na ata ang pinaka-mahigpit na labanan ng mga kandidato para pagka-pangulo.

Simula sa Dec. 21, Monday hanggang Jan. 9, maari na kayong pumunta sa mga COMELEC offices na malapit sa inyo upang makapag-parehistro.

Para sa mga dagdag na impormasyon, maari basahin na lang natin sa Kabataan Partylist.

Thursday, December 3, 2009

iBoto Mo Ko!

Dahil sa palapit na ng palapit ang eleksyon sa Pilipinas, naisipan kong sumulat ng mga bagay na may kinalaman dito. Nais ko sanang ihatid ang aking saloobin at kung maari ay matulungan ang mga mambabasa ko (kung meron man) na mamili at makita kung anung nagawa o magagawa ng ating mga kandidato. Mas bibigyan ko ng tuon ang ating mga "Presidentiables".

Ang mga nakaraang buwan ay naging mainit simula sa pagsasatupag ng "Poll Automation", sa paglipat ng mga kandidato ng partido, sa paglalahad ng pagtakbo sa pagka-presidente, sa pag-atras ng iba, kung ang iba ay papayagan bang kumandidato ayon sa ating batas hanggang sa mga "Nuisance Candidates".

Lahat ng tungkol sa darating na eleksyon ay pipilitin kong maibahagi sa inyo. Pipilitin ko ring himayin para hindi naman masyadong marami. Uunahin ko ito sa pamamagitan ng pamamahagi sa inyo ng mga listahan ng mga taong kakandidato.

Para sa pagka-pangulo:

Pangalawang Pangulo:


Senador:

Pasensya na at maliit ang mga sulat, para sa mga interesado sa kumpletong listahan ng mga kandidato, maliban sa mga lokal na kandidato ay puntahan lang ang website ng COMELEC.

Para sa mga nagparehistro na upang bumoto maari kayong matulungan din ng site nila.


Sana ngayon ay makaboto tayo ng ayon sa tingin natin na makakatulong sa pag-unlad ng ating bayan at hindi dahil lamang sila ay popular. Hindi rin dahil sa ito nasasabi ng nakararami o ng mga "survey's" dahil iba pa rin yung dahil sa alam natin na sila nararapat.

Ilang araw na nga lang ba bago ang botohan, tara na iBoto Mo Ko!