Friday, November 20, 2009

Pumila ng Maayos

Nung mga bata pa tayo kapag may mga flag ceremony lagi tayong pinapapila ng ating mga guro ng maayos para maganda daw tignan. Kapag hindi maayos ang pila ang sasabihin ng guro natin, "Ayusin nyo yung pila", "Ideretso ang pila", minsan pa nga "Arms forward, raise" para daw maidercho yung pila natin.

Itinuro siguro satin ito nung bata pa tayo para matuto tayong pumila ng maayos sa mga tamang pilahan pagtanda natin. Sa panahon ngayon mukhang hindi talaga tayo natuto sa itinuro sa atin ng ating mga guro.

Gaya na lamang ng pilang ito sa hintayan ng bus sa Bonifacio Global City. Nagulat talaga ako ng makita ko ang pila na to. Sabi ko nga, teka, saan ba talaga ang pila?!?!

Sa tingin nyo saan kaya talaga papunta ang pila na to? May pahalang, may paderetso na pila. Saan kaya ang ang dulo at saan ang umpisa?

Hindi ba't kay ganda kung kagaya pa rin nung mga bata tayo? Yung mga pila na pinapagawa sa atin ng mga guro natin.




Ngayon ko lang din talaga nakita ang kahalagahan talaga yung mga itinuro sa atin dati nung mga bata pa tayo. Hindi ba't ang ayos tignan at gandang tignan? Sana matutunan natin ito uli kahit na medyo matatanda na tayo.






Saturday, November 7, 2009

Kapatid: Chapter 3

Hindi ko alam kung matutuwa kayo pero, andito na ang ikatlong yugto ng "Kapatid".

Gaya ng pangyayari sa ikalawang yugto, dumating na muli ang isang espesyal na panauhin ng aming komunidad. Gaya din sa ikalawang yugto, ang paghahanda namin ay umabot muli sa dalawang linggo lamang.

Maraming preparasyon muli ang naganap hanggang sa dumating ang espesyal na panauhin. Pinilit tapusin ang mga papeles na gagamitin sa mga pagpupulong na magaganap. Ang isa mga mga miyembro namin ay hindi nakapasok kaagad matapos ang isang mahabang bakasyon dahil sa masamang karamdaman. Dahil sa kagustuhang matapos ang mga gawain ay, pinilit nyang pumasok sa sumunod na araw. Kahit nanghihina ang buong katawan at hindi pa rin gumaganda ang pakiramdam ay pinilit nyang pumasok sa sumunod na araw.

Nagpulong ang aming grupo upang tulungan ay aming miyembro sa kanyang mga papeles dahil siya ang may pinaka-maraming pagpupulong na magaganap. Inabot kami ng gabi para tapusin ang mga papeles, ngunit hindi pa rin tapos. Dahil sa madilim na ay kinakailangan na naming kumain ng hapunan. May mga kasamahan pa kaming nagsasabi na kailangan ng kumain ng aming miyembro na nanghihina upang siya ay maka-inum ng kanyang gamot. Nagbigay na ko aking suhestiyon na magpadala na lamang ng pagkain galing sa labas, subalit sinabi ng aming pinuno na mas matagal pa daw iyon.

Lumipas ang ilang oras, hindi pa rin natatapos ang lahat ng mga papeles. Dumaan na muli ang ibang mga kasamahan at kinukulit nang kumain ang miyembro namin para makainum ng gamot. Ang isa sa mga punong pinuno din ay nagbigay na rin ng mungkahi na magpahinga ng maige ang lahat. Matapos ang lahat, ang nasabi lamang ng aming pinuno "Bakit alam ba ng kasamahang iyan na may darating tayong espesyal na bisita?".

Ang pagpupumilit ng pinuno ay walang katulad, na walang pagpapahalaga sa kanyang mga miyembro.

Umabot na ang araw ng pagdating ng espesyal na panauhin, nagsimula na ang mga pagpupulong, subalit nabalitaan na lamang namin na naitakbo sa ospital ang isa mga miyembro. Dala ng sobrang pagod ay hindi na kinaya ng katawan. Pinaalam sa Pinuno, ang naging tugon lamang nya ay "ok, noted".

Dumaan muli ang isa pang araw ng mga pagpupulong at kulang pa ang mga papeles. Pinilit tapusin ng miyembro ang mga papeles kahit na dapat na siyang nagpapahinga. Ang mga salitang binibitiwan ng pinuno ay puros masasamang salita sa miyembro, ganu ba kalala ang sakit at hindi nakapasok, wag daw siyang gagalitin. Pero kapag kaharap na niya ang espesyal na panauhin ay parang maamong tupa at panay ang pag-aalala sa kanyang miyemro.

Natapos ang lahat ng pagpupulong at hindi nakasama ang miyembro. Sa susunog na linggo ay magkakaroon pa sila ng pageensayo at pag-aaral na kasama pa rin ang espesyal na panauhin at ang pinuno. Hindi alam kung makakasama ang miyembro, dahil kinakailangan niya talagang makapagpahinga.

Matagal nang binalaan ang bawat miyembro sa asal na dinudulot ng pinuno nila. Subalit ngayon pa lamang nila talaga nalalaman ang totoong kahulugan ng mga babalang iyon. Hindi mo mawari kung anung pag-iisip nga ba meron ang pinunong iyon. Isang bagay lamang ang mahalaga sa kanya, ito ay ang sarili niyang dangal (kung meron man siya nito). Itinuring pa naman siyang kaibigan ng mga miyembro at pinakisamahan ng matiwasay, subalit ang isusukli pa rin niya ay malamig niyang pag-uugali.

Hanggang saan nga ba pagtitiis ng mga miyembrong ito bago magkaron ng lakas ng loob upang labanan ang pang-aapi sa kanila. Kelan nga ba magbabago ang pinunong ito, o may pagbabago nga bang magaganap?

Sunday, November 1, 2009

Kumain, Mabusog at Makapag-paaral

Hindi ba't napaka-sarap kumain? Alam naman natin na ang pag-kain ang isa sa pinaka-paboritong libangan nating mga Pilipino. Minsan pa nga ay gumagastos tayo ng malaki para lang matikman ang masasarap na luto sa ating mga paboritong restaurant.Ngayon, may paraan na upang mabusog ka habang nakakatulong sa iba.

Kasama ng isang organisasyon na layong tumulong sa mga bata upang mabigyan sila ng sapat na edukasyon. Inilunsad nila ang isang programa kasama ang ilang mga piling restaurant sa Bonifacio Global City upang makakain kayo ng masasarap na pag-kain habang nagpapaaral ng bata.

Ang pangalan ng programang ito ay: "8 to Educate"

Ang programang ito ng Virlanie (non-profit organization) ay naglalayong makapagbigay ng kaalaman katuwang ang walong (8) restaurants sa Serendra at Bonifacio High Street na i-promote at suportahan ang edukasyon para sa mga kapos na kabataan.

Ang kampanyang ito ay Mula 26 ng Oktubre hanggang ika-31 ng Disyembre taong 2009.

Ang walong (8) restaurant ay may walo (8) ding tampok na putahe na kapag pinili nyong kainin, ang bahagi ng kikitain nila sa putaheng iyon ay mapupunta sa edukasyon ng mga batang ito.

  • Arama - Set Meal
  • Cav - Valhrona Chocolate Souffle Cake
  • Chelsea - Mac & Cheese Kiddie
  • Cupcakes by Sonja
  • Fu - Dimsum Platter
  • Healthy Kitchen - Monsignor James Salad
  • Sentro 1771 - Fried Chicken Cutlets, Catfish Adobo Flakes
  • Xocolat - Organic Cacao drink & can
At noong ika-29 ng Oktubre ay naging mapalad kaming makasama sa pormal na pagsisimula ng programang ito.

Una ay naghapunan kami sa Sentro 1771 at natikman namin ang masarap nilang putahe doon.

Ang aming appetizer: Sosyal na Kropek (sariling tawag ko). Bakit? Dahil sa makabagong paraan ng pagkain nito. Ito ay Kropek na may tinadtad na hipon, sibuyas, at iba pang mga gulay na sinaham pa ng masarap na salad dressing sauce.

Ang isa pa sa mga appetizer na natikman namin ay Lumpiang Tinapa (sariling tawag lang din). Ito ay prinisinta na parang isang lumpia na naglalaman ng isdang parang tinapa ang lasa, itlog na maalat, kamatis at iba pang mga gulay.



Ang pangunahing putahe para sa gabing iyon ay ang mga sumusunod:

Sinigang na Corned Beef. Masasabi kong isa to sa pinaka-masarap na sinigang na natikman ko, sabaw pa lang para ka ng nasa langit.

Fried Fish with Garlic & Olive Oil (I think)

Stir Fried Noodles

Fish with Lemon Juice (ata)

Krispy Pata (sarap ng suka nila)


Matapos ang aming hapunan at umikot kami sa apat (4) pang mga restaurants upang makita ito at matikman din ang kanilang mga handog na putahe.

Salad mula sa Healthy Kitchen




Dimsum Platter ng Fu





ArAma


Salad with Probiotics
(grabe ngayon lang ako nakakita ng ganung dressing ah, may yakult? lolz)



Burger Sanwich (hindi totoong pangalan)


Tinapos namin ang gabi sa Cav upang tumikin ng panghimagas at uminum ng wine.

Dahil hindi ako pamilyar sa mga wine, lalo na yung mga mamahalin. Ang tawag daw sa wine na ito ah Cup-C (yun kasi pagkakarinig namin eh.. lolz)
Galing daw sa South Africa ang wine na ito. Manamisnamis at hindi gaanong dry.

Isa sa mga tampok na putahe sa programa: Valhrona Chocolate Souffle Cake
(dahil sa mukhang mamahalin, nahirapan akong kainin dahil hindi ko siya alam kung panu kainin)
Masarap yung cake, hindi gaanong matamis. Yung parang korona nya ay parang toasted crepe. Yung nasa tabi nya at strawberry at pasas.



Kapag tayo ay nagawi sa bandang Serendra at Bonifacio High Street at nakaramdam tayo ng gutom, ating bisitahin ang mga restaurants na ito at subukang ang kanilang masasarap na putahe.