Sa loob ng isang taong may isang espesyal na tao ang dumadalaw sa maliit na komunidad na ito upang bumisita at hikayatin ang mga komunidad na ito upang maging kapanalig. Isang mahabang preparasyon ang kinakailangan dahil sa ang pinuno ng mga komunidad na iyon ang dapat na maimbitahan upang makipag-dayalogo sa aming espesyal na bisita.
Nang maibigay na ang pinaka pinal na dating ng espesyal naming bisita ay kulang na sa dalawang linggo upang kami ay makapaghatid ng aming paanyaya para sa mga pinuno ng komunidad na hihikayatin. Ang iba ay nakakuha na ng maraming pahintulot subalit ang isa naman ay wala pang pahintulot na natatanggap. Hanggang sa dumating ang huling araw ay nakakuha na pahintulot sa unang araw ng pagtitipon.
Maaring bisitahin ang mga pinuno sa kani-kaniyang mga komunidad o aanyayahang sa isang salo-salo.
Dahil sa dami ng dapat asikasuhin sa mga pagtitipong ito, lahat ay naging abala sa pag-aayos at tumutulong na rin sa lahat ng dapat ayusin. Hindi na matutukan ang mga pangunahing responsibilidad sa komunidad. Dahil sa daming ng mga gawain at napaghalo-halo na ang mga ito, hindi maiwasan ang mataranta at mapabayaan ng kaunti ang ibang responsibilidad. Ngunit ang nakakataas sa grupong ito ay umiral nanaman ang kanyang pagkataklesa at kawalan ng emosyon upang intindihin ang nararamdaman ng kanyang mga kasamahan. Umabot na sa maraming pangyayari ang naganap at may mga hindi nakayanan ang mga klase ng pananalita na binitiwan. Nauulit nanaman ang mga pangyayari ng nakaraan kung saan ang mga taong nakapaligid sa nakatataas ay napupuno ng galit, pagkamuhi at kawalan ng tiwala sa taong nakakataas na ito.
Sa kabila ng mga pangyayaring ito, kailangan pa rin ipakita ang pagiging propesyunal at ituloy ang lahat ayun sa naka-plano. Kailangang ipakita namin ang aming galing kahit na nakakaranas ng hindi maganda.
Natapos ang lahat ng mga pagpupulong sa mga pinuno ng mga komunidad na ito at nakitaan ng magandang panimula upang magsama ang ideyalismo ng bawat komunidad. May isang pinuno nga lang ang hindi nagpakita sa pagpupulong. Pero kung titignan mo ang buong resulta ng pagpupulong ay naging maganda ang kinalabasan ng lahat at maituturing na matagampay ang mga naisagawang pagpupulong.
May ilang mga pangyayari nga lang na halos iwanan ng nakakataas ang kanyang mga kasamahan sa nasabing mga pagpupulong dahil sa hindi inaasahang paglisan ng espesyal na bisita at nagbalik sa malayong komunidad na kanyang pinanggalingan. Ayon sa isang kasamahan, inabutan na daw ng katamaran ang nakakataas na taong iyo at hahayaan na lamang ang kanyang mga kasamahan na makipag-pulong sa mga pinunong ito. Ngunit ng mapagkaalaman ng nakakataas na ito, na ang kanyang Heneral ay sasama sa nasabing pagtitipon ay dali-daling nagbago ang isip at nakisalo na rin sa naganap na pagpupulong.
Sa mga ganitong sitwasyon mo talaga mapapatunayan ang anung klase ng tao ang mga kasama mo at nagpapakita talaga siya ng tunay niyang ugali. Dahil lang sa tinatamad ka ay iiwan mo na ang mga kasamahan mo. Ngayon pinapatunayan mo lang talag kung anung klaseng tao ka. Hindi mo na kayang kunin pang muli ang tiwala ng mga tao mo sayo. May mga tao talagang kakaiba ang ugali nila at hindi mo rin talaga kayang mawari na may taong kayang gawin yun.
Subalit kahit na may mga pangyayaring ganun na hindi mo talaga maiiwasan, may mga magagandang nangyari din sa mga pagpupulong na naganap.
Isang Pinuno: "I think the Philippines produces the smartest people in terms of academic"
"They are such hard working people"
"UP, produces the brightest ones, while ADMU and DLSU get on top due to their networks"
(oopps, wag lalake ulo... at walang magagalit, hindi akin galing yan at opinion lang ng isang tao yan)
Isa rin magandang karanasan para sa isang kasamahan lamang na makasama sa pagtitipon ng mga nakakataas na pinuno ng mga komunidad. May mga maririnig kang mga usapan na maaring noon mo lamang narinig. May mga bagay ka rin namang matutunan, lalo kung paano nila pinapatakbo ang kanilang mga komunidad. Nakakataas ng moral ito para sa mga simpleng kasamahan lamang. Nabibigyan ka ng pag-asa at ng kakayahan upang mangarap din balang araw na ikaw ay magiging pinuno din ng isang komunidad.
after 2 years...
11 years ago