Sunday, December 21, 2008

Prayer Brigade

Lord God, we thank you for all the blessings that youve been showering to us.. to our families.. and most specially to our country. truly we are still blessed for despite the wrongdoings our government officials keeps on doing, you never cease to give us what we need. if we asked for peace, you gave it to us although you didnt give it as a whole for you give us something to work for. we thank you Lord for all the good things, the success that our "kabayans" achieve, it is truly something for us Filipinos to be proud of.

Heavenly Father, we pray for peace of mind, contentment and clean heart for those presidentiables who will be running on the 2010 elections.may you give them the wisdom they need and may they use it properly for the betterment of the country. ipinapanalangin po namin na sana#y gabayan nyo po ang mga government officials namin sa kanilang panunugkulan upang maging maayos naman po ang takbo ng aming bayang sinilangan.sana po ay mabawasan na ang kanilang pagkagahaman sa pera at kapangyarihan upang ang kanila naman pong unahin ay ang ikabubuti ng Pilipinas at ng mamamayan nito.


We fervently hope and pray that whoever wins this coming 2010 election, maging worthy po sana sya sa pagkakahirang sa kanya. naway gawin nya ng tama at sa ayos ang tungkulin na iaatang sa kanya. sapagkat umaasa sa knya ang buong samyanang Pilipino na hindi man agad-agad ay maihaon ang Pilipinas sa lusak na kinasadlakan nito.
yan lamang po ang aming mga panalangin
Dahil sa na-Tag nanaman ako para sa panalanging ito na para naman sa magandang intensyon ay sana masundan din ng mga sumusunod...

Saturday, December 6, 2008

Sunod-sunod na Sorpresa

Pano mo nga ba sosorpresahin ang isang taong minamahal mo?? Lalo na at nabigyan ka na nya ng isang malupit sorpresa dati…

Sa dami na ng mga gimik ng karamihan upang sorpresahin ang mga mahal nila sa buhay ay ang hirap ng makaisip ng paraan pa na kakaiba upang manorpresa pa… Kung kaya’t nung ako naman ang manonorpresa ay hinayaan ko na lang biglaang magbigay nito ng wala halos na paghahanda (go with the flow) upang mas maging maganda ang sorpresa ko…Humingi din pala ako ng payo sa isang kaibigan at malupit na blogger na si Leyn sa kanyang blog at kahit papano ay nakatulong ito sa aking mga plano… Salamat nga rin pala sa mga kaibigan kong Greenies na nagpadala ng kanilang mga suhestiyon…

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinabihan ako ng kaibigan kong si Greenpinoy tungkol sa isang promotion ng kanilang cliente sa Toblerone (salamat nga pala dito parekoy!). Magpapadala ka lamang daw ng isang video ng sarili mo na nagpapahiwatig ng pasasalamat sa isang tao kung kaya’t ako ay nagpadala ng aking video…

At eto ang video na yun na nagging unang sorpresa ko sa kanya… Nakakahiya man pero pagpasensyahan nyo na... hehehe...



Pinalabas nga pala ang video na ito sa Bonifacio High Street sa The Fort at sa Greenbelt 3 nung Nov. 21, 2008. At nakasama ko ang ilang mga Greenies gaya nila Lethalverses, Cyber Lola, Xman, Kuletz at Ayzprincess.


At nang mag-overnight ang Mahal ko at ang kanyang pamilya sa Hyatt Hotel sa Malate, Manila upang ipagdiwang ang kanyang kaawaran ay nakaisip ako ng isang magandang sorpresa pero hindi naman bago… Hindi nga pala ako nakasama dito dahil Quality Time nya yun sa pamilya nya at may trabaho kasi ako kung kayat naisipan ko na lang na magpadala ng Bulaklak sa kanilang room… Subalit sa hindi nanamang inaasahang pagkakataon, nang dalin ng nagdedeliver ang bulaklak ay nasa restaurant pa pala sila at kumakain kung kayat iniwan ang bulaklak sa Concierge ng hotel… Nang makarating na sila sa kwarto nila ay tinawagan ang Mahal ko at sinabing may bulaklak daw siya sa baba… Inakala naman ng Mahal ko na galling ito sa hotel mismo at natuwa naman daw siya ng malaman niyang galing ito sa akin…


Naging challenge sa akin ang pangatlo kong sorpresa dahil sa binigyan ako ng Mahal ko ng isang malupit na Christmas gift (advanced daw) na iPod Touch… Syet!! Thank you talaga Mahal Ko… Ngayon ay hindi ko alam kung magugustuhan niya ang regalo ko na pinaghandaan ko rin talaga kahit papano…

Isang bagong relo na kasama sa kanyang wishlist na binigay niya sa akin, kung eto ang aking naging regalo sa kanyang kaarawan…

Sa sumunod na araw ay nagtungo kami sa Batangas na dalawa para sa aming Quality Time naman na dalawa… Gusto kong maging kakaiba ang kanyang bday at bigyan siya ng kakaibang experience kung kaya’t nagpunta kami sa Lago de Oro sa Calatagan Batangas kung saan sikat ang lugar na ito sa Wake Boarding…



Para sa akin ay kakaibang experience din ito at Masaya pero sige aaminin ko, tinalo nya ako pagdating sa wake boarding dahil naka-dalawang turn siya subalit ako ay hanggang isa lang…




Matapos sa Batangas ay umuwi na kami pero dumaan muna kami sa Tagaytay upang kumain ng hapunan sa Leslie’s dahil sa hindi pa siya nakakain dito at isa ito sa mga gusto nyang subukan kainan…



At nagkape sa Starbucks para sa dalawang natitirang sticker para sa kanyang Starbucks 2009 Planner...





At isa pang sorpresa ko sa kanya ay aking bagong hair style na kahit hindi ganun kayos tignan sa trabaho ay ginawa ko pa rin dahil uli sa kanyang hiling…

Ano naman kaya gagawin ko sa susunod…