Friday, November 28, 2008

Ngiti Lang Lagi

Grabe eto nanaman tayo, mapipilitan nanaman akong mag-gawa ng post ko. Ok lang din kasi wala pa rin update itong site ko. Hehehe.

Pero Pam, anu ba naman to 10? Mukhang mahihirapan ako nito ah! Ok eto na nga.

Sampung Pinagmumulan ng Ngiti

1. Syempre ang makita at makasama at Mahal ko sa buhay, ang aking GF na nasa Singapore. At masayang masaya ako kapag umuuwi siya dito o kapag pinupuntahan ko siya dun. Masaya talagang makita at makasama ang Mahal mo sa buhay.


2. Dati Masaya talaga ako kapag namamasyal kami ng pamilya naming kung saan-saang lugar sa Pinas. Bonding time namin yun eh, dito lang kami hindi nag-aaway away magkakapatid eh. Minsan meron pa rin. Hehehe.


3. Ang isa pa sa pinaka nagpapangiti sakin ay kapag may mga bagong bagay akong natutuklasan o mga bagong lugar na napupuntahan. Hindi nga lang kita sa mga mukha ko ang ngiti pero eto ay ramdam ko sa kaloob-looban ng akin pusa. Hehehe.


4. Masarap na pagkain ay laging nagdadala ng mga ngiti sa aking mga labi. Syempre ba naman masarap na busog ka pa.


5. Makita muli ang mga kaibigan o mga kamag-anak na matagal mo ng hindi nakikita. Kay sarap balikan ang mga alaala nung madalas pa kayong magkakasama at nagkukulitan.


6. Makitang ngumiti ang ibang tao, kay sarap damayan at makihati sa ligayang kanilang nararamdaman din. Mas gusto kong nakikita ang mga ngiti ng mga matatanda (lalo na ang mga Lola) at mga baby, dahil mas mapapangiti kapag nakita mo silang ngumingiti.


7. Ang makatanggap ng regalo ay talagang nagpapangiti sakin kahit hindi rin ganun kaganda o kamahal ang bigay sakin. Pero syempre iba pa rin kung bigyan ako ng kotse, laptop, PS3 at Bahay, ayan todo ngiti talaga ako nyan. Hehehe.


8. Gustong gusto ko rin ang nakakapag-pasaya ng ibang tao, dahil ito ang ngiti sa aking puso na hindi kayang matawaran ng kahit na ano. Kapag nakakakita kasi ako ng taong malungkot at kung gusto niyang ibahagi ang kanyang mga saloobin, ako naman ay handang makinig sa kanya at pasiyahin siya sa abot ng aking makakaya.


9. Ang magawa ang mga gusto at mga pangarap ko sa buhay ay tiyak na magbibigay ng napakalaking ngiti sa aking mukha. Kung nakapasa lang sana ako sa UPCAT ay sobrang saya ko na, kaso hindi eh. Hehehe. Pero masaya na rin ako dahil maganda pa rin yung school ko nung college at nagging DL pa ko. Hehehe, lakas ng chamba ko.


10. Ibang ngiti din kapag may nakuha ka o natanggap na hindi mo inaasahan talaga. Masarap ang masorpresa dahil alam mong pinaghirapan nila yun gawin talaga para sayo.

Ngayon, alamin naman natin kung ano ang nagpapangiti kila.

Sunday, November 16, 2008

Tatlong Kababalaghan Tungkol Sa Akin

Dahil sa may nag-tag nanaman sakin na si yanah, mapipilitan uli ako na magsulat. Inaamag na daw blog ko sabi ni princesscha, churi naman poh naging busy lang sa work.

1. Mahilig akong Dumighay >> sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay lagi na lang ako dighay ng dighay. Kahit hindi pa ko kumakain ay napapadighay na ko at kahit nasa kalagitnaan ng pagkain napapadighay na ko. Pero hindi pa naman ako busog kahit na madighay ako. At kayak o rin dumighay ng kusa at paulit-ulit. Talent ko nga ata toh eh.


2. Kaya kong kumain ng sinigang (baboy, hipon o bangus) na may kasamang hotdog at itlog o cornedbeef >> ganyan siguro talaga kapag matakaw ka.

3. Malakas bumahing >> kapag bumahing ako kala mo sasama na pati utak ko at lamang loob. At kadalasan ang bahing ko ay hindi lang isang beses ang record ko ay pito (7) na sunod-sunod na bahing.

Weird nga ba tong mga bagay na to, para sakin normal lang to eh. Kung kayat wag na lang kayo magugulat o magtaka kapag nakita nyo kong ganyan. Hehehe.

Friday, November 7, 2008

NDE - continuation

Dahil sa nabasa ko yung post ni princesscha tungkol sa paglunok niya ng piso nung bata pa siya ay bigla kong naalala yung sa akin kung saan may nalunok din ako.

Siguro nasa 8 or 9 na taong gulang ako nun, napadalaw ako nun sa bahay ng aking mga pinsan sa Ugong Valenzuela. Ang mga tito at tita ko ay nag-ayang mamasyal sa mall na hindi ko na maalala kung saan man yun. Masaya kaming nag-iikot at namimili, ang mga pinsan ko (mas matanda nga pala ako sa mga pinsan kong iyon) ay panay ang turo sa mga kung anu-anong pagkain upang ipabili sa tita ko. Dahil sa hindi naman nila ako anak, syempre kahit gusto kong magturo ay nahihiya naman ako, sabi pa nga ng tita ko "tignan nyo si Kuya Axel nyo ang bait hindi nagtuturo ng kung anu-ano". Duhhh!! Syempre shy aku eh. hehehe.

Matapos ang aming pamimili ay umalis na kami at umuwi. Habang nasa daan ay nagutom na kami (dahil gabi na nung oras na yun), tinanong ng tita ko kung saan namin gusto kumain, dahil sa batang Jollibee (Chroneicon bida ka sa kwento kong ito) ako ay yun ang sinabi naming kainan. Naisip na lang ng mga tito at tita ko na mag-drive thru na lang para mabilis ang biyahe dahil sa gabi na at ihahatid pa nila ako pauwi. Habang nasa biyahe pauwi at kinakain na namin ang aming chicken joy ay nakikipagkulitan ako sa mga pinsan ko. Kunwari ay tulog ako pero kumakain pa rin ako nung chicken ko at tuwang-tuwa naman sila sakin. Patuloy ko yung ginawa hanggang sa malapit ko ng maubos ang chicken joy ko nun ng bigla akong hindi makahinga. Ako ay nagtatalon-talon sa loob ng sasakyan at hawak-hawak ang aking lalamunan habang pinipilit kong makahinga subalit ako ay bigo. Ang mga pinsan ko sa likod ay natatakot na at silay sumisigaw na sa tito at tita ko ng mapansin na nga nila na may nangyayari nang hindi maganda sa akin. Pilit nila akong tinatanong kung anu problema sa akin, dahil sa hindi na ko makahinga ay hindi rin ako makapagsalita dahil walang hangin ang lumalabas sa bibig ko. Natataranta na rin ang tito at tita ko ng maisipan nilang huminto sa tabi at bigyan ako ng isang bote ng tubig, ito ay aking nilagok at hindi ko mainum at naisuka ko lamang. Hindi na ko makapag-isip ng maayos at siguro ilang segundo na lang ay tuluyan na kong mawawalan ng hininga ng ulitin kong uminum ng tubig mula sa bote. Sa laking galak ko ay lumuwang na aking paghinga. Matapos ang pangyayaring iyon ay pakiramdam ko talaga ay matutuluyan na talaga ako.

Matapos ang lahat ay dumeretso na kami at inihatid nila ako pauwi ng bahay ko. Pagdating namin sa bahay ay nakitang andun pala ang aking Lolo at Ninong na isang doctor. Kinuwento ng aking tita ang nangyari at agad namang tinignan ng Lolo ko ang aking lalamunan at nakita niyang merong nakabarang buto ng manok sa aking lalamunan kung kaya't nahirapan akong huminga noong panahong iyon. Sinabihan na lamang akong kumain ng prutas upang maitulak ito pababa. Matapos nun ay wala na kong nararamdamang kakaiba sa aking lalamunan.

Hindi pa diyan natatapos ang aking kalbaryo.

Nang maayos na aking pakiramdam ay pagdating ng lunes at akoy pumasok sa eskwelahan at parang normal lang ang lahat sa akin ay tuloy lang naman ang aking aktibong paglalaro. Alam naman natin na ang mga bata kapag nakarinig ng bell ng recess ay nagtatakbuhan palabas, lalo na kami dahil unahan sa tindahan upang makabili ng pagkain namin. Nang tumunog na ang bell ng recess ay agad kaming nagtakbuhan at ng medyo nakakalayo na ko sa class room namin (mga 20 meters na ata yun) ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa paghinga ko muli. Ang naisip ko agad sa mga panahong iyon ay bumalik ng class room dahil (isa akong henyo) parang ganito rin yung pakiramdam ko nung hindi ako makahinga nung isang gabi. Hindi nga ako nagkamali at habang dahan-dahan akong naglalakad pabalik ay hindi uli ako makahinga (parang may asthma o hika) at bigla na kong tumakbo paloob upang kunin ang aking water jug. Uminum ako ng tubig at naisuka ko lang uli gaya nung una, subalit inulit ko na lang hanggang sa bumuti ang aking pakiramdam. Hindi ko namalayan ay nasa loob pa pala ang aming guro at nakita niya akong hinahabol ko ang aking hininga. Agad niya ako pinasamahan sa isa kong classmate (na hindi ko na maalala kung sinu) sa school clinic dahil inakala niya na dahil sa nalipasan lang ako ng gutom. Pagdating ko sa clinic ang yun din ang akala nila kung kayat ay ikinuha nila ako ng lugaw (yes! libreng food) at pinakain sakin hanggang sa dumating ang aking sundo. Tumawag na pala sila sa bahay at pinasundo na ko (yes! uli) at akoy nakauwi na nung maayos na aking pakiramdam.

Talagang naging mapalad ako nung edad kong ito at nagpapasalamat ako kay Lord dahil dalawang beses ba namang muntik ng ma-dedbol ay nakakaligtas pa rin ako. Lesson, wag kakain ng chicken ng nakapikit. lolz!!

Thursday, November 6, 2008

NDE

Dahil sa tinag ako ni Lethalverses ay wala akong choice kung hindi ang gumawa rin post. Sa totoo lang, hindi ko na maalala yung mga Near Death Experiences (NDE) ko at kung meron man siguro o kung NDE nga yun na maituturing.

Dahil nga sa hindi ko na rin masyadong maalala ang mga bagay na yun ay magiging maigsi lang siguro ang aking kwento. Hindi ko na maidetalye pa ng husto gaya ng ginawa ni Lethalverses.

**********

Pagkakaalala ko nasa 6 hanggang 8 taon na gulang na siguro ako nun. Naglalaro kami ng aking kapatid na lalake sa aming bakuran ng kung anu-ano, maghahabulan at maghaharutan. Dahil sa may nakita kaming mga sanga o tangkay ng puno ng manga ay bigla kaming nakaisip na paglaruan iyon.

Kung naalala nyo pa ang cartoon show dati sa TV (na hindi ko na maalala ang title) na panahon ng mga dinosaurs at may mga taong sumasakay dito na para lamang sasakyan o mga tangke ang mga ito. Magtataka ka nga siguro kung futuristic ang show or makaluma dahil may mga laser guns at canons na sandatang nakakabit sa mga dinosaurs na ito.

Going back sa aking kwento.

Ayun nga, naisip namin na magpanggap na mga dinosaurs gamit ang mga tangkay o sanga na para bang mga kamay o galamay ito. Todo kami sa paglalaro ng aking kapatid, at syempre dahil mas matanda siya sakin unti-unti nya akong natatalo (nagpapatalo talaga ako nun) sa parang laban naming dalawa. Ako’y paatras na naglalakad nun ng hindi ko namalayan na may bata pala akong naapakan at dumulas ang paa ko. Sa dahilang iyon ay napatalikod akong bumagsak sa isang batong upuan ng bakuran naming at tumama ang akin ulo dito ng malakas. Pano ko nalamang malakas, dahil sa nagkaron ng malaking sugat sa ulo ko.

Sa hindi paraang hindi ko mapaliwanag ay, wala akong naalalang umiyak (syempre strong ako eh) aku nun. Dinala ako sa isang clinic na hindi ko maalala kung saan at tinahi ang sugat ko sa may likod ng ulo ko.

Sa ganoong paraan masasabi ko na swerte pa rin ako na hindi talagang nabagok ang ulo ko dahil kanto ng semento yung pinagbagsakan ko.

**********

Dahil sa ako ay marunong magmaneho at nagmamaneho din ay siguradong hindi ako malayo sa disgrasya, alam din siguro ito ng kahit na sinung nagmamaneho dyan. Kahit na gano ka kagaling magmaneho o ka-ingat magmaneho, ang aksidente ay naghihintay lang na maganap.

Ako ay nasa kolehiyo pa ng mga panahong iyon siguro nasa 3rd year college na ata ako. Kami ay may subject na Philosophy kung saan ay meron kaming napaka bait na propesor. Dahil sa nalalapit na ang final exams naming, naisip nyan gawing kakaiba ang finals na ibibigay niya sa amin. Sa halip na magbigay ng isang test na aming sasagutan ay mag-outing na lang daw kami sa Pansol Laguna, at kumuha ng private resort para sa block lang namin at dun magkaron na lang ng parang oral exam (hindi yung bastos ah). Syempre share-share naman kami dun. Lahat ay natuwa at pumayag sa kanyang ideya.

Dahil sa sobrang excited ng mga tropa ko nung college ay naisipan naming mag-overnight doon sa resort kahit na half-day lang ang napag-usapan. Binayaran na lang naming yung kulang para makapag-overnight kami.

Ako ay nagdala ng sasakyan (van) para sa tropa naming nasa 7, nagkita kami sa school ng mga banding tanghali at nagtungo na kami sa Pansol Laguna. Nang makarating na kami sa private resort ay agad naming kaming nakasiyahan, nagkantahan (may videoke kasi, kaso maghulog ka pa ng 5 pesos) at nagsimula na ng inuman. Kami ay nagkasiyahan hanggang mag-umaga at wala ni isa sa amin ang natulog hanggang sa dumating pa nung umaga yung iba pa naming mga ka-block sa resort. Mayamaya naman ay dumating na aming propesor at sinumalan ang oral exam (uulitin ko, hindi yung bastos) at ng matapos na lahat ay tuloy ang kasiyahan ng lahat. Dahil sa maloko din ang propesor naming ay may dala pala siyang hard na alak upang pagsaluhan naming mga umiinum. Kahit na nakarami na kami ng inum nung gabi ay inum pa rin kami hanggang sa abutin uli kami ng gabi sa resort.

Matapos ang lahat ng kasiyahan ay panahon na upang umuwi na lahat. Dahil sa walang marunong magmaneho sa mga tropa ko at akin ang sasakyan, syempre ako uli ang magmamaneho pauwi. Kahit na marami akong nainum ay hindi naman ako nalasing at pakiramdam ko kaya ko pang magmaneho kaya tumuloy na kami sa byahe namin. Nang makarating na kami sa SLEX (South Luzon Expressway) ay dun ko na naramdaman ang pagod at puyat na ginawa namin. Nagsisimula na kong antukin at magpapikitpikit ang aking mga mata. Nung una ay gising pa ang mga pasahero ko sa likod pero kinalaunan ay mga nakatulog din ang mga mokon, buti na lang ay hindi ako tinulugan ng dalawa kong katabing tropa na babae sa harap at ng isa ko pang tropang lalake sa likod. Pilit nila akong inaaliw para lang hindi ako makatulog, magpipicture kami, iinum ako ng tubig, ngunguya ng bubble gum, hihilamusan ang mukha ko ng tubig at kung anu-ano pa. Sa awa ng diyos ay nasa may Taft na kami, hindi ko na nga lang maalala kung saan banda yun. Syempre andun na ang mga stop light at mga jeep na bigla na lang tumitigil sa gitna ng kalsada. Mga banding alas-onse na ata yun habang binabaybay naming ang Taft ay napapikit ako at naka-idlip, buti na lang ay tinapik ako ng katabi kong tropa nun at pagmulat ng mata ko ay naka-red ang stoplight at nakahinto na ang jeep sa unahan naming at bigla kong inapakan ang preno *insert sound of breaks*. Ako ay nahimasmasan at pagtingin ko ay 1-inch na lang ay babangga na kami sa jeep na nasa unahan namin.

Masasabi kong swerte pa rin talaga ako at mga katropa ko. Ibig sabihin NDE naming lahat yung pangyayaring iyon. Ang masasabi ko lang din ay natuto na ko mula noon na dapat magtira ng pang-uwi lalo na kung magmamaneho ka at wag iinum ng marami kung hindi na kaya hindi na ko magpupuyat ng walang tulog ng dalawang araw. Grabe hirap pala nun.

**********

Dalawang kwento na lang siguro ang aking ibabahagi para dito sa entry na ito. Lethalverses pasensya kung natagalan at medyo nagging busy lang ako. At dahil gaya ng sabi ni Pampoy, na-tag na ata nila lahat ng greenies ay dun na lang ako sa mga bagong greenies na may mga bagong blog site na.


Princesscha
Toyz

Sunday, November 2, 2008

Araw ng mga Patay o ng Buhay

Taon taon sa tuwing sasapit ang Nov. 1 (which is All Saints Day and not All Souls Day), lahat ng mga tao ay dumadagsa sa sementeryo maging nasa probinsya man eto o sa Metro Manila... Sa mga Pilipino eto ay naging tradisyon na satin upang dalawin ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na... Para sa ibang bansa naman, kung saan Halloween ang tawag nila ay ginugunita nila sa pamamagitan ng mga pagsasaya at "trick or treat" na mga kabataan.

Ngunit sa bawat taong lumilipas, napapansin ko ata na paunti-unti na lang ata ang mga dumadalaw sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay... Eto ba ay dahil sa hirap ng buhay, dahil ba masyadong nakakapagod bumiyahe, o sa ibang araw na lang sila dumadalaw??

Napapansin ko rin na ang mga taong dumadalaw ay para na lamang namamasyal sa parke o para lang silang nagpipicnic...


Pero iisa lang ang napapansin kong hindi nagbabago... Eto ang mga taong naghahanap buhay sa araw na toh... Ang mga bulaklak nagtaas ang presyo, Php 100 na parking fee, ang mga nagtitinda ng mga pagkain at kung anu-ano pa man... Ang araw na ito ay nagiging pagkakataon na lamang sa mga tao upang makapaghanap-buhay...


Anu na nga ba ang kahulugan ng Araw ng mga Patay sa atin ngayon o eto na lang ba ay naging araw ng mga buhay???