Wednesday, October 22, 2008

IMPORTANT QUOTES TO LIVE BY


Never explain yourself to anybody; your friends don't need it
and your enemies won't believe you anyway
***ELBERT HUBBARD***

If you're ot curious it's a sign that you're stupid!

***DR. FRANK CRANE***

Its better to be hated for what you are than be loved for you're not

***ANDRE GIDE***

Ipinanganak ako walang kakambal; mahalin mo din

ako ng walang karibal!

***Nakasulat lang sa pader ng C.R.***

Natanggap ko lamang ito bilang isang forwarded text message at sobrang tuwa ko, gusto ko lang ibahagi...

Akalain mo nga namang may mag-emo sa CR, although may sense din ang kanyang sinsabi...

Thursday, October 9, 2008

Buhay MRT

Buhay MRT ay sadyang napakasaklap at napaka hirap. Araw-araw na pagsakay ay parang isang kalbaryo na puno ng pagsubok.
Sa mga taong madalas sumakay ng mga pampublikong sasakyan, ang MRT o Metro Rail Transit and pinaka-kumbinyenteng sakyan. Lalo na sa mga taong bumabaybay ng EDSA papuntang trabaho (sa Makati, Ortigas, Mandaluyong o Taguig).
Samu't saring mga tao ang maari mong makita at makasabay sa loob ng tren na ito. Samu't saring amoy din ang iyong malalanghap (mga anghit, pawis, mabahong hininga at utot). Minsan parang gusto mo na lang sumuka sa loob at ilabas ang kinain mong agahan.
Kung mapapansin mo din, napaka-dami ng mga taong sumasakay dito (tignan mo na lang ang litrato). Kuha ko yan mula sa taas ng estasyon ng North Ave. Station. Eto ang araw-araw na itsura sa station na to tuwing umaga at ang mga tao ay pumapasok sa kanikanilang mga trabaho.
Dahil sa naka-raang insidente na rin ng pambobomba, tinawag na Rizal Day Bombing, ang seguridad ay pinhigpit na rin.
Dahil na rin sa mga insidente at pagrereklamo ng mga babae na sila ay nahaharas ng mga lalake sa loob ng tren ay ginawan sila ng kanilang sariling couch o sariling bahagi ng tren para sa mga babae. Aba naman, sa dami ba naman ng mga taong sumasakay ay napaka reklamador nyo ah! Karamihan naman sa inyo ay walang "K" para naman maharas noh! Ngayon nga ay kahit may sarili na kayong mga puwesto sumisiksik pa rin kayo sa lugar ng mga lalake. Hindi kaya yun yung mga babae na gustong magpaharas. hehehe.
Meron na rin mga insidente na may nananakawan ng mga gamit pag-akyat ng estasyon, sa labas ng estasyon at pati sa loob na rin ng tren. Akalain mo nga naman ang kapal ng mga mukha ng mga tao ngayon. Ginagawa nila ito habang nagsisiksikan sa loob at labas ng tren.
At dahil na rin sa siksikan sa loob ng tren marami na rin mga tao ang nag-aaway dahil dito. Lalo na ang mga lalake na masagi lang ng iba ay maghahamon na ng suntukan. Aba, nasa pampubliko kayong sasakyan kaya wag kayong masyadong mareklamo daig nyo pa mga babae ah! Meron din nag-aaway dahil sa pagsasabihan ng kapwa na umusog ka at maluwang pa sa kabila, syempre mga lalake nanaman ang mag-aaway. Merong matatapang talaga at merong mga nagtatapang-tapangan lang. Hahaha!!! Pussy Dick!!! lolz.
Eto lang naman ang mga iilan sa mga kalbaryo ng mga taong sumasakay ng MRT araw-araw. Kung kayo ay nagbabalak na sumasakay ay ihanda nyo na mga sarili nyo sa mga ganitong pangyayari at normal na yan.

Tuesday, October 7, 2008

Hugas Kamay

Kasama ko ang barkada sa isang kilalang coffee shop, upang magkape (syempre naman, alangan namang mag-inuman) at magkwentuhan na rin habang hinihintay ang kanyang nililigawang babae. Pero hindi naman yun ang kwento ko.


Dahil sa dami ng kape na aking nainum (White Mocha Frap Blended in Coffee nga pala order ko), ako ay nagpunta sa Restroom upang, you know, make "wiwi" and everything. Pagkatpos kong mag-wiwi syempre maghuhugas ng kamay (kadiri yung mga hindi nag-huhugas ah!), nang makita ko ang isang karatula nila, isang gabay sa paglilinis ng kamay para sa mga crew nila.

Para sa mga hindi makabasa eto ang steps:

1. Wet > basain ang kamay (pwede rin ang paa at mukha mo kung gusto mo lang, o baka naman gusto mo ng maligo nyan.

2. Soap > lagyan ng sabon ang kamay (oh! baka naman ipang-ligo mo nanaman at mag-hilod ka pa ah!)

3. Wash for 30 sec. > hugasan ng mabuti sa loob ng tatlumpung segundo (pwede rin 5 sec. lang kung gusto mo, pero kung tumae ka, tagalan mo naman... eeewwww!!!)

4. Rinse > banlawan ang kamay (kamay ha!! baka naman labahin ang banlawan mo dyan...)

5. Dry > patuyuin ang kamay (ang kamay uli at hindi ang labahin)
6. Turn off water > patayin ang tubig (baka naman iliteral mo at saksakin mo yung tubig ah)
Pero ang napansin ko talaga dito ay, sa huli mo pa pala kailangang patayin ang tubig... WTF!! Paghuhugas ba ng kamay ang steps na to o pag-aaksaya ng tubig... tsk tsk!! Kung sinu man ang gumawa nito ay malamang malaki ang bill lagi ng tubig sa bahay...

Madalas din siguro siyang maghugas kamay (figuratively ang literally)... lolz...

Wednesday, October 1, 2008

Simpleng Bagay Lamang

Araw-araw lahat ng tayo ay abala sa mga kanya-kanyang gawain, maging sa bahay man ito, sa trabaho, pag-iinternet, o sa iba pang mga bagay.

Maraming mga bagay tayong inaalala at naalala. Inaalala natin kung pano tayo mamuhay sa pangaraw-araw, kung pano natin tatapusin ang mga proyekto sa eskwelahan, matapos ang mga trabaho sa opisina sa takdang panahon.

Naalala naman din natin ang mga pangyayari ng nakalipas at ang kasalukuyan. Naalala natin ang mga kaarawan ng mga kaibigan at iba pang mga taong malapit sa atin. Naalala natin ang mga gimik ng barkada. Naalala din natin ang mga bayarin natin sa kuryente, bayarin sa eskwela, sa mga credit cards at kung anu-ano pa.

Sa mga samahan naman gaya ng mga kaibigan, kapamilya o kahit na sinu pa man, hindi natin nakakalimutan ang mga magagandang pangyayari kasama sila. Hindi rin nalilimutan ang mga magagandang bagay na ginawa nila para sa atin. At ang mas masama pa ay lalong hindi natin nakakalimutan ang mga masasamang pangyayari o masasamang nagawa nila sa atin.

Pero anu ba ang madalas nating makalimutan?

Ang hindi napapansin ng nakakarami na madalas makalimutan ng isang tao ay mga "Maliliit na Bagay" (Simple Things).

Sinu nga ba ang makakapansin nito? Eh maliit nga naman, anu ba naman at pag-aaksayahan pa ng panahon.

Maaring sabihin na hindi ito maikukumpara sa mga malalaking bagay na ating nararanasan, nadarama o nakikita. Pero dapat nating isipin na sa mga "maliliit na bagay" na ito nabubuo ang mga malalaking bagay. Wala nga namang lumabas na lang o nangyari na lang bigla at itoy lumaki. Lahat ay may pinagsimulan. Ang mga malalaking negosyo ay nagsisimula sa maliit na negosyo. Ang mga malalaking halaman ay nagsimula sa isang maliit na buto. Ang pag-ibig ay nagsimula sa paghanga. Ang malalaking away ay nagsisimula sa maliliit na away.


Kailangan nating maging mapagmasid sa mga ganitong bagay. Kung ating mababalewala ang mga maliliit na bagay na ito maaring magsisi lamang tayo sa huli dahil kapag naipon ang mga maliliit na bagay na ating nakaligtaan ay maari itong maging malaking bagay. Malaking bagay na mahirap ng ibalik sa Maliit.