Why not chocobot?
Itong pinuntahan nga pala namin ay ang 29th Manila International Book Fair!
Bakit ko nilagay?? Wala lang, bakit ka ba nakikielam... hehehe...
Nang dumating na kami dun, ay pasara na yung SMX kasi ba naman na-traffic ako papunta dun. Wala na lang sisihan, hindi ko kasalanan yun. Kaya naglibot na lang kami agad upang maghanap ng mga libro.
Tinanong nya ko, anu daw bang libro hinahanap ko? Aba! Malay ko, wala nga akong hilig sa libro kaya hindi ko alam kung saan magsisimulang maghanap ng libro at kung anung klase ng libro.
Kami ay napadpad sa Power Books. Daming sale ng mga libro, parang ukay-ukay lang. Sabi ko tingin nga ako ng mga libro, may mga nakita akong libro na pamilyar sa aking pandinig. At naka Sale pa sila. Kaso ng tignan ko ang presyo ng mga librong ito. Ako'y nagulat dahil nasa Php 700 pala ang mga halaga nitong mga aklat na ito. At dahil sa wala nga akong hilig sa mga aklat ang Php 300 na aklat para sa akin ay nagMUMURAng presyo.
Habang naghahanap ng mga murang aklat na magugustuhan ko, bigla akong may nakitang aklat. Sabi ko sa sarili ko, eto na lang bibilin ko. Mura lang eh nasa Php 300 pesos lang ang presyo niya.
Kaya eto na yung librong nabili ko.
Hahaha, kala mo kung anung napaka-gandang aklat ang nabili ko eh noh. Pero ayun sa mga naririnig ko maganda daw talaga ang aklat na yan.
Lam ko na sasabihin nyo, luma na yang aklat na yan at pwede namang manghiram na lang ako sa kakilala ko. Pero bakit ba, pero ko yun eh. Hehehe... Tsaka eto ang kauna-unahang aklat na nabili ko gamit ang pera ko. Kung kaya't ipinagmamalaki ko ito.
Sana nga lang hindi rin siya matengga sa bahay gaya nung mga aklat na hiniram ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tapos basahin. Hehehe... Gaya nung Angels & Demons na 2 years na kong natigil sa pagbabasa nun at hanggang ngayon ay nasa Chapter 50 pa rin ako. Nakalimutan ko na nga ata yung kwento eh.
Pero sisiguraduhin kong babasahin ko talaga eto.
Singit ko lang yung iba pang mga kuha ko sa SMX.