Wednesday, October 1, 2008

Simpleng Bagay Lamang

Araw-araw lahat ng tayo ay abala sa mga kanya-kanyang gawain, maging sa bahay man ito, sa trabaho, pag-iinternet, o sa iba pang mga bagay.

Maraming mga bagay tayong inaalala at naalala. Inaalala natin kung pano tayo mamuhay sa pangaraw-araw, kung pano natin tatapusin ang mga proyekto sa eskwelahan, matapos ang mga trabaho sa opisina sa takdang panahon.

Naalala naman din natin ang mga pangyayari ng nakalipas at ang kasalukuyan. Naalala natin ang mga kaarawan ng mga kaibigan at iba pang mga taong malapit sa atin. Naalala natin ang mga gimik ng barkada. Naalala din natin ang mga bayarin natin sa kuryente, bayarin sa eskwela, sa mga credit cards at kung anu-ano pa.

Sa mga samahan naman gaya ng mga kaibigan, kapamilya o kahit na sinu pa man, hindi natin nakakalimutan ang mga magagandang pangyayari kasama sila. Hindi rin nalilimutan ang mga magagandang bagay na ginawa nila para sa atin. At ang mas masama pa ay lalong hindi natin nakakalimutan ang mga masasamang pangyayari o masasamang nagawa nila sa atin.

Pero anu ba ang madalas nating makalimutan?

Ang hindi napapansin ng nakakarami na madalas makalimutan ng isang tao ay mga "Maliliit na Bagay" (Simple Things).

Sinu nga ba ang makakapansin nito? Eh maliit nga naman, anu ba naman at pag-aaksayahan pa ng panahon.

Maaring sabihin na hindi ito maikukumpara sa mga malalaking bagay na ating nararanasan, nadarama o nakikita. Pero dapat nating isipin na sa mga "maliliit na bagay" na ito nabubuo ang mga malalaking bagay. Wala nga namang lumabas na lang o nangyari na lang bigla at itoy lumaki. Lahat ay may pinagsimulan. Ang mga malalaking negosyo ay nagsisimula sa maliit na negosyo. Ang mga malalaking halaman ay nagsimula sa isang maliit na buto. Ang pag-ibig ay nagsimula sa paghanga. Ang malalaking away ay nagsisimula sa maliliit na away.


Kailangan nating maging mapagmasid sa mga ganitong bagay. Kung ating mababalewala ang mga maliliit na bagay na ito maaring magsisi lamang tayo sa huli dahil kapag naipon ang mga maliliit na bagay na ating nakaligtaan ay maari itong maging malaking bagay. Malaking bagay na mahirap ng ibalik sa Maliit.


Wednesday, September 24, 2008

Bagong Bili kong Libro

Inimbitahan ako ng kaibigan ko nung ika-15 ng Septiyembre taong 2008 na pumunta ng Book Fair sa SMX Convention Center. Nung una sabi ko, kelan ka pa nahilig sa libro? Ang totoo pala nagbabasa na pala siya ng mga libro dati pa, kaso puro relihiyosong libro. Ako naman ang napa-isip ngayon. Bakit ako pupunta doon, wala naman akong hilig sa pagbabasa ng libro. Pero, bigla akong tinamaan ng ideya sa utak ko.

Why not chocobot?

Itong pinuntahan nga pala namin ay ang 29th Manila International Book Fair!

Bakit ko nilagay?? Wala lang, bakit ka ba nakikielam... hehehe...

Nang dumating na kami dun, ay pasara na yung SMX kasi ba naman na-traffic ako papunta dun. Wala na lang sisihan, hindi ko kasalanan yun. Kaya naglibot na lang kami agad upang maghanap ng mga libro.

Tinanong nya ko, anu daw bang libro hinahanap ko? Aba! Malay ko, wala nga akong hilig sa libro kaya hindi ko alam kung saan magsisimulang maghanap ng libro at kung anung klase ng libro.

Kami ay napadpad sa Power Books. Daming sale ng mga libro, parang ukay-ukay lang. Sabi ko tingin nga ako ng mga libro, may mga nakita akong libro na pamilyar sa aking pandinig. At naka Sale pa sila. Kaso ng tignan ko ang presyo ng mga librong ito. Ako'y nagulat dahil nasa Php 700 pala ang mga halaga nitong mga aklat na ito. At dahil sa wala nga akong hilig sa mga aklat ang Php 300 na aklat para sa akin ay nagMUMURAng presyo.

Habang naghahanap ng mga murang aklat na magugustuhan ko, bigla akong may nakitang aklat. Sabi ko sa sarili ko, eto na lang bibilin ko. Mura lang eh nasa Php 300 pesos lang ang presyo niya.
Kaya eto na yung librong nabili ko.

Hahaha, kala mo kung anung napaka-gandang aklat ang nabili ko eh noh. Pero ayun sa mga naririnig ko maganda daw talaga ang aklat na yan.

Lam ko na sasabihin nyo, luma na yang aklat na yan at pwede namang manghiram na lang ako sa kakilala ko. Pero bakit ba, pero ko yun eh. Hehehe... Tsaka eto ang kauna-unahang aklat na nabili ko gamit ang pera ko. Kung kaya't ipinagmamalaki ko ito.

Sana nga lang hindi rin siya matengga sa bahay gaya nung mga aklat na hiniram ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tapos basahin. Hehehe... Gaya nung Angels & Demons na 2 years na kong natigil sa pagbabasa nun at hanggang ngayon ay nasa Chapter 50 pa rin ako. Nakalimutan ko na nga ata yung kwento eh.

Pero sisiguraduhin kong babasahin ko talaga eto.

Singit ko lang yung iba pang mga kuha ko sa SMX.


Sunday, September 14, 2008

Magkaibang Mundo

May kaibahan nga ba ang mundong ating ginagalawan ngayon? Makalayo sa bawa't isa, eto ang ating naging kapalaran. Andyan ka at ako'y nandito. Ilang libong milya ang layo sa isa't isa.


Tinatanong ko ang sarili, dahil ba nasa ibang lugar tayong dalawa ay magkaiba na ang mundong ating ginagalawan. Parehas may pagbabago sa buhay. May mga bagong kaibigan na nakikilala. May mga pagsubok na kailangang daanan at pagtagumpayan. Parehas dumaranas ng kalungkutan sa bawat araw na lumilipas. Bago ang kulturang binabagayan.


Tama bang isipin natin na makaiba ang mundo ng dalawang tao na magkalayo lang at nakatira sa makaibang lugar? Hindi ba't parehas lang ito at magkaiba lang ang mga pagkakataon. Ilang lang ang lugar, mga kasama at Kultura pero iisal ang pinanggalingan natin.

Wednesday, September 3, 2008

FAR AWAY

Habang naghihintay ako sa client ko medyo na inspire uli akong sumulat ng walang kwenta kong poems.
Isipin mo ba naman 7pm na nagtatrabaho pa ko eh hanggang 6pm lang work ko eh. Meron lang akong namiss na tao kaya ko ito naisulat kanina.
This poem is very fresh: Sept. 03, 2008




Far beyond the distance
Thingking of how you are
Not knowing if you are fine
Just hoping that you are well


Silently tonight, I pray to him
To keep you safe as always
Be far from harm
To keep on smiling like before


We loose our way sometimes
But I know we'll get back their everytime
Hanging on to what we have
And believing that it will last


We're bound by our dreams
Choosing our own fate
Taking chances for eveyones sake
But it's only your heart that I will take



Sunday, August 31, 2008

THE FEELING

This is another poem that I wrote before, I think I was 2nd year college in PLM... Nothing to do...

This was originally written July 26, 2002...

Please forgive the wrong grammars or spellings... I've some fixed some of the lines so that it wouldn't sound so awfull (nakakahiya kasi)...


Lights keep rushin' back in my head
Sometimes I feel I'm dead
I lie down silently on my bed
Until theirs nothing to be said

Could you imagine the pain I feel
It's like wanting to kill
Would I just be the one to kneel
Or be having a feel of thrill


Should I give-up and fade away
Wondering even if there would be a way
As the wind of breeze will sway
To the sunset of the bay


I would dream being on an island
and sing like I'm on a band
Waiting till I can't no longer stand
And say my last Goodbye!!!

Monday, August 18, 2008

TANG INA NYONG MGA MANDURUKOT

Kakauwi ko lang ng bahay galing Makati... Sumakay ako ng bus from Makati papuntang Karuhatan, nakatulog ako sa biyahe dahil inaantok na talaga ako... Paggising ko at ng bumaba ako ng bus napansin ko ang gaang ng bulsa ko sa kaliwa, yun naman pala na-SLICE ang bulsa ako nakuha ang COMPANY CELLPHONE ko... TANG INA!!!!

Pangalawang beses ko ng mawalan cellphone sa bus... Yung una pinost ko rin sa blog na to... Nakuha naman yun biyaheng Makati papuntang Buendia LRT... Nadukot sa cellphone case ko sa belt...

Nakakahiya na nga yung unang nangyari sakin ng ireport ko sa office namin, lalo na to na naulit nanaman sakin... Sana naman hindi nila ako pag-isipan ng masama...

Ano na ba talaga ang nangyayari sa Pinas ngayon??!!! Parang wala na talaga akong tiwalang sumakay ng pampasaherong sasakyan... Ang mga tao dito sa Pinas masyado na nga bang desperado o sadyang mga halang lang ang kaluluwa ng mga taong yun...

Pakiramdam ko ngayon parang ang malas ko ata ngayong taong ito dahil mangyari ba naman sakin yun ng dalawang beses... Hindi ko alam kung maiinis ako sa sarili ko dahil nakatulog ako sa biyahe at hindi ko sinunod ang alok nila LV na magpaumaga na lang sa kanila o sa mga PUTANG INANG MANDURUKOT na yun...

Eto nga pala ang ginawa ng mga yun sa pantalon ko... 3 nga lang maong pants ko sinira pa nila yung isa... Kaasar talaga!!!


Thursday, August 14, 2008

Karera ng buhay

Alam nating lahat na napaka hirap ng buhay dito ngayon sa Pinas... Lalo na sa panahong ito kung saan ang lahat ng bilihin ay nagtaas na, ang presyo ng Gasolina, Bigas at Pamasahe...
Bawat Pilipino ay hirap na hirap na, kasama pa sa kahirapan na nararanasan nating lahat ngayon ay ang kaguluhan sa ating Gobyerno... Kabikabila ang mga eskandalo sa ating Gobyerno... Habang ang bawat mamayan ng ating bansa ay hirap kung pano nila bubuhayin at itatawid ang sarili nila sa pangaraw-araw na pamumuhay nila...

Sa bawat tahanan ngayon kinakailangan ng magtrabaho ang Nanay at Tatay para lang maitawid and pamilya nila... Minsan pa nga ay pati ang mga anak ay humihinto pa sa pag-aaral para lang tumulong sa paghahanap buhay... Ang karamihan pa ngayon ay nangingibangbansa na...

Kaya gumawa ako ng maliit na Survey sa aking blog upang makuha ang opinion ng mga mangilan-ngilang mga tao na bumibisita aking blog...


Which would you rather choose?


  • To work here in the Philippines

  • Work abroad

  • Have your own business

Ang resulta.... Merong 9 na taong sumagot sa katanungan...

  1. To work here in the Philippines - 2 votes = 22%

  2. Work abroad - 5 votes = 55%

  3. Have your own business - 2 votes = 22%

Eto ang aking mga sariling saloobin sa mga maaring kadahilanan kung bakit eto ang naging resulta ng botohan...

Yung sumagot sa "To work here in the Philippines"... Maaring ang dalawang taong ito ay kasalukuyang may magandang trabaho kung kayat masaya silang magtrabaho sa Pinas... Maari din na ayaw nilang umalis ng Pinas dahil may mga tao sila dito na maiiwan nila na ayaw nilang malayo sa kanila at baka malungkot lamang sila kapag nangibang-bansa sila...




Sa sumagot sa "Work abroad"... Eto yung mga maaring mga tao na hindi na masaya sa trabaho nila dito sa Pinas, naliliitan sa sahod na kanilang nakukuha at tanging pangingibangbansa ang kasagutan sa kanilang pangangailangan... Maaring pagod na rin sila sa mga nangyayari dito sa Pinas at sa ibang lugar na lang sila magtatrabaho... Pwede rin dahil, gusto nilang makaipon agad dahil may mga pinaplano sila para sa hinaharap...







Ang mga matatapang na sumagot ng "Have your own business"... Eto yung mga nilalang na matatapang ang kalooban at handang sumabak sa mundo ng mga negosyante... Maaring eto lang ang tanging dahilan para talagang umasenso sila sa madaling paraan... Gusto nilang kumita ng malaki na hindi na kailangang umalis ng bansa at hindi sila magpapaalipin sa mga banyaga at gusto nilang gawin ang gusto nila... Naniniwala sila ang tagumpay ay nasa pagtitiyaga at nasa tamang oportunidad sa buhay...




Eto ay ilan lamang sa aking mga opinyon kung anu ang maaring naging dahilan ng mga sumagot...

Bawat sa atin ay may kanya-kanyang mga dahilan kung anu man ang landas ang ating pipiliin upang tayo ay umasenso sa buhay at makuha natin ang ating mga inaasam sa buhay... Eto man ay Magtrabaho dito sa Pinas, sa ibang Bansa o magkaron ng sariling Negosyo... Kung anu man ang piliin mo, dito ka masaya at dito magaan ang loob mo... Hindi lahat tayo, makakaalis ng bansa para magtrabaho at hindi lahat tayo ay magiging negosyante... Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang gagampanan sa buhay...

Kung wala ng magsasaka; wala na tayong kakainin, kung wala ng karpentero; wala ng gagawa ng mga bahay, kung wala ng guro; mangmang na tayong lahat...

Kailangan lamang ng bawat isa sa atin ay pagbutihin ang ating mga piniling Karera sa Buhay... Maging masaya sa ating ginagawa at pagyamanin ang mga nalalaman...